This I Promise You

762 27 5
                                    

Song: This I Promise You by Angeline Quinto and Erik Santos

Flashbacks

___

When the visions around you
Bring tears to your eyes

Her POV

"Wala naman pong problema sa inyo o sa asawa niyo, misis. Normal naman po ang lahat ng results ng tests na ginawa natin. How long have you been trying to conceive na nga po ulit?" tanong sa amin ng doctor na nasa harap namin ngayon. Panandalian kong sinulyapan si Erik na mahigpit na hawak ang kamay ko ngayon na nasa hita niya.

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago muling humarap sa doctor na kausap namin, siya na ang sumagot sa tanong nito dahil alam niyang hindi ako matatapos na magsalita nang hindi lumuluha sa tanong na iyon.

Gaano katagal na nga ba? Mapait akong napangiti ng marinig ko ang sinabi ni Erik.

"Mahigit isang taon na po, Doc"

Ibinaba nang doctor ang mga papel na hawak nito na naglalaman ng mga resulta ng mga test na ginawa namin. Napansin ko rin ang mahina nitong pagbuntong hininga bago kami tingnan muli ni Erik.

"Marami na rin akong mga clients na may same case sa inyo, normal naman lahat pero nahihirapan pa rin silang magconceive. May iilan na rin akong naging kliyente na mahigit lima o sampung taon bago nabiyayaan ng anak. Mayroon sa kanila na sumayaw pa sa obando o idinaan na lang sa pamamanata. Ang gusto ko lang sabihin sa inyo ay normal ang kaso na meron kayo, huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil wala pa sa ngayon. Alam kong hindi pangkaraniwan sa aming mga doctor itong sasabihin ko, pero naniniwala ako na may plano Siya para sa inyo." Matamis siyang ngumiti.

"Mahigit lima o sampung taon po, Doc?" naramdaman ko ang lungkot at dismaya sa boses ni Erik. 

Parang sinasaksak ang puso ko dahil alam kong isa ito sa mga pangarap ni Erik— ang magkaroon ng anak na hindi ko maibigay sa kanya ngayon. 

Tumango ang doctor sa kanya bago muling nagsalita.

"May mga naging kliyente ako na ganoon katagal ang hinintay bago nabuntis. Pero meron rin namang maikling panahon lang ang hinintay. Siguro ay pasensya at tiwala lang din talaga dahil kagaya niyo ay marami rin ang ayaw sumubok ng ibang paraan upang magbuntis. Just keep trying Mr. and Mrs. Santos, naniniwala akong ibibigay din sa inyo ang hinihiling niyo." Matamis na ngumiti ang doctor at marahang pinisil ang kamay kong nakapatong sa kanyang lamesa. Sinuklian ko rin naman siya ng maliit na ngiti.

AE One Shots (Angeline Quinto & Erik Santos)Where stories live. Discover now