ESS 4

595 8 13
                                    

Dumaan na yung panahon simula noong malaman nila na anak ako ng may-ari ng school namin. Noong una sila Patrice at ang EXO lang ang nakakaalam. Ngayon lahat na nang naga-aral sa E.U

Sino nagpalaganap ng balita? Sino pa ba? Kundi ang barkada nila Patrice.

Nagulat nalang ako isang araw,maraming taong nagkukumpulan sa freedom wall. Sa freedom wall kase lahat ng gusto mong sabihin dun mo ilalagay. Kunyare gusto mong umamin sa kras mo pero nahihiya kang sabihin sakanya harap harapan,pwede mong ilagay dun. Kahit di mo lagyan ng name mo okay lang. At kung ano ano pang gusto mong sabihin.

Dahil nga curious ako kung ano yun,pinilit kong makipagsiksikan sa mga estudyante dun hanggang sa nakarating ako sa harap. At dun ko nakita ang napaka laking note na ang nakalagay ay:

SHIELLA ALTHEA KIM IS THE DAUGHTER OF MADAM ANDREA KIM.

Tas may nagsasabi pa ng:

"Hala. Kaya pala sila parehas ng apelido."

"Grabeeee. Ang swerte at ang yaman nila infairness."

"Sus. Pake ko dyan sa balitang yan. -.-"

"Putchakals. Ang dayaaaaaa~!"

At marami pang iba.

Di ko naman alam yung gagawin ko nung araw na yun,kaya umalis nalang ako sa pwesto ko.

Pero ngayon? Di ko alam kung sasaya ako o lulungkot dahil alam na nila ang totoo. Siguro sasaya ako dahil simula nung araw na yun,naging malapit sakin ang mga kaibigan ko. Yeah,malapit naman sila sakin,ewan ko ba. Pero naging iba yung pakikitungo nila sakin simula nang malaman nila ang totoo. Naging mabait sila sakin. At ang mas masaya? Naging ka-close ko ang EXO. Lalo na si Chanyeol.

Ang alam ko lang,di ako dapat magpaka-saya. Dahil mas alam ko ang katotohanan sa kabila ng kabaitan nila sakin. Alam ko namang mabait sila sakin dahil alam nilang anak ako ng may-ari ng school na pinag-aaralan nila. Haha. Ansaya diba?

PLASTIC yan ang mga nakapalibot sakin. Higit pa dun,kaibigan ko sila.

Pano ko napatunayan? Haha. Ako pa.

**flashback**

Pagkalabas ko sa classroom dumeretso ko sa cr kase ihing-ihi na talaga ako. Pero bago pa man ako makapasok sa loob may narinig akong nag-uusap sa loob at medyo pamilyar sakin yung boses. Sa sobrang pagka-curious ko,nilapit ko yung tenga ko sa pinto at narinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Hanggang kelan ba, Che?" Si Pia to ah.

"End of school year? Well,yeah. Saglit nalang naman Pia e. Keri na yan." Alin? Ano? Ano yung hanggang end of sy? Saka wait,kausap ni Pia si Che.

"Uhh..erkey. Balitaan nalang natin yung exo. Para informed sila." Wait, ano yung ibabalita? Gash. Bat di nila sinasabi sakin?

"Shempre naman. Hanggat hindi tayo nahuhuli ni Thea, di tayo titigil." Chesca. Nahuhuli ko? Ang alin? Nagdu-drugs ba sila?

"Hahaha! Apaka laki nyang tanga no?! Akalain mo di manlang nya napansin na ginagago lang natin sya?! Haha! Such a faggot."

Okay.

Okay naman.

I'm perfectly fine.

Hindi ako nasasaktan.

HINDI.

Hahaha. Ansaya diba? So happy. Yun na yon? Yun na ba yung tinatago nila sakin? Yun na ba yung friendship namin, friendship namin na ako lang ang nakakaalam? Wow. Pero teka,parang may tubig ... Teka parang may basa. Parang may tumutulong tubig mula sa mata ko. Ayy. Hala,ayaw tumigil nung pagtulo nung tubig. Haha. Ang sakit....

Naramdaman ko na parang lalabas na sila sa cr kaya tumakbo na ko ... Tumakbo ako papunta sa likod ng school. Walakompake kung may nabubunggo akong tao,kung may nagagalit,o kung ano man. Masyado akong nasaktan. Di ko mapigilang humagulgol habang tumatakbo.

Pagdating na pagdating ko sa likod ng campus,maluwag at tahimik. Dun ako pumwesto sa likod ng malaking puno. Dun ko binuhos lahat lahat ng luha ko,lahat lahat ng hinanakit ko,lahat lahat ng gusto kong sabihin sa kanilang lahat.

"Tangina mo kase Thea. Bat ka nagpagago?! Di mo manlang napansin na inuuto ka na. Sige ka pa ng sige. Anlaki mong bobo. Tangina mo. Tangina nyo. Tangina ng lahat."

Kinakausap ko sarili ko? Wierd? Yan lang ang kaya kong gawin ngayon e ... Wala si mama. Wala si appa. Wala si kuya. Wala akong malabasan ng sama ng loob. Iyak lang ako ng iyak.

Crying can't do anything, I know. But crying can ease the pain.

Bat nga pala hindi ko sila komprontahin. Bat hindi ko sila puntahan at sabihin ko sakanila na alam ko na yung kaputanginahan nila. Pero pag ba sinabi ko sakanila ...

Ano na mangyayare?

Iiwan nila ako.

Sino na makakasama ko?

Wala.

Sino mawawalan?

Ako.

Sino nasaktan at patuloy na masasaktan pag ginawa ko yun?

Ako.

Sakin parin babagsak lahat ng sakit at pagdurusa.

Ako parin ang aako sa lahat ng sakit at pasakit.

Kaya gaganti ako.

Gaganti ako sakanila.

Paano?

Makikita mo.

Siguro nga hindi ngayon.

Pero babalik sila sakin.

Isinusumpa ko yan.

-----

OMG. Nalaman na ni Thea ang truth. Gaganti na sya. Kaso matuloy kaya? Ebengeeeen~

V O T E

AND

C O M M E N T ♥

YOU CAN CALL ME MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon