Kung sino sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako...4th year. Ang pinaka crucial na panahon dahil una sa lahat, graduating ka na. Pangalawa, naghihirap ka na makapasa sa mga university at pangatlo, peer pressure. Yung lahat na ng mga kaibigan mo may mga forever salamantalang ikaw-- nga nga. Yaw yaw. Tunganga. Wala!! Wala!!
Hindi naman sa bitter ako, sadyang wala pa sa isip ko ang forever. Eh kung dadating siya edi dadating! Buksan ng pinto baka mainip kakaantay.
Eh kaso yun nangyari sakin eh. Muhkang busy yata ako at di ko nabuksan agad yung pinto
Ako nalang... Sana... Tayong dal'wa nalang..
"Uy. Inday. Pakopya naman ng assignment." Una sa lahat, hindi inday ang pangalan ko.
"Ayan. Ang baho ng inday. Jushtine kasi." Pagcocorrect ko sa kanya. Sino ba kasi nagpa-uso ng trend na inday na yan.
"Sus!! Damot! Bagay kaya sayo inday tska---"
"Hoy Ren! Tawag ka ni Marrun!! Kumukopya ka nanaman kay Tine ah!" Pang-aasar ni James.Muntanga naman kasi. Gawin ba naman akong encyclopedia ng taong ito napakatamad gumawa ng assignment.
"Hi Tine." At ayan nanamam siya, nagbabalik.
"Ano nanaman?" Aburidong tanong ko kanina pa yan eh
"Wala lang. Wala akong kausap eh."Lumingon naman ako sa katabi kong si Alex.
"Ayan o. Si Alex kausapin mo." Napa Haha nalang sya at nagbigay ng mga walang kasawaan nyang joke na minsan ay wala na talagang sense.
"Ay ang galing!!"
"Panis ka! Syempre matatalino lang nakakasagot nyan!" Wu! Masyadong mahangin!! Mahangin!! Nilipad ako!Lagi nalang ganito yung scenario natin noon. Ako kausap ka, at ikaw kausap ako. Minsan nga sumagi sa isip ko paano kaya kung may gusto ka sakin? Naalala ko nung 2nd year tayo sabi mo nun...
"Wag nyong aasarin yan! Crush ko kaya yan si Tine!" Alam ko namang nagjojoke ka nun pero nagtanong parin ako
"Ha? Ansabi mo?"
"Wala. Haha!"Di ko naman alam kung seryoso ka nun kasi medyo palabiro ka. Siyempre dahil naman mabait ako, di na ako nagassume kasi wala naman talaga akong paki-alam sa lablayp na yan.
Lumipas ang 3rd year at ngayong 4th year naging classmates ulit tayo. Di naman ako natuwa o nalungkot kasi di naman kita feel noon. Sana pala naging kaclose nalang kita.
Nakakatawa nga eh. Habang dumadaan yung mga araw sa senior year natin mas nagiging close tayo. Sobrang daya mo kasi kulang nalang grades ko kopyahin mo. Aba naaburido na rin naman ako sayo kasi di talaga effective ang kulit kulit mo kasi.
Tapos, ang lakas mo makatitig sakin kapag natutulog ako. Tae ka. Akala mo di ko napapansin? Lihim na manyak ka eh! Alam ko namang hindi ako kagandahan pero wag naman ako. Bata pa ako dung!
Tapos letseng eye to eye contact yan! Di ako natutuwa!! Nakakahiya kapag may nakatitig sayo!! Tapos ang papansin mo pa, sumali ka kaya sa showtime at dun ka magpasikat?
Dahil sa mga yan, pumasok ulit sa isip ko yung sinabi mo, maygustokabatalagasakin? Pilit kong inalis sa isip ko yung mga sinabi mo pero parang dahil don.....nagkagusto ako sayo.
BINABASA MO ANG
Playlist
Short StoryCollection ng mga one-shot stories galing sa mga #whogoat na kanta.