ANG SIMULA...

35 3 1
                                    

K ' s POV

        Sa tuwing naaalala kita, puro sakit na lang ang nararamdaman ko.... Kung pwede ko nga lang turuan ang puso ko, mas ok na hindi kita nakikita ni nakakasama para tuluyan na kong makalaya sa sakit na nararamdaman ko. Pero alam mo kung ano mahirap, kahit nasasaktan ako, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko para sa iyo...   Palaging nagbabalik ang mga alaala kung paano nagsimula ang lahat.

        "K may bago tayong teacher sa Math, siya daw ang papalit kay Ma'am Leny kc nakaleave siya dahil malapit na siyang manganak. Ito daw muna magiging pansamantalang adviser natin", sabi ni Arnie.

        "Gwapo nya, as in sobra", ayon naman kay Arcie sabay pilig ng ulo na tila kinikilig.

        "Di mo pa ba siya nakita?" tanong Hermie.

        "Ah ok. Buti naman at meron pa ring maghahandle sa atin habang wala si Ma'am Leny", ayon kay K.

        "Binata pa kaya siya? Ano na kaya edad niya?"  ayon kay Arcie na tla excited.

(Sa loob ng classroom)

        Nagbubungisngisan aang mga mag-aaral habang hinihintay ang pagdating ng guro na pansamantalang papalit sa kanilang gurong tagpayo. Kita ang excitement sa halos lahat lalo na sa mga bababeng mag-aaral. Tulala ang lahat ng may biglang pumasok sa pintuan.

        I must admit, guwapo nga tulad ng sabi nila. Matangkad. May poise. Malakas ang dating.
 Hahaha... Ito na simula.......

EndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon