I heard it once somewhere, that the best way to escape from reality is to dream. I snickered at the thought.
Dreams are fantasy. There is no way for it to be manifested in reality. Kaya naman, madalas kong tinatanong ang sarili ko, kung alam pala nilang walang tyansa na mangyari ito sa realidad, bakit pa sila nagsasayang ng oras para mangarap?
Looking back now, I regretted that I said that.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng silid-aralan. Kakatapos lang ng klase namin kaya uuwi na rin ako. Pinalibot ko ang aking paningin sa mga tao sa labas. Lahat sila'y mukhang masaya. Ang iba ay nagtatawanan habang kasama ang iba nilang kaibigan.
I felt a slight pinch in my heart. I knew that I've been yearning for a friend. May mga maswerte lang talaga sa buhay, too bad, I am not one of them.
Tumingin ako sa relo na nakasabit sa loob ng aking kwarto.
6:00 PM
Yet again, no one's home.
I collapsed onto the bed and stared at the ceiling. I closed my eyes and started to daydream. Sabi nila, masaya 'to. Dreams are free after all.
Because of the boredness I'm feeling, I didn't realize that I already drifted myself away from reality. Fake scenarios made its way into my mind, creeping like a virus.
Ano ba ang pinakaaasam mong mangyari?
My subconscious mind asked me. And I knew at that moment what the perfect answer would be.
I want to be free. To be happy. Without having to think about the reality for a second.
What makes you happy?
Simpleng tanong pero wala akong maisagot. Agad kong minulat ang aking mga mata. The question made me dumbfounded for a minute. Ano nga ba talaga ang nakakapagpasaya sa akin?
"Hindi ko alam, okay?" Bulong ko sa sarili ko. Maybe, Ice cream?
Agad akong nagsuot ng hoodie at shorts. Bibili ako ng ice cream.
Ang init pala, bakit ako naghoodie?
Great! Walang tao sa loob ng convenience store. Naglakad ako patungo sa counter.
"Ice cream nga po, isa." Inabot ko ang 100 sa cashier at saka naghintay.
Ilang segundo lang, nakuha ko na agad ang Ice Cream. Pero, bakit hindi pa rin ako masaya?
Umupo muna ako sa isa sa mga stools ng store. Pinagmasdan ko ang iba't-ibang mga taong naglalakad patungo sa kani-kanilang mga pupuntahan. Swerte ang mga taong alam ang gusto nila sa buhay. At mas lalo silang maswerte kung may kakayahan silang makamit ang mga ito.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang nilalasap ko ang ice cream kong nangangalahati na.
"Buti nalang nakahoodie ako."
Ilang sandali pa't biglang may humahangos na lalaking pumasok sa 7-11. Nakaitim siyang jacket na mayroong maliit na tsek sa gilid. Unti-unti niyang hinila pababa ang hood ng jacket niya kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong masilayan ang kanyang mukha.
Oh wow, ang hirap atang magpatubo ng ganyang klaseng mukha.
His thick eyebrows matches perfectly with his almond-shaped eyes. Medyo basa ang kanyang buhok mula sa tubig ulan. Natatakpan din ng mask ang kalahati ng kanyang mukha so his nose up to his lips are not visible.
Malaya ko siyang napagmamasdan habang naglalakad siya patungo sa liquor stand. Oh, umiinom siya?
Dahil siguro sa pagiging obvious ko masyado, agad siyang tumingin sa direksyon ko. Hindi ko agad naiiwas ang paningin ko dahil sa matinding kaba. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. His eyebrows slightly creased and after a while I saw his eyes smiled. Wala sana akong balak putulin ang pakikipag eye contact ko nang bigla akong nakaramdam ng malamig na likidong unti-unting pumapatak sa binti ko.
Ang ice cream ko natutunaw na!
I licked it real fast kaya nasamid ako. Wait, may nasamid na ba sa ice cream?
Ako pa lang ata.
Nakakahiya! Muli akong tumingin sa direksyon niya and I saw him shooking his head as if he saw something embarassing. At sino pa ba ang embarassing? Syempre, ako!
Inuubo pa ako mula sa pagkakasamid ko kanina kaya naman tinagilid ko ang ulo ko nang biglang may naglapag ng boteng may lamang tubig sa harapan ko.
Inangat ko ang aking tingin at natagpuan ko ang lalaki kanina.
"Next time, try not to make it too obvious. Here, drink this water." His husky voice startled me a bit. Hindi ako prepared sa mga pangyayari kaya naman hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Uhh... 'kay." Kinuha ko ang bote at agad ininom ang tubig para umalis na siya agad.
Pinagmasdan niya ako habang iniinom ko ang tubig mula sa boteng binigay niya. At kailan pa ako tumanggap ng bigay ng ibang tao?
Mabilis kong binaba ang bote ng tubig at inangat ang tingin sa kanya.
"Thank you pero sino ka?" I asked him.
He removed his mask and I saw his lips! Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Remember my face, clearly. You'll need it in the future, trust me." He winked and put his face mask back. I stared at his back before he completely went out of my sight.
Doon ko lang napakawalan ang matagal ko na pa lang pinipigil na hininga. I shook my head and sighed.
"This is bad. Real bad."
BINABASA MO ANG
In my daydream
Teen FictionIn hopes to get away from her painful reality, Lily started to daydream. What supposed to be a fun adventure, turned into her greatest nightmare.