Mortem
Nakakabingi, masyado silang maingay, kailnagan na nilang tumahimik.
Tinatahak ko nanaman ang daan papapunta sa lugar kung saan kung ituring ako ay parang hangin.
Pagpasok ko palamang sa gate nakita ko nanaman kung pano ako hayaan ng guard na dumaan kahit late na ako.
"good morning po manong." bati ko sa janitor namin, sya lang naman ang nakakausap ko dito eh.
oo, sa loob ng tatlong taon sya lang ang nakakausap ko dito. Wait mali, simula nung summer vacation noong first year kami, pagkatapos noon wala na. Itinuring nila akong parang isang hangin. Kung bakit? Hindi ko alam.
Noong freshman years masaya ako, napakasaya. lahat sila kaibigan ko, mababait silang lahat. wala kaming ibang iniisip kundi ang mag aral at magsaya. Sila na ang tinuring kong pamilya dahil mag isa nalamang ako sa buhay. Solo lang akong anak at noong nasa grades school ako namatay sa isang aksidente ang mga magulang ko. Kahit bata palang ako kaya ko ng mabuhay mag isa, syempre iniwan ako ng magulang ko ng pera, sapat upang mamuhay ako hangang sa makatapos ako ng pag-aaral. Ngunit nag bago ang lahat noong Nag simula ang sphomore year.
"Magandang umaga din sayo jed" Tugon ni manong sa bati ko sabay ngiti.
Dirediretso ako sa silid namin, nakasarado ang pintuan ngunit rinig na rinig ko pa din ang ingay nila, sinipa ko ang pintuan saaking pag pasok, at bumungad saakin ang mukha ng mga kaklase kong napatigil sa kanilang mga kanya kanyang ginagawa, kitang kita ko ang pagkagulat habang nakatingin sila sa pintuan ngunit agad naman silang natauhan at pingapatuloy ang mga ginagawa nila, may nag aaral, may naglalaro ng chess, nag hahabulan, nagkakantahan nag lalambingan at kung ano ano pa man. dumiretso na ako sa upuan ko at sinubsub ang mukha ko doon.
"haaaay." ang tangi kong nasabi dahil sa pagka sawa sa mga araw araw na routine ko. Gigising sa umaga, maliligo, mag aalmusal, papasok sa paaralan, papasok sa classroom, gagawa ng eksena, ngunit di pa rin mapapansin, susubsub sa lamesa hangang sa matapos ang klase. Sa loob ng 2 years yan ang nangyayari saakin.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
"GOOOOOOD MORNINGGGG!" Masigla kong bati sa mga kaklase ko na busyng busy sa mga assignment nila.
"Aba, ano nanaman ang nakain mo at buahy na buhay ka nanaman? Tapos mo na ba ang assignment natin sa bio?" Tanong ni cherry, kaklase ko.
"Ofcourse, ako pa. Hala sige gumawa ka na at baka mapagalitan ka ulit ni Mam Reyes." sabi ko sakanya habang nakatingin sa lamesa nya. Nakita ko naman na parang nahiya sya. Haha, noong nakaraan kasi napagalitan sya kasi wala syang preparations."
"tulungan nyo akooo! tulungan nyo ako!!!!" sigaw ko habang nalulunod ako sa dagat, kitang kita ako ang mga kaklase ko na ankatingin lamang saakin, walang nagtangkang sagipin ako. Nakatulala lang sila.
"Bryan! p-please.." Umiiyak na tawag ko sa kaklase kong lalake na pinakamalapit sa kinalalagyan ko pero hindi sya nag bigay ng kahit anong reaksyo, muli ko sya ulit tinawag at nagmakaawa at parang bigla syang nabalik sa realidad, kitang kita ko ang pag hagis nya ng lubid saakin..
pinilit kong abutin,
konti nalang,
nagtama na ang dulo ng lubid sa mga daliri ko,
ngunit isang malaking alon ang tumanghay saakin..
bago pa ako nawalan ng malay nasaksihan ko ang paglayo ng bangka na sinasakyan nila, hangang sa naramdaman ko nalang ang paglubog ko sa tubig..
Bakit? Bakit di nyo ako niligtas?
"RINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!" Bigla naman akong nagising ng marinig ko ang bell, lunch break na pala. Makauwi na nga. Wala naman magawa dito eh.
"Hayy, napanaginipan ko nanaman yun." Nagtataka ako, palagi ko yan napapaniginipan, na para bang nangyari na talaga yun.
Nkakatakot,
Nakakatakot ang pakiramdam ng sinusundo ng kamatayan
---------------
kek. Im trying my best talaga, So promise sa mga next next chapet maganda na to :D
BINABASA MO ANG
Mortem iuxta est
Mystery / ThrillerThere are things in our life that happens unexpectedly and it bring us to make and believe on fancies created by our mind in order to run from reality, but how long can we avoid it? This story is about highschool students, Hmm i will not describe an...