A/N: Please read with respect ( Author and Story)
"BEST!!"
"Tsss" umirap ako ng makita kong papalapit ang chismosa kong kaibigan dahil alam kong may sasabihin na naman itong chismis sa akin.
"Oh anong chismis iyan?" unang tanong ko sa kanya ng makalapit na sya sa akin.
"Ay ang advance mo naman"
"Ganon talaga eh araw araw mo na iyang ginagawa kung may sweldo din iyan for sure makakabili kana ng lupa at makakapagpatayo na ng bahay" sabi ko habang inaayos ang mga papel dito sa lamesa ko na ie-encode ko mamaya.
"Ay grabe ha"
"O ano ngang chika?" inip kong tanong.
"May pagsabi pa ng ganon sa akin mukang kuryoso naman sa ichichika ko" aniya at bahagyang lumapit sa akin.
"Narinig ko lang ito kanina sa HR Department pupunta daw si Sir Adam dito para tingnan ang kompanya....masisilayan mo ulit ang gwapo niyang mukha girl" ani Bernadeth.
Huminto ako sa pag aayos ng papel dito sa mesa ko bago tumingin sa kanya at umasim ang mukha.
"Ay may ganong expression ng face, bakit ayaw mo na ba kay Sir baby Adam mo?" aniya.
Hmmp! Nakakasura iyon sa tuwing naiisip ko yung mga effort na pinag gagawa ko noon. May times na pinakikiusapan ko pa ang isa sa mga kasama ko sa department na kapag may ibibigay sila kay Sir ay ibigay na lamang sa akin pumapayag naman sila pero sa tuwing pupunta ako sa office niya palaging nasa screen ng laptop niya siya nakaharap ni hindi nga niya tinitingnan ang maganda kong mukha o kaya ay ako ang magdadala ng lunch meal niya hindi pa rin ito tumitingin sa akin at simpleng thanks lang ang sinasabi niya ang lamig pa ng boses kulang na lang sa lamig ng sinasabi niya sa akin ay magsuot na ako ng jacket e mas malamig pa ang boses niya kaysa sa aircon dito sa building.
Maganda naman ako maputi, sakto lang ang pangangatawan hindi masasabi na mataba at payat hindi din ako ganong katangkaran at masipag din ako sa trabaho sa katunayan ako palagi ang nakakakuha ng parangal sa department namin, sa Accounting Department ako.
"Ano bakla bakit hindi ka nakasagot?"
"Hmm ewan...."
"Wag mong sabihin na sumusuko kana?"
"Parang.....nagsasawa na rin kasi ako-"
"Shhhh......shhhh don't say that, bakit kasi tinatawanan ka ng mga ka officemates natin? Don't mind them"
"Hindi sa ganon parang napapagod na rin ako ang dami ko na kayang ginawa pero....wala eh walang nangyayari"
"Kasi hindi mo pa tinatry ulit malay mo naman"
"Bernadeth gusto ko si Sir Adam pero parang lumalagpas na ata ako mukang sumosobra na kaya okay lang na hanggang gusto ko na lang sya"
"Ano? hanggang sulyap ka na lang? Gaga sayang lahat ng pagod mo magtimpla ng kape gawin ang mga papeles na hindi mo naman trabaho at kung ano ano pa tapos wala na tapos na. Ganon lang? Girl walang impossible ngayon lahat pwede ng mangyari"
Hindi ako nagsalita sa sinabi niya at itinuloy na lamang ang ginagawa ko.
"Guys! Be ready parating na si Sir" kinig kong sabi ng head department namin.
"Nealiah magpaganda na paparating na si Sir!" sigaw ng isa kong ka officemate tumayo pa ito sa kanyang cubicle para lamang sabihin iyon.
"Ready your coffee" isa ko pang ka officemate.
Nagtawanan naman halos ang mga ka officemates ko pero hindi ko na lamang ito pinapansin at tumuloy na lamang sa ginagawa kong pag e-encode. Tumingin ako kay Bernadeth.