Chapter Two

9 0 0
                                    

Akshi's POV

"Alam mo ba?" Habol sa'kin ni Axelle, papalabas na kami ng room kanina pa ako binibwiset netong yawang demonyong sinaniban pa ng singkwenta'y singkong yawa.

"Hindi, wala akong balak alamin." sagot ko at hinabol sila Kate na nasa unahan na, 'di man lang nila napansin na nasa likod na ako. 'Busy sa mga jowa nila mga tanga!'

"Edi don't!" sigaw ni Axelle, 'di ko na sya sinagot dahil nag-iba na siya ng daan papunta sa mga kaibigan niya, kaya tinawag ko na sila Kate at lumingon naman sila, tsaka kami dumiretso sa sakayan ng tricycle at dumiretso uwi.

_________________________

"Akshita, may pupuntahan tayu sa sabado." bungad ni mama sa'kin habang kumukuha ako ng pagkain sa cabinet.

"Saan, ma?" tanong ko

"Birthday ng pinsan mo, niyaya tayu nila Tita Rose mo na sumama sa Beach." sagot ni Mama na ngayun ay nakaupo sa sofa.

"May project ako..." pagdadahilan ko kasi ayaw ko sumama sa mga ganun, na kinagalit ng mukha ni Mama.

"Sumama ka, 'wag mo ako rason-an ng ganyan, Akshita Soledad." may tindig boses ni Mama kaya sa simpleng salita niya ng ganun ay kinakabahan na ako. 

"M-ma kasi.." tumikhim muna ako bago magsalita uli, "M-malapit na deadline nun."

"Baka nakakalimutan mo kung sino ang nagpaaral sayu at magpapaaral sayu sa kolehiyo?!" diretsong salita ni Mama, may halong galit na 'to.

'Hanggang kailan ka magpapa alipin sa mga kapatid mo?' 

Kahit gusto ko man tanungin si Mama ay 'di ko na nagawa. Kung tatanongin ko naman ay wala akong magagawa, ako lang din ang magmumukhang masamang anak nag sumasagot-sagot sa magulang. Nakakainis. Wala akong magawa kundi ang pumayag, tsaka ay pumasok sa kwarto at nag scroll up and down uli. Napatigil na lang ako dahil sa isang notification sa friend request ko.

Vladimir Fetaro Sent you a Friend Request.
                    Accept            Decline

__________________________

"Ano naman ang pumasok sa kukote niyang Vladimir na 'yan?!" gigil na tanong ni Nica na nasa harap ko ngayun, isa siya sa mga kaibigan ko. 

"Aba, malay ko." tanging sagot ko 'saka pinagpatuloy ang ginuguhit kong bahay.

"Inaccept mo ba?" may interes na tanong niya, nilapit pa mukha niya sa mukha ko amp!

"H-hindi." tanging sagot ko na nakatuon sa dinodrawing ang atensyon ko.

'I'm sorry, Nica. 'di ko alam bakit naclick ko ang accept kagabi.' nasabi ko sa isip ko at napapabuntong hininga na lang ako sa pinanggagawa ko sa buhay.

"Mabuti! Good! Congrats!" sigaw niya na nakapalakpak pa, "Graduate ka na sa pagiging tanga slash marupok!" nagpapafeeling proud na proud naman si yawa, kaya kinutusan ko siya para ket papano ay tumino ng konti.

_____________________

"Ready ka na ba?" tanong ni Mama na ngayun ay naka pedal at white na blouse at naka shade. 'Handang handa yarn?'

"Mm yes.." sabi ko at nginiwian naman niya ang suot kong jogging pants at hoodie jacket na grey. 

Gusto man ni mama na palitan suot ko ay wala siyang nagawa kasi dumating na ang sundo namin. Hindi sumama sila Papa at ang kapatid ko kaya ako sinabihan ni mama na sasama. Napabuntong hininga akong pumasok sa sasakyan.

"Right!" sabi ni Mama sa loob ng sasakyan 'saka bumaling sa'kin. "May iba pang bisita ang Tita Rose mo, kaya behave."

Tanging tango lang ang nagawa kong sagot kay Mama. Yan! Ganyan siya! Takot na takot husgahan ng mga kapatid niya, kaya pati ako parang walang kalayaan maging ako pag kaharap ang mga kapatid ni mama at mga pinsan ko.

Aabot daw ng dalawang oras ang biyahe, at habang papunta kami sa beach ay di ko maiwasang mamangha sa scenario ng paligid. Maraming puno tapos ang presko ng hangin kaya binuksan ko ang bintana. Pagkarating namin sa beach ay nasa cottage sila Tita, at tama nga si Mama andaming tao. Parang gusto ko na lang umuwi. 

Kumakaway samin sila Tita kaya nagpilit ako ng ngiti saka pumunta na kami palapit sa cottage at nagbeso sa kaniya.

"Good Morning po, Tita." ako.

"Good Morning Ate." si Mama.

"Good Morning! Come!" pag wewelcome niya sa amin, saka ko naman nakita ang pinsan kong may Birthday, tsaka ako ngumiti ng tipid.

"Happy Birthday."

"Salamat." tanging sagot ni Shayn.

"So, iha.." tumikhim si Tita saka bumaling sa akin at muling nagsalita. "How's your study?" tanong niya. 

'Failure po tita.' sabi sabi ko sa isip ko.

"Okay lang p--"

"Tracy!" napatigil ako sa pagsasalita ng sumigaw si Tita at tumayo saka niya sinasalubong ang bagong dating kaya lumingon ako sa gawi niya, na sana ay 'di ko na lang ginawa. "Eto na ba ang anak mo?"

"Rose, Happy Birthday sa anak mo!" nakangiti sabi ng babae. "...And yes, my panganay... Axelle."

"AKSHIIIIIII MAH PREN!!" nakangiti ng malaki ang loko, grr!

'POTANGENA NAMAN OH! HANGGANG DITO BA NAMAN!'



A/N

SORRY FOR THE GRAMMATICAL ERRORS, I'LL FIX IT SOON. THANK YOU!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere in my PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon