Chapter 1

295 17 1
                                    

HIS

"Meeting adjourned," I announced to my employees.

Tumayo na silang lahat to leave the room habang binabasa ko yung proposal about what to improve and to add more attractions for my beach resort and units here in Cebu.

Napatingin ako sa may glass window sa harap ng office. Kitang-kita ko yung magandang dagat at yung mga turista na nagbabakasyon dito ngayon.

There are some tourists who are sunbathing, kayaking, and playing beach volleyball. Marami rin ang nagsusurf and sailing. I decided to offer many water sports as much as possible para naman marami silang magawa dito. Suggestion na rin nung isang boss ko.

"Sir Kiefer, tawag po kayo ni Ma'am." napalingon ako sa secretary ko na inaayos na ngayon yung folders sa harap ko.

"Nasan siya?"

"Nasa beach po."

"Thanks." Tumayo na ako para pumunta kung nasaan yung "boss" ko.

"Good morning po, sir." bati nung mga empleyado ko dito. Binati at nginitian ko rin sila. Dati I'm not the type to greet them back, kaya lang nagalit yung boss ko kaya ngayon nakasanayan ko na. Besides, mas okay pala kapag good vibes palagi. Hindi ako masyadong naistress.

"Mamaya daw malakas ang alon at hangin! Try natin!" sigaw nung boss ko sa papalayong lalake, si Karlo 'yon. Isa sa mga naka-assign na employee dito sa may beach.

"Ano na naman balak mo?" tanong ko sa boss ko pagkatapos kong maakbayan. Tumingin siya sakin tapos tumawa.

"We're sailing later. Malakas daw alon at hangin so we'll try. Papayag ka right? I mean I'm one of the best sailors here." pagmamayabang nung girlfriend ko. Yep, my girlfriend is my boss. Well, not technically. I'm the boss of this resort but she's the boss in this relationship and I can't complain. It's been a smooth sail with her.

"Malakas pala alon bakit niyo itatry?" Pinalo niya ako sa tyan kaya napatawa ako.

"Of course yung alon at hangin lang na sakto lang for sailing. You can go with me pero busy ka today so no thanks."

"Inaya mo pa ako?" she gave me a peck on my lips bago umalis sa akbay ko at humarap sakin.

"Tara jetski tayo saglit. I promise I won't make you fall."

"You promise?"

"Yes."

Nung nakaraan kasi inangkas niya ako sa jetski tapos puro siya tricks kaya ako nalaglag. Tinawanan pa ako bago ako tulungan. Napakasweet talaga.

"Sinasabi ko sayo Alyssa Valdez. Don't use those new tricks you learned in the past weeks."

"Hahaha! I promise, babe."

Sumunod na ako sa kanya para mapagbigyan ko na. Binati ko yung mga kasamahan ni Alyssa sa water sports and activities dito sa resort.

Sinuot ko na yung life vest ko nung nakita kong si Alyssa hindi man lang nagsuot ng life vest.

Tiningnan ko siya nang masama at alam na niya agad meaning non dahil napabuntong hininga siya bago magsuot ng life vest.

"You know I can swim right?"

"For safety purposes, babe." I kissed her forehead bago sumakay sa jetski. Sumakay na rin siya kaagad pagkatapos niya masuot yung life vest. She's maybe the boss of me but I don't want her to get hurt and she knows it more than anyone else.

And as expected, she used the tricks on me and I fell in the water again.

"You said no tricks?!" I shouted because she's far from me. Nakita kong tumawa siya bago ako lapitan.

The Person I Once LovedWhere stories live. Discover now