Bakit ba hanggang hiling nalang tayo? Mahirap bang matupad ang isang Hiling?
Minsan...di ko maiwasang isipin ka...
Hi. Uh. haha naalala mo pa ba ako? Si Sisley! Yung Kababata mo nung nasa Bayugyo ka pa. Nakakamiss yung dagat dun no? Sana nakikilala mo pa ako..
"Uy kasi Paul!!! Ang daya mo naman!!! Akin na yang ballpen ko!" Hay. Highschool days. Sobrang harot mo talaga napagkamalan ka pa ngang bakla kasi sobrang harot mo talaga minsan nakakabwiset na!! Pero syempre dahil bespren kita..
"HAHAHHAHAHAHAHHAHAHA!!!!!!! Ang panget Sisley!! AHAHHAHA!! Muhka kang---"
"Uy paul andyan na sila Tita sa baba aalis daw kayo importante daw!" Sigaw satin ng class president. Nagtakbuhan naman agad tayo pababa ng building kasi akala natin pupunta tayo ng Maynila non.
"Uy grabe road trip!!!!!!!!! manila!! Excited na ako!!" Sabay kinurot kurot pa kita first time kasi nating aalis ng Bayugyo ng sabay.
"Ako riiin!!!! Waaah sana----" naputol yung sinasabi mo nun kasi tinawag ka ni Tita May
"Wait lang sisley ah!"
Nag-antay ako nun ng matagal. Muhka ngang seryoso yung pinag-uusapan nyo ni Tita eh. Nakita ko pa nga na sumimangot yung muhka mo nun. Ang unang pumasok sa isip ko......di tayo matutuloy sa Manila. Sayang.
"Uy Paul. Ano sabi?"
"Wala sa perya lang daw tayo eh! Sayang!" Tumawa ka pa nun. Pero alam ko na peke yung tawa mo. Made in ChinaDumaan ang mga oras at ginabi na tayo sa perya habang sila tita ay nakatingin lang satin. Muhkang may pinag-uusapan sila. Hindi kaya arranged marriage?
"Uy dito dito naman tayo!!! Gusto ko sa carousel!!" Sabay hinila mo ako nun naka-ilang balik nga tayo nun kasi gusto mo sakyan lahat ng kabayo sabi mo pa nga bibili ako ng ganyan paglaki ko. haha!
Pagbaba natin sa carousel, bigla mo akong dinala sa may bangko malapit sa ice cream stand. Akala ko nga sasabihin mong may gusto ka sakin eh.
"Uh---- Sisley." Tumingin naman ako ng seryoso sayo nun.
"Bakit?"
"Wala wala. Hahaha ganda ng perya ngayon no?" Grabe ang galing mo magligaw ng topic. HahaAlam mo ba yung Desires or Rejects romance?? Yung isa sa magkaibigan ay may gusto sayo pero ikaw wala? At alam mo rin bang sa magkaibigan na babae at lalaki, hindi imposible na ang isa sa kanila ay may gusto sa isa? Hay. Sana alam mo kasi ako... umaasa. Humihiling na sana mapansin mo ako.
Ano na kayang balita sayo...Naiisip mo rin kaya ako...
"Sisley. Kapag ba ako nawala malulungkot ka?" Seyosong tanong mo noon sakin
"Hindi. Haha! Alam ko naman kasing babalikan mo ako. Tska, walang iwanan diba??"Natahimik yung paligid sa sinabi ko. Parang nagstop bigla yung carousel yung ferrys wheel yung mga tao tumigil sa paglalakad.
"Kasi sisley bukas----"
"Paul tara na uwi na tayo mag paalam ka na kay Sisley."
Wala ka nang choice nun at nagsabi nalang ng
"bye sisley. Good night. Mamimiss kita."
Hindi ko nun alam kung ano yung meaning ng sinabi mo. Akala ko nagjojoke ka lang. Pero hindi.

BINABASA MO ANG
Playlist
Short StoryCollection ng mga one-shot stories galing sa mga #whogoat na kanta.