Chapter 2

10 2 1
                                    

Chapter 2

Papunta kami ngayon ni Natasha sa parking lot ng school. Tinext ko na rin kay kuya Bert na sa parking lot na niya 'ko sunduin.

"Sabay ka na sa 'kin" pag-aanyaya ko kay Natasha.

"Baka susunduin ako ngayon ni kuya" sagot naman niya.

"Sabihin mo sasabay ka sa 'kin, dadaan ka sa bahay, na-miss ka daw ni kuya" pagpupumilit ko sa kaniya...sabi kasi ni kuya na gusto niya daw na magkwentuhan sila—may pagka-close kasi sila.

"Kuya mo? Kuya Kevin?" gulat niyang tanong.

"Kuya Bert!" pilosopong sagot ko sa kaniya. "Aray" binatukan niya ko amputs.

"BALIW. GAGI"

"P'ede namang si kuya bert ah" pang-iinis ko sa kaniya at inambaan lang niya 'ko ng suntok. "Tsk. Siyempre si kuya Kevin! Sino pa ba kuya ko diba?!" sarkastiko kong sabi sa kaniya. Baliw siya. Baliw na maganda HEHE.

Tinawagan na nga niya si kuya Bryan, kuya niya, para sabihing huwag na siya sunduin dahil isasabay ko siya.

Bago kami umuwi sa bahay dumaan muna kami sa drive-thru ng jollibee dahil bibili daw 'tong kaibigan ko ng kakainin namin sa bahay habang nagkwekwentuhan. Bumili siya ng dalawang buckets of chicken joy. Alam daw niya kasing marami siyang makakain ngayon lalo na't gusto gusto ni kuya ng chicken joy.

Nag-aasaran lang kami sa biyahe at nagtatawanan hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinalubong kami ni ate Anne, kasambahay namin at asawa ni kuya Bert.

"Ate, si kuya po?" tanong ko sa kaniya habang kinukuha niya yung bag ko.

"Umalis lang saglit pero pauw–Oh! Ayan na pala siya!" lumingon kami sa likuran at nando'n na nga si kuya habang palapit sa amin. "Punta na ako sa kusina ah, sunod na lang kayo Charles, Natasha ah" paalam ni ate Anne.

"Ah! Ate, paki dala na din 'to oh, paki lagay nalang po sa plato, kuha na rin po kayo ni kuya Bert. Salamat po" pakiusap ni Natasha kay ate Anne, Close na rin kasi sila. Ngumiti lang ang Babae at tumango 'tsaka tumalikod na patungong kitchen.

Nang balingan namin si kuya tuloy tuloy lang ito sa paglalakad hanggang dito sa pwesto namin malapit sa sofa. Tuloy tuloy lang ito ng lakad na parang hindi niya kami napansin at nabangga, No binangga niya si Natasha.

"KUYA!" pagtatawag ko sa kaniya. Lumapit ako kay Natasha at tinanong kung okay lang ba siya at okay lang naman daw siya.

Lumingon naman si kuya at may nang-iinis na seryosong mukha. Anong nangyayari dito sa kuya kong 'to.

"Sorry Miss, Kala ko kasi poste yun pala pader" sambit ni kuya at 'tsaka malakas na tumawa. Nang makuha ko ang ibig niya sabihin malakas din akong tumawa at sinabayan ko na siya.

"ARGHHH!!! Nakakainis kayong magkapatid" pikon na sabi ni Natasha. "lalaki din to 'no, mas malaki pa sa ano ng ex mo" sigaw niyang sabi kay kuya.

"Biro lang Oi!" natatawang sambit ni kuya na ngayon ay medyo tumitigil na sa pagtawa. "Pero sa tingin ko, hindi na yan lalaki. Ikaw Nathan? What do you think?"

Loving You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon