Kabanata 1

2 0 0
                                    


"Dress, dress, dress o! Maraming style ang available dito at marami ring kulay ang pagpipilian" nasgsimulang umalingawngaw ang boses na ito ng magsimula akong mapalapit sa taong pinagmulan

"Neng, bili ka na nitong bestidang tinitinda ko o, bagay na bagay sayo ang ganitong mga kulay" napalingon ako dahil kinulbit niya ako

Kahit halata na ang hindi pagsang ayon sa aking mukha ay pinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.

"Lalong na itong kulay maroon na ito? Isukat mo at saktong sakto lang sayo!" halos mapapikit nang mas ilakas niya pa ang boses niya kahit na napakalapit ko lamang sa kanya

Mabilis ko lang sanang lalampasan ang pwesto niya rito sa tiangge ngunit masyadong maraming tao ay halos hindi na makagalaw dahil sa kitid ng daan na sinabayan ng pagdagsa ng mga tao.

Masikip ang daan dahil di naman talaga ito pwesto para sa mga ganitong tindahan. Kalasada ito sa gilid ng simbahan na sadyang pinamumugadan ng mga tiangge tuwing nalalapit na ang pista.

Masama namang tiningnan ng isang matandang lalaki na may ari ng katapat na tindahan ang aleng iyon. Nang mapagtanto kong masyado na akong tumitingin sa dalawa ay napabuntong hininga ako.

Naigiwas ako ng tingin at inilipat ang tingin sa unahan at hinintay na umusad. Hindi pwedeng tumunganga lang ako don dahil nagsisimula na akong mabingi at banasin kahit medyo malamig na ang panahon.

Sumunod ako nang umusad ang nasa aking unahan. Maingat ang bawat paghakbang dahil sa mga kasalubong. Nang makailang hakbang ay bahagya akong napatigil nang may naramdaman akong lumapat sa aking dibdib.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa estrangherong nagulat rin. Mula siya sa kasalubong na linya. Pinilit nyang umatras kahit na napakasikip kaya naman napaismid ang matandang lalaking nasa kanyang likuran na hula ko ay nasa mid-forties na ang edad. Halata sa mukha nya ang inis.

"Alam na ngang masikip umatras pa dito! Gago ka ba!" galit na turan nito at itinulak ang estranghero at ibang pang nakahara sa daraanan niya para lang makalampas ito sa siksikan ng mga tao.

Kitang kita ang pagkakaiba ng hubog ng katawan ng esrangheo mula sa matanda. Malaki at halatang malakas ang kanyang mga hita at braso.

Napatama muli ang braso nya sa aking dibdib ko dahil sa ikinilos ng matanda. Pinilit nyang iniwas ito pero huli na iyon dahil lalo lamang akong napirat. Napapikit ako nang mapagtantong tutumba sa akin ang lalaki. Tumama ang likod ko sa mesang pinaglalagyan ng mga paninda.

Imbis na indahin ang sakit ay mas pinagtuonan ko ng pansin angnakakahiya naming posisyon. Sa inis at tinawag ko na lamang syang manyak ngunit nalunod lamang iyon ng mga nangibabaw na sigaw ng iba pang natumba kasunod namin. Para itong domino effect.

Ngayon ay nakadagan na sya sa akin. Ramdam ko ang hininga nya sa noo ko. Di ko alam ang dapat na maging reaksyon. Pati ang barso niyang sumapo sa aking ulo at isa balikat.

Nang magmulat ako ay saka ko lamang napansin ang mga tao sa paligid na saglit na nakalimutan ang inip sa nasaksihan. Di ko rin alam ang dapat gawin. Sobrang sikip at komplikado posisyon ng mga natumba ay hindi agad ako nakatayo. Dahil sa rin sa nakadagan sa akin.

"Tangina nyang si Rolan! Tuwi na lang dadaan dito ay may komosyong nangyayari. At talagang sa tapat pa ng tindahan ko nagwala!"

Napapikit ako sa lakas ng boses ng aleng kanina pa sumisigaw. Binaling ko ang tingin sa lalaking nakadagan sa akin. Dahil sa pagkakatumba ay nawala ang pagkakasakbit ng hood ng jacket nito sa kanyang ulo. Nahuli kong nakatingin sya sa dibdib kong napipirat nya.

Anong?! I bet this guy have no more left decency in him.

Nang maramdaman nyang nakatingin ako sa kanya ay sinalubong nya ang tingin ko. Wala man lang akong nakitang pagsisisi sa mata nya.

At the Other EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon