x-x-x-x-x-x-x
-Nakatambay lang sa salas sina Jay, Julie at Jillian habang si Elmo naman ay nag-lalaro ng PSP sa may terace sa likod bahay nila. Nandun lang rin sila Max at Saab, nag-chichismisan.-
JAY: walang magawa noh?
JILLIAN: oo nga po eh! nakakatamad!
JULIE: (napatawa) mabuti pa, makinig na lang tayo ng music!
JAY: agree ako dyan!
-Binuksan nila ang radyo at nakinig ng musika. Nakisabay si Jay sa kanta at kinantahan si Julie.-
JAY: (nakangiti habang kinakantahan si Julie)
JULIE: (napapatawang kinikilig)
JILLIAN: (napapatawa rin)
*ELMO’S SIDE*
-Naririnig ni Elmo sila Max na nag-uusap.-
MAX: (kinikilig kay Jay) ang sweet ni Jay oh!
SAAB: (kinikilig rin) oo nga eh! I think he’s serious!
MAX: true!
ELMO: (napapatingin pero kunwari hindi)
*JULIE’S SIDE*
-Maya maya pa ay natapos na ang love song. Nasundan ito ng masaya at masiglang kanta, ang ‘You’re The One That I Want.’-
JAY: (biglang hinila si Julie at sumayaw sayaw)
JULIE: hoy ano ka ba! (sabay tawa)
JAY: (natatawa) let’s party! (sabay isinayaw si Julie)
JILLIAN: (napatawa)
-Hinila ni Jay pati si Jillian at nag-sayawan sila habang nag-tatawanan. Tumayo si Elmo mula sa kinauupuan at pinanood ang tatlo.-
ELMO: (natatawa)
-Nag-katinginan sina Max at Saab at nilapitan si Elmo.-
MAX: (inakbayan) sumali ka na kasi!
ELMO: (kumunot noo) ano?
SAAB: asus! Tignan mo nga oh! Ang saya saya nila!
ELMO: (pinanood muli ang tatlo)
-Isinasayaw ni Jay si Julie habang si Jillian ay sumasayaw sa paligid nila. Napansin ni Jillian si Elmo at nilapitan ito.-
JILLIAN: (hinawakan ang kamay ni Elmo at nginitian ito)
ELMO: (ngumiti rin kay Jillian)
JILLIAN: sayaw tayo kuya! (sabay hila kay Elmo)
ELMO: (napatawa)
MAX/SAAB: (nakangiti)
-Isinayaw rin ni Elmo si Jillian. Binuhat-buhat, iniikot-ikot, parang father-daughter dance. Hindi maipag-kakaila na masaya sila.-
ELMO: (tumatawa habang iniikot si Jillian)
JILLIAN: (tumatawa rin)
JAYLIE: (nag-sasayaw habang pinapanood sila Elmo at natatawa rin)
-Maya maya pa ay natapos ang kanta. Sabay sabay silang umupo sa sofa at nag-tawanan. Pawis na pawis sila at pagod na pagod. Pero wala ang lahat ng yun sa sayang nadarama nila, lalo na ni Elmo at ni Jillian.-
JILLIAN: nakakapagod! (sabay tawa)
JULIE: ang galing mo palang sumayaw eh!
JAY: oo nga! pati si kuya Elmo! (sabay tawa)
![](https://img.wattpad.com/cover/3816741-288-k747cbf.jpg)