Mau
"Kuya Mark oh, keep the change" pag-abot ko ng bayad sakanya.
"Ang dami naman neto, Mau?"
"Sus. Sige na kunin mo na. Hatid sundo mo ako no, tas tinulungan mo pa ako sa pamimili" wika ko rito. At sabay kaming pumasok sa apartment ko. Binaba namin ang mga pinamili sa may kusina.
"Salamat, Mau. Basta text or tawagan mo lang ako. Ako bahala sayo" ngiti nito na sinuklisn ko.
"Salamat din, Kuya. Ingat sa pagmamaneho" bilin ko rito.
Si Kuya Mark ay tricycle driver na anak ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko. Mababait ang mga tao na nakapaligid saakin dito at hindi iba ang trato nila saakin nang dahil lang sa artista ako. Regular kapitbahay lang ganon.
Simula noong sumabak ako sa showbiz ay dito na ako nakatira dahil nasakto na malapit lang ito sa TV Station kung saan ako ay talent. Nasakto rin na mababait ang may-ari ng apartment kaya hindi ako ganoong nahirapan sa paga-adjust mula sa pagiging probinsyana at pag-lipat dito sa Maynila.
Araw ng biyernes ngayon at wala akong shooting. Kaya minabuti ko nang mamili ng mga kulang na gamit tulad ng stocks ng pagkain at mga iba pang necessities. Kapag ganitong day-off ko ay sinisigurado kong maipapahinga ko ang katawan ko para sa mga darating na araw ay maganda ang performance ko sa trabaho.
Wala akong sarili kong sasakyan dahil hindi pa ganoon kalaki ang kinikita ko sa paga-artista. Pero nagi-ipon naman na dahil hassle lalo na sa trabaho ko.
Kapag may mga shows ako o shooting at kailangan ko ng sasakyan at driver, nirerentahan ko yung isang kuya ni Kuya Mark na ang trabaho talaga ay driver at nagpapa-arkila ng sasakyan.
Tulad nalang mamayang hapon, mayroon akong rehearsal para sa production number ko sa isang noontime show bukas. Mas mainam na na prepared ka dahil live telecast 'yon at hindi pwedeng i-edit kung man magkamali ka.
Tutal wala naman ako gagawin hanggang mamayang hapon e nag-ligpit na muna ako ng apartment at natulog.
Nagising ako ng alas-dos ng hapon, sakto lang para makapaghanda ako sa ensayo mamayang 5PM.
Ginawa ko na ang mga kailangan kong gawin at inayos nadin ang bag ko na naglalaman ng mga extrang damit.
"Good Afternoon, Mau" bati ni Kuya Andrei. "Sa Dance Studio tayo?" tanong nito at pinagbuksan ako ng sasakyan.
"Good Afternoon, Kuya. Opo doon po tayo sa dati. Salamat" at nginitian ko ito.
Inabot din kami ng kulang-kulang sa isang oras bago nakarating sa studio dahil nadin sa traffic sa kalsada lalo na't friday at rush hour. Nagmamadali ang lahat makauwi sa kanilang mga tahanan.
"Salamat, Kuya Drei" Text kita kapag malapit na kami matapos ha.
"Sige. Dito lang ako sa kabilang mall, may pupuntahan din ako para hindi na ako bumalik at agad kitang masundo ba" pahayag nito.
Nagpasalamat ako at tumuloy sa second floor kung saan kami mage-ensayo. Nandito din ang ibang talents na kasing-edad ko dahil kasama ko sila sa production bukas.
Marunong din naman ako sumayaw kaya hindi ako gaanong nahirapan sa mga steps na itinuro saamim ngayon. Basic lang ang mga ito lalo na ang iba saamin e hindi marunong sumayaw. So dapat pare-parehas lang at walang patalbugan.

BINABASA MO ANG
Silver Screen (GxG) [On-hold]
RomantikaMau Benedicto is an amateur actress and is picked to play a major role in a Filipino film. And on the said project, she was casted with the veteran star of the country, Victoria Lu. From strangers to colleagues, and later on flourished into secret...