Napapansin kong parang hindi lagi mapakali at hindi komportable si Ate simula nung nakita niya si Bryce sa balita.Ano ba meron sakanilang dalawa?"Wait, so you're saying na parang may something sa bitchesa mong Ate ganon?" Tanong ni Elle habang sumisipsip ng iced coffee niya, nandito kami ngayon sa bleachers sa open field dahil vacant namin at di naman tambak ang gawain kaya naisipan namin na tumambay muna, maraming mga estudyanteng nagkakalat at halos mayayaman ang nag aaral dahil sikat ang university na ito
"Parang ganon nga" Sabi ko at kinagat ang sandwich na binili ko. Kinuwento ko kasi kay Elle ang nangyari kay Ate pati siya ay nagtataka din bakit naging ganon ang kilos ni Ate
"Di kaya magkakilala sila ni Bryce or may nakaraan sila ganun?" Napa kibit balikat nalang ako sa sinabi ni Elle. Baka ganun nga
"HE'S HEREEEEEE!!!!" Napalingon kami sa sumigaw na babae kaya nagkatinginan kami ni Elle at nagtataka kung ano meron
Mabilis na dumami ang tao kaya di na kami nakipagsiksikan since nasa taas kami ng bleachers kaya medyo nakikita namin mga maraming tao
Nakita ko ang isang lalaki na naglalakad na si Bryce daw, ang isang kamay ay nasa bulsa,ngunit naka cap at naka shades parin, kahit anong suotin niya talagang nag iistand out parin ang kagwapuhan niya
Bakit nandito siya? Ngayon ko lang siya nakita dito
"Grabe ang pogi ni Bryce kahit sa malayuan" Tili ni Elle na akmang hahampasin ang braso ko kaya napaiwas agad ako.Lamog na braso ko sakanya
"Bakit ngayon ko lang siya nakita dito?" Takang tanong ko kay Elle
"Ayun nga e baka may pinuntahan lang dito" Sabi ni Elle at sumimsim ng iced coffee
Nandito ako ngayon sa locker ko para kunin ang ilang mga libro para makapag review sa test namin bukas.
"Diba si Bryce yung anak ng may ari ng school na ito? Kasi Quinnell ang apelyido niya" Rinig kong usapan ng mga babae sa kabilang locker. Di ko alam na pag mamay ari pala nila itong university at isa pa siyang sikat na singer
"Total package talaga si Bryce!, pogi , matalino at walang nababalita na may girlfriend siya or nakaka-date" Kilig na sabi ng babae
Imposible naman wala siyang nagiging girlfriend baka tinatago niya lang?
Pumunta ako sa parking lot para tignan kung andito na yung susundo sakin, di ko kasabay si Elle ngayon dahil naunang na siyang umuwi dahil may pupuntahan sila ng pamilya niya, Kaya ito ako ngayon mag isa, pero sanay na ako.Naghintay nalang ako baka may dinaanan lang si manong kaya wala parin siya dito.
Mag iisang oras na ako dito kaka-hintay sa parking lot ngunit di parin dumadating si manong, sakto naman nag ring yung cellphone ko at tinignan ko kung sino nagtext
Manong
Mam Kat censya na di ako makakpunta dyan,wala po ako ngayon sa mansion dahil umuwi po ako dito sa bahay namin dahil may emergency po, sorry po talaga.
Si manong lang kasi nag hahatid sundo sakin at di rin ako mahatid nila Mom at Dad dahil lagi silang busy sa trabaho at ngayon naman ay nasa business trip sila.
Napatango nalang ako at nagtipa ng aking reply habang naglalakad palabas ng parking lot para mag abang ng sasakyan pauwi, ngunit tumama ako sa matigas na bagay kaya nahulog ang cellphone ko
Napalingon ako sa nakabunggo ko at nagulat ako ng makita ko si Bryce, wala siyang suot na cap at shades kaya kitang kita ko malapitan ang mukha, ang kanyang asul na mata at dark brown niyang buhok at talagang napakagwapo niya sa malapitan
Napatikhim siya kaya napaiwas agad ako ng tingin at dali daling pinulot ang aking cellphone.
"P-pasensya na" Sabi ko nalang ngunit di parin siya nagsasalita at kita ko parin na nakatitig siya sakin
"Do you know Priscilla Kate?" Nagulat ako ng bigla niyang banggitin ang pangalan ang Ate ko.
"She's my sister" Sabi ko habang mahigpit ang hawak sa aking bag
"Oh that's why" Sabi niya at pa tango tango
"B-bakit?" Takang tanong ko
"Nothing, you look like her but you're different from her"
YOU ARE READING
Love And Revenge
Romance: expect some grammatical errors in my story :still on going