Midnight Lover - 35

254K 3.4K 346
                                    

RAVEN

Matapos ang premier night ay dumiretso kami sa isang sikat na restaurant kasama ang mga cast, crew at ilang miyembro ng press. Sa wakas ay tapos na rin ang mga paghihirap namin para sa movie na 'to. Hihintayin na lang namin ang magiging reception ng mga manonood. But we are all hoping that the movie will be a great success.

Matapos ang salo-salo ay nagpaalam ako na mauuna na akong umuwi. Nagawa kong idahilan ang parents ko na noon ay nasa tabi ko na. Sabi ko na lang ay may maagang meeting si daddy kinabukasan.

Habang nasa daan na kami ay tahimik na nakatitig lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Tagus-tagusan ang tingin ko sa mga nadadaanan naming building habang hawak-hawak ko pa rin ang flowers na inabot sa 'kin ng guard kanina.

Masaya naman ang gabing 'to. Pero alam kong may mas isasaya pa sana 'to kung nasa tabi ko si Asher. This night could have been more colourful and meaningful with him beside me.

Nang marating namin ang bahay namin ay agad mabilis na umibis ako ng sasakyan. I decided na dito na muna magpalipas ng gabi dahil lalo lang akong malulungkot kung uuwi ako sa condo unit ko. At least dito sa bahay ng parents ko, hindi ako mag-isa.

"Good night, mom and dad," sabi ko sa kanila bago humalik sa pisngi nila.

Pero bago pa man ako makapanhik ng hagdan ay tinawag ako ng daddy ko. Napahinto ako at tumingin sa kanila. Makahawak kamay na lumapit sina mommy sa akin at sabay nila akong niyakap. Napapagitnaan nila akong dalawa habang panay ang hagod ni daddy sa ulo ko.

"We are so proud of you, hija. And we hope that you are happy. Really happy..."

Hindi ko alam pero may kumurot sa kaibuturan ng puso ko dahil sa sinabing 'yon ni daddy.

"Thank you, mom and dad."

Iyon lang at umakyat na ako sa kwarto. Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay dumiretso na ako kama ko na bihira ko na lang magamit.

Ang silid na 'to ang nagpapaalala sa 'kin ng kabataan ko. Dito ako unang nangarap na maging isang sikat na manunulat. At ngayon ay unti-unti ko nang nakakamit ang pangarap kong 'yon.

Isa sa mga rason kung bakit hindi ko tinanggap ang alok na kasal ni Asher ay dahil marami pa akong pangarap na gustong tuparin. Bukod sa pagiging writer, pangarap ko ring makapag-direct ng isang pelikula: indie or mainstream. I wanted to be try other things other than writing.

Natakot ako na baka kapag ikinasal na 'ko ay malimitahan ang mga bagay na maaari kong gawin at mabawasan ang productivity ko art na kinabibilangan ko. But I was wrong. Dahil simula nang umalis si Asher sa unit ko, mas lalo akong naging unproductive.

Sinubukan kong sumulat ng panibagong nobela pero lagi na ay nai-stuck ako sa unang chapter pa lang ng kwento. I would somewhere in the middle of that particular chapter and would end up deleting everything I've wrote. Hindi ako satisfied sa sinusulat ko.

At wala sa sinusulat ko ang isip at puso ko. Naglalakbay ang isip, puso pati na kaluluwa ko sa lugar na sa tingin ko ay naroroon si Asher. Hindi ko magawang makapag-concentrate sa tuwing magsusulat ako dahil lagi na lang ay gumigiit sa isip ko ang imahe ni Asher. It's like my passion for writing died when Asher left me.

At sa mga panahong 'yon ko mas na-realize na hindi naman magiging hadlang si Asher sa mga pangarap ko kung tutuusin. Hindi siya magiging rason para maging unproductive ako. Dahil ang totoo, si Asher ang nagbibigay sa akin ng motivation para mas paghusayan pang lalo ang ginagawa ko.

Oh God, how could I even forget?

Those nights na gigising si Asher para lang ipagtimpla ako ng kape dahil alam niyang may tinatapos akong deadline. Tapos kapag nakikita niyang nangangalay na ang likod ko dahil mahabang oras ng pagta-type, he would come to me and massage my neck while whispering sweet nothings.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon