PLEASE DO WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️
ASHER
Matuling lumipas ang mga araw na naging lingo hanggang sa mag-iisang buwan na pala ako sa condo ni Raven ngayong araw mismo.
Masaya naman ang naging pagsasama namin bagama't may mga pagkakataon na name-miss ko ang buhay sa probinsiya. Pero iniisip ko na lang na mas mami-miss ko naman si Raven kung uuwi ako ng Leyte.
Puspusan na ang pagtutok ni Raven sa screenplay na ginagawa niya dahil malapit na ang deadline. May mga pagkakataon na hihingi siya ng lines sa 'kin para naman sa character ng bidang lalake. Nakikita ko kung paano pinagbubuhusan ng panahon at pag-iisip ang paggawa ng screenplay. At doon ako mas lalong humanga sa kanya. Alam kong baling araw ay mas lalong sisikat ang pangalan ni Raven.
Mas magiging mahusay siyang manunulat hindi lang ng libro kundi maging sa pelikula. Kung minsan nakakaramdam ako ng takot. Takot nab aka dumating 'yong araw na hindi ako maging karapat dapat kay Raven. Dahil sino ba naman ako kung ikukumpara sa kanya? Walang-wala ang mga achievements ko sa mga naabot na niya at maaabot pa lang.
May mga pagkakataon rin na pinanghihinaan ako ng loob at mapapaisip na, what if makahanap si Raven ng mas higit sa 'kin? Higit na mas gwapo, mapera at may maipagmamalaking mga achievements na wala ako.
Pero saka ko na siguro iisipin ang mga bagay na 'yon kapag nasa sitwasyong 'yon na 'ko. Ang dapat kong gawin ngayon ay ang maghanda para sa espesyal na araw naming dalawa.
Ngayon ang first monthsary namin ni Raven. Kaya naisip kong maghanda kahit man lang maliit na salo-salo para sa aming dalawa. Kahit hindi na kami lumabas dahil alam kong busy siya.
Bandang alas-tres ng hapon ay pumunta ako ng Robinsons Magnolia para mamili ng mga sangkap para sa mga putaheng lulutuin ko. Yung gift ko kay Raven ay kahapon ko pa nabili.
Matapos makapamili ay naging abala naman ako sa pagluluto. Mabuti na lang at nagkukulong lang si Raven sa kwarto ngayon at nakatutok sa harap ng laptop niya.
Pawang mga paboritong ulam ni Raven ang niluto ko. Medyo inayusan ko rin ang mesa para kahit papaano ay maging romantic ang ambiance. Pinalitan ko ng mas espesyal na table cloth at naglagay ako ng candle holder sa gitna. Nakahanda na rin ang flowers na ibibigay ko kay Raven mamaya.
And when the table was finally set, dali-dali akong naligo at nagpalit ng hindi pambahay na damit. Nagpabango rin ako ng Playboy perfume ko dahil paborito 'yon ni Raven.
Pagpatak ng alas-siyete ng gabi ay sinindihan ko na ang kandila sa lamesa at kinatok si Raven sa kwarto.
"Babe, kain na muna tayo," sigaw ko mula sa likod ng pinto.
Wala akong narinig na sagot. Nagsalita ulit ako. "Babe, tama na muna 'yan. Kain na muna tayo, please?"
This time ay sumagot na si Raven. "Mauna ka na babe. Mayamaya na ako. Tatapusin ko lang 'tong limang sequence."
Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya. Sa pagkakataong 'to ay binuksan ko na ang pinto at bahagya kong isinilip ang ulo ko para hindi niya makitang naka pang-alis ako.
"Babe?" Pero ni hindi man lang siya lumingon. Nakatutok pa rin siya sa laptop niya at panay ang tipa sa keyboard.
Malungkot na isinara ko ulit ang pinto at lumapit sa mesa para patayin ang kandila. Naglagay na lang ako ng pagkain at isang basong tubig sa tray at dadalhin ko na lang 'yon sa kwarto para doon na lang siya kumain.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]
RomanceWARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story contains explicit words that are not suitable for you guys. Thank you.