CHAPTER III

87 2 3
                                    

JED'S POV

Naglalakad na ako pauwi, medyo malayo ang bahay ko sa school namin, pero nilalakad ko nalang kasi napaka boring talaga. Hindi ko nga din alam kung bakit pa ako pumapasok ng eskwelahan, wala naman akong napapala. Para lang akong masa isang istorya na kung saan naglalaro ang mga tao ng taguan, at ako ang taya. Ang pinagkaiba, hindi sila nagtatago, pero hindi ko sila magawang ma taya.

Basta nagising nalang ako isang araw, parang may nagtutulak saakin na kailangan kong pumasok.

Naupo muna ako sa isang park malapit sa subdivision namin.

Naalala ko nanaman yung panaginip ko, hindi ko alam kung ano ibig sabihin nun.

Ang tanging nararamdamn ko lang ay..

Sakit..

At tuwa.

"URGHHHH!!" naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Bat ako naka ramdam ng tuwa?!

Tama, siguro dahil sa panaginip na yun, napapansin nila ako, tinitingnan

Kahit isang tingin lamang iyon ng awa.

Tumayo na ako at  uuwi na sana ako ng napansin ko ang isang babae na kasing edad ko rin at pareho kami ng uniform,  nakatingin lang sya saakin ng walang kahit anong emosyon. Agad kong kinuha ang bag ko dahil balak ko sanag lapitan ang babae, pero ng muli akong humarap nawala sya.

Lumingon lingon ako para tingnan kung baka nagtatago lang sya, pero wala na sya.

"Makauwi na nga" Sa pag ikot ko bumungad sa harapan ko ang babae kanina. Halos mapatalon ang puso ko dahil sa gulat, bukud sa biglaan pag sulpot nya, nakakatakot ang itsura nya dahil napaka lampti nito at wala pang emosyon.

Napa atras ako ng ilang hakbang ng bigla syang mag salita

"Di mo na ba ako naala.. Jed?" Nakangisi nyang sabi. Na mas lalong nakapag pa upo saakin sa mga bench dito sa park

"S-SINO KA?!" Pasigaw na sabi ko dahil sa takot dahil sa patuloy din nyang pag lapit saakin.

Imbes na sagutin nya ang tanong ko, mas lalo pa syang lumapit at inabot nya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo.

"Mukhang hindi mo naalala ang lahat o baka ayaw mong alalahanin ang mga ito?" Isang napaka lambing na ngiti ag ibinigay nya at sabay umalis.

Naiwan akong walang ka ideideya sa mga sinabi nya.

Ano ba ang nangyari?

Naisalampak ko ang sarili ko sa sofa at ibinato ko ang mga gamit ko, patuloy ko parin inaalala ang mga bagay bagay, pakiramdam ko may mga bagay akong naiwan sa nakaraan, sa sobrang pagod ay nakatulog ako.

Nag lalakad ako papasok ng highschool building, heto nanaman sila, matalim nanaman ang tingin saakin, saamin pala ng kasama ko.

Lumalakas ang mga bulungan nila. Nakakairita, nakita ko din yung mga tinuturing kong kaibigan, kasama ng mga taong puro masasamang bagay ang sinasabi patungkol saakin. Maiiyak nanaman sana ako ng biglang hinawakan ng kasama ko ang kamay ko at binigyan ako ng isang matamis na ngiti, napahawak naman ako sa tiyan ko at napangiti na rin.

Sabay kaming umakyat papunta sa classroom ko, ngunit nagulat ako ng nasa harap na ako ng pinto, may lumalabas na tubig na nang gagaling sa loob, nagtaka ako kung bakit, napatingin ako sa kasama ko pero wala akong sagot na nakuha kaya binuksan ko na lanag ang pintuan, at mas lubos kong ikinagulat ang nakita ko

Ang mga basang basang bangkay ng mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa direksyon ko.

Napabuhat naman ako bigla ng magising ako pagkatapos ng panaginip na iyon. Isang nakakalitong panaginip nanaman.

Sino yung kasama ko? At bakit buntis ako?

At ang mas pinagtataka ko,

Bakit suot nila yung Sophomore uniform?

~

JUSKO. Biglaang UD To. Nakita ko kasi na  may nag Vote na at nag read na ng story :D

Pasensya na kung napaka iksi at napaka la kwenta. Haha. Labyu :*

Mortem iuxta estTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon