Sa araw-araw na lumilipas, ganuon at ganuon pa rin ang nagaganap. Kinikilig sila pag nakikita siya. Mabait naman siya. Pero ewan ko ba, parang di nakatuon ang pansin ko sa kanya nung mga panahon na iyon. Although excited din naman ako na makita siya na paparating tuwing umaga kasi ako nakaabang if paparating na siya pero hindi dahil crush ko siya tulad ng ibang mga mag-aaral kundi dahil ako ang incharge sa ganung gawain para ipaalam sa kaibigan ko na nasa school na siya.
Hanggang sa lumipas ang mga araw at buwan. Si Mr. Hunk ay dito na napermanent sa aming school bilang guro. Ganun at ganun pa rin ang mga pangyayari, walang pagbabago sa naging papel ko. Tanda ko pa nga naging guro pa namin siya sa isang asignatura. Hanggang sa natapos na kami ng high school.
At dahil nga nakapokus ang isip ko sa pag-aaral nun at sa pagbasa ng pocketbook umiikot ang mundo ko, wala akong masasabing lalaki na naging espesyal sa akin. Pero hindi naman ako manang as in old maid that time. Or panget para walang magkainteres. Meron din naman. Sadyang pihikan lang ang puso ni K.
Nagkaroon din naman ako ng ka MU at boyfriend nung nasa kolehiyo na ako. And take note, siguro dahil it runs in the blood at ito lang sa panahon nuon ang kursong kayang suportahan ng magulang ko para makapag kolehiyo ako, pagiging isang GURO din ang tinapos ko.
Tulad ng nasa high school pa lang ako, di naman ako iwan sa mga kamag-aral ko na nagkakamit ng karangalan tuwing magtatapos ang klase, gayundin sa bawat sem na natatapos nung nasa kolehiyo ako.
Hanggang sa ayun na nga, naging ganap na kong GURO. Which is a profession na di basta-basta. Kailangan ang oras, atensyon, effort at dedikasyon para magampanan ito. At kailangan mo rin ng mahabang pasensiya at maunawaing puso dahil sa araw-araw, iba't-ibang klase at pag-uugali ng mga mag-aaral ang makakasalamuha mo. Isama pa ung mga kasamahan mo posibleng di ka feel.... jejeje.
Nagsimula akong nagturo sa isang private school malapit sa aming lugar. Tatlong taon ang inilagi ko dito hanggang sa naisipan ko ng lumipat sa pampublikong paaralan. At ako naman ay pinalad dahil homebased ako kagad. Sa Inang paaralan kung saan ako nagtapos ng high school ako napermanent. At dito muling nagtagpo ang aming landas.........
BINABASA MO ANG
Endless
Roman d'amourHanggang kailan ka nga ba luluha? Hanggang kailan ka aasa? Hanggang kailan ka magpapapahalaga? Hanggang kailan ka magmamahal? Sapat na ba ang mga pangakong hanggang sa huling hininga at huling tibok ng puso ay mamahalin ka niya? Patuloy ka pa rin ba...