"Okay class that's all for today, you may now leave the classroom" sabi ng Prof. namin kaya nagsisisiksikan ang mga kaklase ko palabas ng room habang ako naman ay nag aayos ng mga kalat kalat kong notebook at ballpen sa aking desk."Huy ano ba yan Philomena Katya!Tara na! Mahuhuli na tayo sa fan sign, bilisan mo dyan" Pagmamadali sakin ni Elle kaya naman napakamot ako ng ulo dahil kailangan pa talagang tawagin buong pangalan ko
"Oo na eto na!" Sabi ko habang zinizipper ang aking bag at lumabas na kami sa room
Ngayon daw kasi ay may fansign event daw ang hinahangaan niyang singer na si Bryce Quinnell galing daw kasi itong ibang bansa,kaya pinipilit ako ni Elle na sumama sakanya dahil fan na fan daw siya ni Bryce, kaya kahit di ko masyadong kilala yung Bryce na yon, sumama nalang ako.
"Teka teka! Maganda ba ako?" Napangiwi ako sa tanong ni Elle at tinignan ang buong mukha niya na talagang nag make up pa talaga para sa fan sign event na yon, totoo naman maganda si Elle at mas lalong gumanda siya dahil sa make up niya.
Andito kami nakasakay sa kotse niya habang siya retouch ng retouch ng make up niya na laging nakatingin sa salamin na halos mag dikit na sila ng salamin niya
"Bakit ka ba nagmamake up eh fan sign event lang naman yon?" Takang tanong ko sakanya
"Teh!Kailangan 'to para mapansin niya ako diba?" Kilig na kilig na sabi niya
"Huh eh andami dami natin don pano ka niya mapapansin? Tsaka kilala ka ba niya?" Sumama ang tingin niya sakin tsaka hinampas ako sa braso ng salamin niya . Aray ! Anlakas non a
"Ah basta! Gusto ko yung mapapatingin siya sa akin, malay mo ma-love at first sight siya sakin" Kinikilig na sabi niya habang hinahampas hampas ang kawawa kong braso.Okay, Libre lang naman mangarap.
Nandito kami ngayon sa mall kung saan gaganapin ang fansign event ni Bryce, halos di kami makalakad ng maayos dahil sa dami ng tao at marami ang nakapila kaya naman nasa pinaka dulo kami ni Elle at mukhang matatagalan pa kami dito.
Nakita ko ang mukha ni Bryce na nasa poster at mukhang pamilyar talaga siya,noong unang pinakita ni Elle ang picture ni Bryce ay parang pamilyar na talaga siya sakin kaso di ko matandaan san ko siya nakita.
"OMG ANDYAN NA SIYAAAA!!!!!" Sigaw ng mga babae at nag si tilian ang ibang mga babae kasama na si Elle na taas taas pa ang hawak niyang album.
Nakita namin na pumasok siya sa entrance ng mall na may mga guard na nakapaligid sakanya, naka sumbrero siya at naka suot ng plain white t-shirt at black na pants at ang kumikinang niyang hikaw sa kaliwang tenga pero naka-shades siya at ang gwapo niya paring tignan at malakas ang dating niya kaya pala marami siyang fan.
Nakita kong napalingon siya sakin at binaba ang shades niya,bigla siyang ngumisi dahilan na mas lalong kiniligan ng mga babae kaya napaiwas ako ng tingin habang nag iinit ang aking pisngi.Baliw ba yon?
Mahigit isang oras na kami nakapila at sa wakas kami na ang susunod sa linya hanggang ngayon ay pag iniisip ko parin ang ginawa niya kanina ay nag iinit ang pisngi ko. Kanina ko pa gusto umuwi dahil nangangalay na ang aking likod kakatayo at baka mas lalo pang mag init ang pisngi ko at kabahan pag nakita ko siya sa malapitan.
"Omgg!! Kinikilig akooo!!" Impit na tili ni Elle habang hinahampas hampas nanaman ang braso ko kaya hinampas ko rin siya sa braso niya para maramdaman niya rin kung gaano kasakit yung hampas niya.
Nang kami na yung sumunod ay kinakabahan ako at napapayuko ng ulo di ko alam kung bakit, Napalingon ako kay Bryce na malawak na nakangiti kaya Elle habang si Elle naman ay namumula ang pisngi habang iniipit ipit pa ang buhok sa tenga kaya napapangiti ako dahil pinipigilan ko ang aking pagtawa
Napatigil ako ng mapansin kong nakatingin sakin si Bryce kaya napaiwas ako ng tingin. "Are you guys from Quinn University" Tanong niya kaya nagulat kaming dalawa ni Elle. Pano niya nalaman na don kami nag aaral? Dahil ba sa suot naming uniform?
"Umm, how did you know?" Tanong ni Elle na may pa ipit ipit parin ng buhok sa tenga. Bigyan ko nga to ng hair clip.
"Ah nothing" Sabi niya at napalingon ulit sakin kaya napayuko ako at napahawak sa mukha ko. Bakit kaya lingon siya ng lingon sakin? May dumi ba sa mukha ko?
"AHHHHH GRABE MAS LALO SIYANG GWAPO SA MALAPITAN" Tili ni Elle habang andito kami sa sasakyan, napatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng tili niya "Pero napapansin kong lingon siya lingon sayo" Sabi niya na may pa ngisi ngisi pa sakin
"Huh? Baka may dumi lang sa mukha ko" Sabi ko
"HAHAHAHAHA!iba e, parang na love at first sight siya sayo ganun" Sabi niya kaya napangiwi ako. Grabe love at first sight agad? Eto talagang si Elle
"Pero okay lang naman sakin kung maging kayo age doesn't matter naman, 19 ka, 23 siya" Sabi niya na may pa taas baba pa ng kilay kaya naman binatukan ko siya. Advance talaga mag isip e.
First Year college na kami ngayon ni Elle sa kursong Business Management, magkaibigan kami ni Elle simula nung high school pala at siya lang yung kaibigan kong tumagal sakin kahit na ang introvert ko.
Ng makauwi na ko sa bahay namin nagulat ako ng makita ko si Ate Priscilla Kate or Ate Kate kausap si Dad at Mom, simula kasi nung nakapagtapos siya ng pag aaral pumunta siya sa America para doon makapag trabaho bilang isang Fashion Designer kaya bihira nalang siya makauwi dito sa Pinas at masasabi kong mas lalo siyang gumanda ngayon, nakasuot siya ng red fitted dress na bakat na bakat ang kurba ng katawan niya at mas lalong bumagay ang mahaba at bagsak niyang buhok na dati ay maikli.
Magka baliktad ang ugali naming dalawa ni Ate Kate dahil lagi siyang masungit sakin kaya madalas hindi kami magkasundo at sikat daw siya noon sa school na pinag aaralan ko ngayon kaya pala marami siyang manliligaw at mga kaibigan. Habang ako na laging nagkukulong sa kwarto at iisa lang ang kaibigan.
"Oh! My sister is here!i miss you so much" Sabi ni Ate Kate na may malawak na ngiti at alam ko namang peke yon kaya ngumiti rin ako sakanya.
Habang nag aayos ako ng aking gamit sa sala habang nanonood ng T.V. nakita ko na binabalita si Bryce na bumalik na daw siya dito sa Pinas para sa isang fan signing event na pinuntahan namin kanina ni Elle.
"Oh my god" Napalingon ako kay Ate na nanonood din at kita ko sa mukha niya na gulat na gulat siya habang nanginginig na akala mo'y nakakita ng multo. Bakit ganyan reaction niya? Kilala ba niya si Bryce?
YOU ARE READING
Love And Revenge
Romance: expect some grammatical errors in my story :still on going