Chapter 17

318 12 5
                                    

Unang gabi ng burol ng labi ni Georgina ay hndi pinahintulutan ni Lucio na makadalaw si Tyron sa Mansion ng mga Tan. Sinubukan ni Tyron ang makiusap ngunit hindi ito pinapasok o pinasilip man lang. Si Lucio ang humarap sa kanya.

"an0ng karapatan mong magpunta dito matapos mamatay ang anak ko dahil sayo?!"

"Hindi ako nagpunta dito para manggulo, Senyor. Gusto kong makita si George." Malumanay nitong sagot.

"Hindi kita pahihintulutang lumapit sa anak ko, Tyron! Makakaalis ka na!!"

Ayaw niyang patulan si Lucio kaya para walang gulo mas minabuti na lang niya ang umalis.

Nagngangalit parin ang bagang na pumasok sa loob ng mansion si Lucio.

"Sweetheart, chill.. " si Joyce.

"Ang kapal ng mukha ng lalaking yun!"

"Well, ako na ang bahala sa kanya, relax ka lang,okay?"

Tumingin sa kanya si Lucio.

"Gusto ko siyang mawala sa mundong ito, sweetheart!"

"Easy.. may plano na ako para diyan. Wag mo ako pangunahan sweetheart,okay? Ang mabuti pa bumalik muna tayo ng States after ng libing ng anak mo."

"hindi ako aalis dito hangga't hindi nagbabayad ang gumawa nyan sa anak ko!"

"Okay..saka na natin pag usapan yan. Siyanga pala, may dapat kang pirmahan na papel. Financial Statement yan sa negosyo mo, binasa ko kanina. Kailangan mapirmahan mo ito agad." Sabay abot sa kanya ang Papel at ballpen.

"Saka na, sweetheart. Babasahin ko muna." Ani ni Lucio. Ngunit panay parin ang lambing ni Joyce sa kanya na pirmahan na yun para matapos na.

"sweetheart, kung hindi mo pipirmahan ngayon yan, magtatampo na ako. Pinaghirapan nilang gawin yan tapos ang tagal mong pumirma..hmp"

"Okay, okay.. nagtatampo ka na. Basta sweetheart, wag mo akong iiwan ha?"

"Mahal kita sweetheart.. sobrang mahal kita.." masuyong hinalikan ni Joyce si Lucio.

"Sige, pipirma na ako. Salamat at nandiyan ka lagi para sa akin.."

Pinirmahan ni Lucio ang mga papel na pinapipirma ni Joyce. Lihim namang natutuwa ang babae. Nang matapos pirmahan lahat yun ni Lucio ay muli niya itong hinalikan bilang pasasalamat.

"Thanks sweetheart!" Hinila nya si Lucio sa loob ng kwarto at pinaghahalikan ito. Alam nya ang kahinaan ng lalaki, sa kama, kaya hindi ito agad nakakatanggi.

Nang matapos ang kanilang pagtatalik, nagtungo si Joyce sa banyo upang magyosi. 'Pag-aari ko na ang lahat! Magagawa ko na lahat ng gusto ko hahaha! Katangang matanda,kay dali pang mauto!' Usal ng kanyang isip. Pinakisamahan niya si Lucio upang magawa nya lahat ang gusto sa pamamagitan niya. Ngayong wala na sa landas niya si Georgina ay mas madali nyang mauto ang matandang karelasyon. Hindi nya ito tunay na kadugo kaya wala siyang pakialam dito,ang mahalaga sa kanya ay ang yaman ng matandang Tan.

Samantala, nagdadalawang isip si Drei kung matutuloy pa ito sa binabalak na pagbabakasyon sa Rancho Del Tierro ngayong wala naman na dapat siyang iwasan o layuan. Napapangiti siya kapag naaalala nya ang nangyari sa kanila ni Tyron kagabi. Bigla tuloy nyang namiss ang binata. Dali nyang hinagilap ang phone at tinawagan nito ang numero ni Tyron ngunit hindi nya macontact ang lalaki. Paulit ulit na costumer service ang sumasagot kaya inis na binaba ang phone. Maya maya'y tumawag ang ate Ruzhel nito na asawa ng kanyang kuya Storck.

"ate!" Masayang sagot nito.

"hey sis! Akala ko ba pupunta sa Rancho?" Si azhel.

"Hndi na siguro ate!"

My Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon