x-x-x-x-x-x
JULIE: (nagising at dahan dahan iminulat ang mga mata)
-Napangiti si Julie ng makita na natutulog pa si Elmo at Jillian. Nasa gitna nila ni Elmo si Jillian at yapos ito ni Elmo.-
ELMO: (yapos si Jillian, natutulog pa)
JILLIAN: (tulog pa rin)
JULIE: (nakangiti at pinag-masdan ang mag-ama)
-Ilang sandali pa ay unti unting idinilat ni Elmo ang mga mata. Nakita nya si Julie.-
ELMO: (ngumiti kay Julie)
JULIE: (nakangiti kay Elmo)
ELMO: (umupo) kanina ka pa gising?
JULIE: kagigising ko lang rin. Good morning.
ELMO: (kiniss si Julie sa cheek) Good morning (sabay ngiti)
JULIE: (napatawang napailing) ang hilig mo talagang mag nakaw ng halik!
ELMO: (napatawa) eh normal lang naman sa mag-asawa ang mag-kiss eh
JULIE: mag-asawa ka dyan!
ELMO: totoo naman ah. Daddy ako ni Jillian, mommy ka nya, edi mag-asawa tayo (goofy smile)
JULIE: (tumawa) sira!
JILLIAN: (umungot at unti unting nagising)
ELMO: lagot ka! Ang ingay mo kasi eh!
JULIE: (nag-belat kay Elmo)
JILLIAN: (nagising na) mommy?
JULIE: (nakangiti kay Jillian) Good morning, sweetie.
JILLIAN: (umupo) Good morning po (sabay kiss sa cheek ni Julie)
ELMO: Good morning, baby
JILLIAN: (tumingin kay Elmo pero hindi nag-sasalita)
JULIELMO: (nag-katinginan)
ELMO: (ngumiti ng malungkot kay Jillian) I’m sorry…. I’m really sorry, anak…
JILLIAN: (tinititigan lang si Elmo)
ELMO: (niyapos si Jillian) I love you
JILLIAN: (niyapos rin si Elmo at umiyak) Papa po kita ‘di ba? Papa kita eh!
ELMO: (hinigpitan ang yakap kay Jillian at umiiyak na rin, tumango) oo. Ako ang Papa mo. Anak kita. Papa mo ko
-Ilang beses pinaulit-ulit ni Elmo na sya nga ang ama ni Jillian. Tila mo ba sinasabi nya sa sarili na sya nga ang ama ng bata, at anak nya nga ito.-
JULIE: (pinapanood ang dalawa, nakangiti at medyo naiiyak)
ELMO: (umalis sa yakap at hinawakan ang muka ni Jillian) pasensya ka na baby, hindi ko nasabi sayo agad. Pero mahal na mahal ka ni Papa. Mahal na mahal kita (sabay yakap ulit sa bata)
JILLIAN: I love you, too Papa!
JULIE: (nakangiti lang)
JILLIAN: (isinali sa yakapan nila si Julie)
JULIELMO: (napatawa)
-Ilang sandali pa ay bumaba na rin sila. Nag-tatawanan silang bumaba, nasa gitna si Jillian at hawak nya ang tig-isang kamay nina Julie at Elmo. Nang makita sila ni Pia, labis itong natuwa.-
PIA: (nakangiti) Mukang maganda ang gising natin ah (sabay kiss sa cheek ni Jillian)
JILLIAN: syempre naman po! Good morning, Mama! (sabay kiss rin sa cheek ni Pia)