I got you
"Ngayon kailangang ipasa 'to, Trela!" singhal sa akin ni Holly.
Napangiwi ako sa tining ng boses niya. Break time ngayon at nasa isang bakanteng room kami na walang klase.
Pinapagalitan nanaman ako ni Holly dahil nakalimutan kong ibigay ang hard copy ng project namin sa isang Major Subject namin.
"Nasakin na ang file. Natapos ko kahapon, Holly." sagot ko sa kanya sabay abot ng USB ko.
Napakamot ito ng ulo, "Anong gagawin ko d'yan?!"
"Kainin mo. Masarap ata yan." sarkastikong sagot ni Gretchen na nakikinig lang samin ni Holly.
Umirap si Holly, "Ha-ha, very funny. Bwiset!" aniya sabay hampas ng folder kay Gretchen.
Kung di pa ako aawat ay di ata sila titigil mag hampasan ng folder.
"I-print mo na yan sa labas, Holly. May trabaho pa ako pagkatapos ng klase. Pasensya na nawala sa isip ko." sabi ko kay Holly at kinuha ang wallet sa bag. Inilapag ko ang isang daang pisong pambayad sa print.
"Wag na ako na mag babayad. Kino-konsensya mo lang ako eh." agad na sagot ni Holly at inagaw ang wallet mula sa kamay ko para ibalik ang pera.
"Sana all nililibre mo, 'no? Unfair ka rin eh, pag si Trela pwede kapag ako bawal." ani Gretchen.
Binalik ko ang wallet ko sa aking bag at sinuot ito. Nag hahanda nang umalis papunta sa cafeteria para mag lunch.
"Mayaman ka naman kasi. Parang fifty pesos lang na tanghalian di mo pa afford? Sayang naman ang allowance mong mataas pa ata sa renta ng bahay ni Trela." mataray na sagot ni Holly nang makalabas kami sa bakanteng room, sumunod naman si Gretchen.
"Excuse me, nasa iisang dorm lang tayo! Hati tayo sa bills kaya gipit din ako minsan." depensa ni Gretchen.
"Ang lakas mo pa naman lumamon." mahinang dagdag pa ni Gretchen.
Nagtaas ng kilay si Holly , "Ang kapal ng muta mong sabihin 'yan, enjoy na enjoy ka rin naman sa mga kinakain ko. Mind you, we eat the same dish everyday!"
I laughed hard, "Tas diet daw siya."
"True. Mapagpanggap masyado kulang nalang nga mag mukbang siya tas ako mag vi-video." ani Gretchen.
Nagpatuloy ang asaran namin habang pababa kami sa cafeteria.
Wala nang masyadong tao sa hallway kaya halos kami nalang naglalakad kabaliktaran nang marating namin ang cafeteria, halos wala na kaming maupuan sa dami ng tao.
"Gret, takbuhin mo na yung table na yun, paalis na ata sila." bulong ni Holly kay Gretchen nang makitang paalis na ang grupo ng mga estudyante sa table malapit sa entrance nang cafeteria.
"Ayoko nga, grupo nila Trevor yan. Pahihiyain lang ako ng mga kasama n'yan eh." sagot naman ni Gretchen kaya lumingon sa akin si Holly at nag kunwari akong may tinitignan sa taas.
"Wag ka nang mag kunwari, Trela. Ano, ay wow may second floor?" sarkastikong sabi ni Holly.
Natawa ako sa sinabi niya, "No. Di ko lalapitan 'yan. Hanap nalang tayo ng ibang table."
At yun nga ang ginawa namin. Nag hanap kami ng ibang table, nakahanap naman kami di kalayuan sa table nila Trevor. Isang table lang ang pagitan.
"Ako na kukuha ng pagkain natin. Alam ko naman na, it's on me." ani Gretchen na nilapag lang ang bag at deretsong umorder.
Katapat ko si Holly at Gretchen sa table. Wala akong katabi at kitang kita ko sa gilid ng aking paningin ang grupo nila Trevor na siyang pinakamaingay sa lahat ng nasa cafeteria.
BINABASA MO ANG
Remember me, Trevor. (Amor Series 1)
RomanceEstrella Vianne Lopez is known as the "Perfect Girl" in her generation. Everyone believes she has everything in life. Intelligence, Elegance, Fame, Talent, and Personality. Lahat ata ng gusto ng babae ay nasa kanya na, she has it all effortlessly...