39 - Comfort

82 7 3
                                    

Wala akong nagawa kundi ang hayaan na kaladkarin at hilain ang buhok ko pababa ng hagdan at papunta sa magulong living room. I thought Drake or some help came when I heard the footsteps. Turns out, yung dalawang kasama pala nung lalake. I forgot, there were three of them.

Ngayon, nakaluhod ako habang yung isa sa kanila ay hawak ang buhok ko habang nakatutok sa leeg ko ang kutsilyo at yung dalawa naman ay nasa harapan ko. Yung lalake na hinampas ko ng vase sa ulo ay galit na galit sa akin at gusto na yata akong patayin pero pinigilan siya ng kasama niya.

"Ikaw, gusto mo bang mauna?"

The other guy asked the one with the blooded face. He didn't answer instead ay malakas na sinampal ako sa mukha na halos masubsob ang mukha ko sa sahig. He's getting revenge dahil sa ginawa ko sa kanya.

Sobrang sakit. Gustuhin ko man na sumigaw pero hindi ko magawa dahil may telang bumalot sa bibig ko at nakatutok rin ang patalim sa akin.

Gumapang ako palayo sa kaniya ngunit may humawak ng paa ko at agad na hinila. Gamit ang isang paa, sinipa ko yung may humawak sa akin pero napasigaw ako dahil sa matinding sakit ng maramdaman ko ang paghiwa ng patalim sa likod ng binti ko.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas at tanging paghikbi na lamang ang nagawa ko.

"Mukhang hindi ka na lumalaban. P*tang*ina ka at pinahihirapan mo pa kami."

Wala na akong lakas para lumaban. At this point, alam ko kung ano ang binabalak nila and I couldn't do anything to stop it.

I closed my eyes and prayed at the very last minute at nagulat na lamang sa biglaang pagkawasak ng pinto. I opened my eyes and look closely as to what is happening and there I saw, someone fighting against those three guys.

Hindi ko maaninag kung sino sila dahil madilim. Gumapang ako papalayo at doon nagtago sa gilid ng kabinet habang tinakpan ang tenga.

I heard all the curses, the punches and even their groans. It took a couple of minutes bago nawala ang ingay.

"Sam"

I felt something wrapped my shoulders. I opened my eyes and saw Oliver. His jacket covered my shoulder and he was kneeling infront of me with sweat on his forehead and his reddish knuckles from punching those guys. Sa likod niya ay si Drake na itinali ang kamay ng tatlong lalake. 

Oliver offered his hand for me to stand. Hinawakan ko iyon ngunit agad din nawalan ng balanse kaya agad akong napayakap sa kanya.

I was shaking so bad na mukhang nahalata niya since he started tapping my back.

"It's okay. Your okay..."

Those are the only words I hear before losing consciousness.

When I woke up, I found myself in the hospital. May benda yung isang binti ko habang ramdam ko yung hapdi sa mga sugat sa braso ko na galing sa mga basag na salamin nung gumapang ako at nung ginawang paghila sa akin.

Pagkagising ko, si Manang Tess ang nadatnan ko na mukhang nagaalala ng husto. She already contacted my family about what happened and told me na pauwi na sila galing states.
Maybe it's because of shock that I was asleep for two days. Sabi pa ni Manang Tess na habang tulog ako, may mga bumisita raw sa akin. Mukhang alam ko na kung sino sila. Beside my bed, there's a table and on top of it, may mga lollipop na hugis kuneho. For sure, galing iyon kay Haru.

Ngayon, pinauwi ko na si Manang Tess. I convinced her na palabasin na ako dito since hindi naman malala yung nangyari sa akin. At first she wouldn't allow it dahil kailangan ko pa magpahinga at dahil pinilit siya nung bumisita sa akin na huwag akong lalabas hanggat hindi pa gumaling ang mga sugat ko. Pero wala siyang nagawa dahil mapilit ako. She told me na sa kanya na muna ako tutuloy para safe but I refused and told her na sa bahay ng kaibigan muna ako tutuloy.

A Rose Among Thorns Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon