Chapter 1
"Kuya Bert, kahit huwag niyo nalang pong ipasok sa parking lot 'tong kotse po, sa main gate nalang po ako dadaan" sabi ko sa driver namin, Monday na naman ngayon kaya may pasok.
"Sigurado ka?" tanong naman ni kuya Bert.
"Opo, lalabas din naman po kayo agad, tsaka mapapalayo din pa po kayo!"
Sinunod din naman agad ako kuya Bert.. driver namin
"Ingat, Charles! Good luck sa klase!" Nagpaalam muna si Kuya Bert at gano'n din ako bago siya umalis.
Pagpasok ko palang ng school namin, I immediately look for my best friend, Natasha. Hinanap ko siya sa mga estudyanteng naglalakad, nagkukumpulan at mga naka-upo sa damuhan habang nagrereview ng mga lessons siguro nila last week.
Where's that girl is? I ask myself because I can't see her. I texted her earlier. Tinext ko kanina siya habang nasa kotse ako papunta dito sa school.
I told her to wait for me here sa bench na may umbrella na katabi lang naman ng gate.
'Baka naman nauna na siya sa room at nakalimutan or hindi nabasa ang text ko sa kaniya?'
Baka nga nasa classroom na siya!
Kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad papuntang room namin.
As usual, nagkakatuwaan yung mga classmates ko habang nagkwekwentuhan ng kung ano-ano. Diretso lang akong naglakad papuntang silya ko at nakitang wala pa si Natasha na siyang katabi ko.
'Tss!'
Late?
"Woah! nandito na pala si Mr. De Silvia," malakas na sigaw ni Mikko ng bumaling siya sa pwesto ko. Hindi siguro nila ako napansin kaninang pumasok ako.
"Kanina pa 'ko nandito Mr. Baltazar slash Pangit." sigaw ko din sa kaniya kaya nagtawanan yung iba naming kaklase. Hindi nga nila ako napansin. Dahil na rin siguro sa kwentuhan nila.
"Pangit ka diyan, eh naka-score na naman yan kagabi sa girlfriend niya," pakikisali naman ni Ashley, classmate din namin.
"Hanla! pa'no mo nalaman?!" takang tanong ni Mikko na sanhi ng malakas naming lahat na tawanan, walang pakialam sa mga dumadaan sa harap ng room namin.
"Ang baboy mo pre!" natatawang aniya ni Andrei na kakapasok lang, marahil ay narinig niya ang usapan naming lahat.
"Hoy! Ashley, saan mo nga nalaman?" tanong ulit Mikko.
"Nakita ko sa IG post ni Alexa, nakakumot kayong dalawa na walang damit," sagot ni Ashley. "at nakasuksok ka sa leeg niya." dagdag niya pa.
"Sana ol" malakas na sabi ng classmates ko ng sabay-sabay.
"Hanla! Gagi" namumulang bulalas ni Mikko marahil ay dahil sa hiya at tinawanan nalang namin siya.
"'Pag ako naman ang nagkagirlfriend siguradong—" mamahalin ko siya higit pa sa pagmamahal na binibigay ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Loving You
Romance"I choose to love you in silence because in silence there is no rejection" Charles Nathaniel De Silvia and Maria Natasha Escalante developed a special bond, a friendship actually, since they were 5 years old. They were very close to each other to t...