Accidentally sex

70.6K 189 0
                                    

copyright@kyrayle23

           Ako si Andrei Valdemor, tubong Maynila at ngayon ay kasalukuyang nakikipagrelasyon kay Alexa Gonzaga. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko. Kung tutuusin nga, hindi lang basta girlfriend ang relasyon namin dahil nagsasama na kami sa iisang bubong bilang mag-asawa. Kasal na nga lang ang kulang sa amin.

            Masasabi ko na satisfied naman ako sa girlfriend ko. Lahat naman ng pangangailangan ko, naibibigay nya. Responsible sya’ng girlfriend sa akin kaya naman, hindi ko magawa ang magloko sa kanya at mahal na mahal ko sya.

              Hanggang sa umuwi kami sa kanilang probinsya dito sa Mindanao. May okasyon kasi rito kaya kinailangan naming umuwi. Kasama namin ang Mommy nya at ang kapatid nya, pati na rin ang pinsan nya na babae na si Janella kasama din ang ina nito na Tita naman ni Alexa.

             Malamig na hangin ang sumalubong sa akin nang makababa kami ng Van. Medyo gabi na din kami nakarating. Alas Dyes ng gabi nang tingnan ko ang relo ko’ng pambisig.

             Itinuro nya sa akin ang bahay ng kanyang Lola kung saan, doon kami tutuloy. Nasa gitna ito nang palayan nakatirik, medyo malaki na gawa sa kahoy at napapaligiran ng marami at iba’t-ibang uri ng puno. Probinsya na probinsya talaga kung tingnan sabayan pa ng huni ng mga pang-gabing ibon.

            Nang makarating kami, dahil sa sobrang pagod sa byahe ay wala nang gana ang iba na mag-usap-usap muna. Nagkayayaan ng matulog.

            Sa dami naming ay halos wala ng matulugan dahil dalawa lamang ang kwarto ng bahay na iyon. At sa kabilang kwarto nga natutulog ang Lolo’t-Lola ni Alexa. Yung iba naman nasa labas at kami ni Alexa ang nasa kabilang kwarto. Doon na din nakikisiksik si Janella dahil puno na nga sa labas.

              Noong unang gabi ay nakatulog naman kami ng maayos at nagising ng maaga kinabukasan. Pinakilala ako ni Alexa sa kanyang mga kamag-anak na kanya-kanyang nagdatingan, nagbigayan ng pasalubong at nagkamustahan.

             As usual na nangyayari, sumapit na naman ang gabi at oras na naman ng tulugan. Binulungan ko si Alexa na gusto ko’ng magsiping kaming dalawa ngunit hinampas lamang nya ako ng unan. Alam ko din naman kasi na hindi pwede ang gusto ko dahil nga madami’ng tao sa labas at kurtina lamang ang nakatabing sa pintuan.bukod pa doon katabi namin sa higaan si Janella.

Her Cousin [one shot] SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon