Chapter 15

151 8 0
                                    

Palabas si Drei ng Restaurant nang muli siyang tinawagan ng kapatid na si Kurt. "Phone call. Si papa gusto ka daw makausap ate." Ani ni Kurt.

Dagli niyang kinuha ang phone at kinausap nga nito ang Ama.

"Hello, Pa!"

"Dumaan ka dito sa bahay ngayon na!" Maikling sabi ng Ama nito at hndi na siya hinintay pang makasagot. Kunot noong binalik ang telepono sa kapatid. "Bakit ate?" Tanong ni kurt.

"Pinapapunta ako sa bahay. Kurt, may idea ka ba kung bakit ako pinapapunta dun?" Kinakabahang tanong nya kay kurt. Si kurt kasi ang nakakasama ng magulang sa bahay nila.

"Ate, i think may tatanungin sila sayo at gusto nilang malaman ang totoo."

Lalong tumindi ang kaba niya sa sinabi ni Kurt. Oh no! Baka alam na nila yung tungkol kay Tyron? Muli siyang napatingin sa kapatid.

"Kurt, may idea ka ba kung ano ung itatanong nila?"

"Bakit ate? Kinakabahan ka ba? Tumawag ang kuya kagabi kila Papa. Nasabi yata tungkol dun sa pagpunta mo ng Rancho Del Tierro."

Ang kabang kanina pa niya nararamdaman ay biglang naglaho dahil sa sagot ng kapatid. Tuloy tuloy na siyang lumabas ng Restaurant at tinungo ang bahay nila kung saan nakatira ang kanyang magulang.

Nasa kalagitnaan sya ng pagmamaneho nang tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot nya iyon nang hndi man lang tinignan kung sino ang tumawag. Nang sagutin nya ang tawag ay agad din nyang nakilala ang boses ng nasa kabilang linya. Si Tyron.

"Hi, Drei! Pwde ba kitang puntahan sa bahay nyo ngayon?" Tanong ng lalaki.

"Ha? Eh, papunta ako sa magulang ko ngayon, Tyron. May importante ka bang sadya? Pwde mo naman sabihin sa akin ngayon."

"Magpapaalam lang sana ako." Wika ni Tyron sa malamig na tono na may kasamang malalim na buntong hininga.

"Paalam? Bakit? Saan ka pupunta?" Curious na tanong ni Drei sa kanya.

"Hndi pa nahuhuli ang mastermind sa pagkidnap sa akin, Drei. Maraming panganib pa ang nagbabadya sa buhay ko. Gusto lang kitang makita sana bago ako umalis. Matagal din kitang di makikita eh, kaya pagbigyan mo na ako, please?" Parang batang pagmamakaawa nya kay Drei. Tila kilig na kilig naman ang babae sa kabilang linya.

"Oh, sige. Hintayin mo na lang ako sa bahay. Dun ka na lang magdinner. Sasaglit lang ako kila Papa." Tuwang sagot nito. Nakaramdam tuloy sya ng excitement na umuwi agad sa bahay nya.

"Yes! Thank you, Drei! I missed you.." sa sobrang tuwang pinayagan sya ni Drei na mghintay sya sa kanyang bahay ay hndi nito inaasahan na masambit ang katagang 'i miss you'. Yun kasi ang nararamdaman nya, namimiss nya ang babae. Alam kaya nito na ganun din ang nararamdaman ni Drei sa kanya?

Pagdating ni Drei sa bahay ng magulang, nadatnan nito ang amang si Torch na kanina pa naghihintay sa gate. Natatawa siyang nagmano sa ama.

"Pa, talagang dito mo pa ako hinintay ha.."

"Ang tagal mo kasi anak." Pumasok na sila sa loob kung saan naroon ang inang si Reimarie.

"Hija, kanina ka pa namin hinihintay." ang kanyang Ina.

"Pa, Ma, hndi po ako magtatagal, ano po ba pag uusapan natin?" Tanong nito.

"may lakad ka ba, Anak? Dito ka na lng sana kumain. Miss na miss ka na namin ng Papa mo." Si Rei.

"Next time Ma, pangako po yan."

"Drei, tumawag kagabi ang kuya Torch mo. Gusto mo daw magbakasyon sa Rancho Del Tierro?" Panimula ni Torch.

"Yes, Pa. Kailangan ko lang magrest, si Kurt na ang bahala sa Resto natin." Maikli nyang sagot.

"anak, nagtataka lang ako. May problema ka ba kaya gusto mong lumayo?" May halong pag aalala sa tono ni Rei skanya.

"Ma, wala akong problema. Matagal ko ng gustong magbakasyon kila ate Ruzhel. Naisip ko, masyado akong nagpapakapagod sa negosyo, siguro naman this time mapapagbigyan ko ang sarili ko na magrest hndi yung puro trabaho. Di po ba?" Tila nakumbinse naman nya ang magulang sa kanyang sinabi na ang totoo talaga ay gusto niyang iwasan si Tyron. Pero heto nanaman siya, panu nga ba nya maiiwasan ang lalaki gayong mamayang pag uwi nito'y naro0n ang lalaking naghihintay sa kanya? 'Ahh..bahala na nga!' usal nito sa kanyang sarili.

"Mabuti yan, anak. Matagal na naming gusto ng Mama mo na magbakasyon ka. Lagi ka kasing nakasubsub sa Resto. Gusto mo bang samahan ka namin?" Tanong uli ng kanyang Ama.

"Sure! Gusto ko yan, Pa, pero kailangan kayo ni Kurt sa resto. Bago pa lang siya sa pagmamanage ng Audrei's Restaurant kaya kailangan nya ang tulong mo, Pa."

"Drei, Anak, ayaw mo bang makasama kami?" Tampong tugon ng kanyang ina.

"Hndi sa ganun, Ma. Ofcourse gusto ko kayong makasama. Iniisip ko lang si Kurt, Ma." Sagot niya. Ngunit ang totoo talaga ay gusto nyang mapag isa muna.

"ganito na lang, pagbalik nila kuya galing Europe, tayong lahat ang magbabakasyon! Ok na ba?"

Pareho namang natuwa ang mag asawa sa suggestion ni Drei.

Matapos nilang mag usap, agad din syang nagpaalam sa magulang. Nangangati na talaga ang paa nya na makauwi na sa kanyang bahay at excited na ang mga mata nya na makita si Tyron. Hmmm?

Matapos magpaalam sa magulang, dagli nyang nilisan ang lugar. Napatingala sya sa kalangitan nang mapansing kumulimlim iyon.

"Oh no! Uulan pa yata!"

Malayo pa ang uuwian nya kya minadali nya ang magmaneho upang di sya abutan ng ulan at gabihin sa pag uwi.

My Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon