NGAYO’Y NARIRITO Prologue
Sya si Julie
Matalino
Mayaman
Maganda
Mabait
Walang problema sa buhay
At laging masaya
Yan ang akala nila…
—-
Sya si Elmo
Tahimik
Suplado
Misteryoso
Mapag-isa
Habulin ng mga babae
Isang sikat na artista
Hindi nila alam, mabigat ang dinadala nya…
—-
…Dalawang taong mag-kaiba…
…May kanya-kanyang paraan sa pag-takas sa problema…
Sya na tumatawa at nag-papanggap
Sya na nag-tatago at umiiyak
—-
Landas nila’y pinag-tagpo
At pag-ibig ay namuo
Ayos na sana ang lahat
Hanggang sa ‘siya’ ay bumalik
At binawi ang dating pag-ibig
—-
kathangisiplang presents you…
—-
Ngayo’y Naririto
—-
A story of
Love…
Friendship…
and
Hope…
—-
Sino ang pipiliin nya?
—--------------------------------
(Chapter 1-15)
-Isang maaliwalas at magandang Sabado ng umaga. Nakatayo si Julie sa harap ng pinto ng isang bahay. Kanina pa sya naroroon ngunit hindi magawang kumatok dahil sa kabang nararamdaman nito-
JULIE’S MIND: Katukin mo na!!!!
-Dahan dahang itinaas ni Julie ang kanyang kamay at kakatok na sana ng balutin muli sya ng takot at pangamba. Dali dali nyang ibinaba ang kamay at tinignan ang papel na hawak nya. Sumunod ang mga mata nito sa mga letrang nakasulat dito-
WANTED: Babysitter
Requirements: You must be 15 years old above and is a girl.
You must be available for Mondays to Fridays, 4pm~8pm
You must be available even for Saturdays and Sundays
You must be a kid-lover
You must not be a fan of Elmo Magalona (because we hate him)