secret affair

50.8K 148 0
                                    

copyright@kyrayle23

            HInanap ko si Janella sa aking paningin. Nais ko sya’ng kausapin tungkol sa nangyari kagabi. Kumuha muna ako ng timing upang hindi makahalata si Alexa. Ayoko naman na magalit sa akin ang girlfriend ko at iwanan ako, hindi ko yun kakayanin dahil mahal na mahal ko sya. Isa pa, aksidente naman yung  nangyari kagabi. Siguro naman maintindihan iyon ni Janella.

              “ nandito kalang pala, kanina pa kita hinahanap” ngumiti sya sa akin at nakaramdam ako ng kakaiba sa ngiti nya’ng iyon. Kaya lumunok na lamang ako upang ibsan ang kakaibang tensyun.

              “ tungkol nga pala sa nangyari kagabi, nais ko’ng humingi ng dispensa, hindi ko sinasadya”

            “ wala yun, nag-enjoy naman din ako” sagot nya na ikinagugulat ko. “ nag-enjoy?” “ continue it! Don’t stop!” bumalik sa aking pandinig. Iyon ang eksatong sinabi nya sa akin kagabi kaya naman itinuloy ko iyon. Medyo wala pa ako sa wisyo nun dahil tulog nga ako.

           “ wag mo nang isipin yun Andrei, hindi makakarating yun kay Ate sa isang kondisyun”

            “ ano yun?”

          “ makikipagsiping ka sa akin sa oras na gustuhin ko, matagal na akong may gusto sayo Andrei, kaso si Ate lang lagi napapansin mo, ngayon na may nangyari na sa atin, hinahanap-hanap na  yun ng katawan ko, kaya sana pagbigyan mo ako” aniya sabay talikod sa akin na napanganga na lamang.

            Maganda si Janella, halos magkasinglaki lamang sila ni Alexa kaya naman hindi ko kaagad iyon nahalata kagabi nang may mangyari sa amin. Halos ganoon din ang hubog ng kanilang katawan. Pag nakatalikod nga silang dalawa ay halos hindi mo sila makikilala.  Marami ang nanliligaw kay Janella kaya lang wala ako’ng nabalitaan na may sinagot sya ni isa sa mga iyon hanggang sa nalaman ko ang katotohanan kung bakit hanggang ngayon ay single pa din sya. Dahil may ibang gusto ang puso nya at may matagal na sya’ng minamahal, at ako yun.

             Huminga ako ng malalim at inikot ang paningin sa paligid. Napakaganda talaga dito sa probinsya. Tahimik ang paligid at tanging huni ng mga ibon lang ang maririnig mo sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin. Hindi ko lubos maisip na dito pa sa lugar na ito, magawa ko’ng pagtaksilan si Alexa. Aksidente man ang nangyari sa amin ni Janella, aminado ako na nag-enjoy talaga ako ng sobra at hinahanap na sya ng stamina ko. Kaya lang alam ko’ng mali ito dahil engage na ako kay Alexa at mahal na mahal ko ang girlfriend ko. Isa pa, malapit na kaming ikasal at wala ako’ng balak na ipagpalit pa sya sa iba.

Her Cousin [one shot] SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon