Gaya nga ng sinabi ko ay pumayag akong ligawan ako ni Johny. Mahigit isang buwan nya rin akong niligawan at hindi rin nag tagal ay sinagot ko na sya. Ewan ko ba kung ano ng mangyayari pagkatapos ko syang sagutin...
At natapos na ang Christmas break namin at back to school na ulit kami. Nagulat ako dahil hindi na gaanong sumasama si Johny kila James Anthony at sya na ang lagi ko ng kasama. Tuwing sumasama ko kila Kieth kumain ay tinatabihan na ko ni Johny lagi.
"Uy Johny, hindi kaba naiilang pag puro babae kasama mo!? Ayos lang naman kung hindi mo ko tabihan eh maiintindihan naman kita kase tropa mo, tropa natin sila James Anthony at alam ko naman na mahilig kang sumama sa kanila kaya ayis lang." Sabi ko kay Johny habang kumakain kaming dalawa. "Bakit naman ako maiilang!? Eh tropa ko rin naman sila Mary Jane. Tsaka girlfriend kita kaya dapat lang na samahan kita. Tsaka alam naman nila James Anthony yung dahilan kung bakit hindi nako sumasama sa kanila eh tsaka maiintindihan naman nila yun eh. Tska dito na nga lang tayo sa school nagkikita eh kaya lulubos lubosin ko na rin. Haha" Sagot sakin nya sakin. "Sabagay, sige na nga." Sagit ko kay Johny.
Bago kami umuwi ay tumambay muna kaming dalawa sa Activity Room.
"Johny!! Ako ba yung first girlfriend mo!?" Tanong ko sa kanya. "Oo, I want to be my first will be my last." Sagot nya sakin. "Sus!! Corny moo!! Haha" sagot ko sakanya, pero deep inside kilig to the bones tagos to ribs nung sinabi nya sakin yun. "Aww!! Minsan na nga lang maging sweet tatawagin mo pa kong corny." Sabi nya sakin at tumalikod sya at nagtampo tampuhan sakin. "Weeehh!! Galit na yan!! Pabebe kananaman eh no!!" Sabi ko sakanya, pero hindi parin nya ko kinakausap. "Aww nagtatampo na talaga sya. Haha" sabi ko sakanya sabay yakap sa likod nya.
Nagulat ako ng may biglang umakyat sa Activity Room "Hooooy!! Ano yan!? Ano yung nakita ko!? Paliwanag nyo!?" Nagulat ako sa sinabi ni Francheska at dali dali kong tinanggal yung yakap ko kay Johny. "U-um wala yun!!" Sagot ko kay Francheska. "Anong wala!? Hindi may nakita talaga ko eh. Kayo ha!! Sus!! De-deny nyo pa kitang kita ko naman. Wag kang mag alala hindi ko pagkakalat yang nakita ko. Haha" Sabi ni Francheska. "Sapakin kita pagpinagkalat mo!!" Sabi ko sa kanya. "Sge ba" sagot ni Francheska. Tapos pumunta na sya room at bumaba narin.
Tuwing uwian ay lagi akong hinahatid ni Johny sa amin. At minsan tuwing pumupunta sya dito ay may dala dala syang pagkain para sakin, I mean samin, sa family ko. At tuwing umuuwi ako ng bahay kapag binibitbit nya yung bag ko may laman laging letter yun at minsan pagkain o chocolates. Nakakatuwa kase ang sweet nya, at iba pala sya mainlove. Tama nga sila dahil ang taong matigas ay tanging love lang ang magpapalambot. Iba talaga nagagawa ng love sa isang tao.
- February 12, 2013 -
Ngayon ay First Monthsary namin ni Johny. Ewan ko kung ano yung gagawin nya para sakin. Haha. Pero ako, ready na yung bibigay ko sa kanyang isang damak mak na letter sa kanya sa isang box ng sapatos.
- School Time -
Parang piling ko ay nagtatampo parin sakin si Johny dahil sa sinabi ko sa kanya kahapon. Mula kaninang umaga ay hindi nya ko pinapansin. Na alala nya kaya yung Monthsary namin!? First Monthsary pa naman namin tas ganito lang pala mangyayari. Haays.
Maguuwian na at hindi parin nya ko pinapansin. Ano ng gagawin ko!? Nakalimutan na nya talaga yung first monthsary namin.
Uuwi na sana ko kaso bigla akong tinawag nila Francheska, Mary Jane at Eliza Joyce dahil napansin daw nila na ang lungkot ko ngayon. Kaya kinuwento ko yung nangyari sa amin. Sabi nila na magsorry daw ulit ako kay Johny at ibigay ko yung letter sa kanya. Hahatid naman daw ako nila Dennis sa bahay nila Johny gamit yung sidecar kaya hindi na ko mamomoblema.
Sinamahan ako nila Mary Jane, Francheska at Mary Jane pauwi sa bahay para magbihis at pagtapos ay sasamahan naman nila ko papunta kila Dennis para pasundo kami gamit yung sidecar nila papunta kila Johny.
Nung pagpasok ko sa kwarto ko ay nagulat ako dahil pagkabungad ko ay nandoon sina Henry, Kieth, James Anthony at Dennis. At bigla silang sumigaw ng "Happy First Monthsary sa inyooo!!" Pati sila Mary Jane, Francheska at Eliza Joyce ay sumigaw din. Nagulat ako dahil kahit hindi na alala ni Johny yung monthsary namin ay nandoon sila para icelebrate yun, pero mali ang akala ko dahil biglang lumabas galing sa likod nila Henry si Johny.
"Happy First Monthsary Sophie... kala mo nakalimutan ko yung first monthsary natin no!? Ako pa ba makakalimutan ko yun!?" Sabi nya sakin. Napaiyak na talaga ko ng tuluyan nung narinig ko yun galing sa kanya. Tapos bigla ko syang niyakap. "Alam mo ba na mangiyak ngiyak na ko kanina sa kakaisip na nagagalit ka pa rin sakin!! Kala ko nakalimutan mo na yung monthsary natin eh." Sabi ko kay Johny habang umiiyak. "Ano ka ba, first monthsary natin tas makakalimutan ko." Sabi nya sakin. "Happy First Monthsary din pala" sabay abot sakanya ng letter na ginawa ko.
Tapos tumambay muna ang tropa sa bahay namin dahil may pagkain na inihanda si Johny para sakin na naging para samin na. At yun nagkwentuhan muna kami. Hanggang sa naginuman na, pagkatapos namin uminom ay yun nag si uwian na sila.
Siguro eto na yung pinaka masayang araw na nangyari sakin. Grabe ibang iba na talaga sya simula nung naging kami. May mga tao talagang pagdating sa pagibig ay nagiging seryoso at doon mo malalaman yung tunay nyang ugali.
BINABASA MO ANG
Set Up Relationship : Part 2 [ON HOLD]
RomanceAfter they Set Up, Sophie and Johny finally are in a relationship. But something happens from both of them that keeping themselves away from each other. "Is Johny really love Sophie!?" "Is Sophie and Johny truly set their relationship up!?" by : @HA...