If there are any grammatical errors, pls correct me. (Or any wrong spellings.)
----------
"Uy, Kayla! Sabay tayo punta sa canteen!" Sabi ni Ate Jaden habang maarte na naglakad papunta sa pwesto ko. Naka-upo kasi ako at sya ay nagpasa ng notebook nya sa desk ng teacher. Sa harapan nga pala namin ang teachers desk.
"Sige." Sagot ko habang nagpatuloy sa pagsusulat ko. Hindi pa kasi ako tapos mag sulat. Dinadaldal kasi ako nitong si Jake.
"Ang bagal mo naman mag-sulat" Ate Jaden at umirap. "Malapit na mag recess." Tumingin ako sa kanya saglit.
"Oo, patapos na ako. Last paragraph na to." Sabi ko habang nagmamadali mag sulat. Kailangan kasi ay naiintindihan ang sulat ko, kung hindi ay ipapaulit sa akin ito.
Nagulat ako sa biglang pag-tayo ng isa kong kaklase kaya napatingin ako sa kanya at ganun din sya. Tiningnan nya ako saglit at naglakad para ilagay sa desk ang notebook nya. Naka-civilian sya. Siguro ay hindi pa nakakabili ng bagong uniform.
Maganda sya. Naka-ponytail sya at naka ripped jeans sya. Hindi naman kita ang skin ng legs nya kaya pwede sa school. Pansin ko ay wala syang kaibigan at mukha syang tahimik. Kawawa naman s'ya.
"Kayla? Huy mag sulat ka na. Ang bagal mo naman." Sabi ni Ate Jaden. Ay oo nga pala.
Sa wakas at natapos na ako. Pinasa ko ang notebook ko at saktong sakto na recess na. Tiningnan ko ulit yung babae kanina na naka-civilian. Pilit sya dinadaldal ng isa naming kaklase at ngumingiti lang si ate. Tango at iling lang ang ginawa.
Bumili na ako ng pagkain ko. Syempre junk foods ito. Cheezy ang lagi kong binibili. Hindi ko kasi gusto ang lasa ng iba.
"Alam mo ba naiinis ako ng konti doon sa babaeng nakatali ng buhok na naka-civilian." Sabi nya na may pairap pa. Si ateng maganda ba yun?
"Bakit? Kawawa nga eh." Sabi ko habang kumakain.
"Hindi ko alam. Basta, hindi ko sya gusto. Anyways may pera ka pa ba? Pa-utang naman oh" utang na naman.
"Mag-kano ba? 38 nalang pera ko eh. Para saan ba?" Ako habang kumakain. Hindi pa nya nababayaran utang nya sakin nung nakaraan ah? Lagpas 100 pesos na yun. Ayoko sabihin kasi baka magalit sya sakin.
"Ili-libre ko kasi yung boyfriend ko ng milktea. 20 pesos lang pangdagdag lang naman." Sabi ni ate Jaden. May pang libre pero pambayad sa utang wala?
"Di ka pa nakakabayad ng utang sakin ah" pabiro kong sabi kay Ate Jaden. Para makaalala naman.
"Oo babayaran ko yun next time." Sabi nya at kumuha ng isa sa cheezy ko. "Tingnan mo o, magkakasama yung tatlong maliit. Hahaha." Napatingin din naman ako.
Nasa gitna yung mukhang masungit, nasa kanan nya naman yung maputing pogi at nasa left nya yung moreno. Yung moreno si Luis ata yon. Hindi ko alam ang pangalan nung dalawa kasi 4th day palang namin ngayon sa grade 7 at hindi kami nag-introduce yourself.
"Kaibiganin kaya natin?" Nakangiting paganyaya ko kay ate Jaden. Mukha talaga silang masarap kasama. Feeling ko ay gusto ko talaga silang kaibiganin.
"Ano? Ayoko nga. Ikaw nalang." Sabi ni ate Jaden at umirap ng kaunti sabay inom ng juice. Okay. Nahihiya din naman kasi ako i-approach sila. Baka hindi ako pansinin, but they looked friendly.
Bumalik na kami sa loob ng classroom namin dahil malapit na matapos recess. Nakita ko yung ateng naka ponytail. Maganda sya but wala syang friend. Gusto ko syang kaibiganin para meron na sya.
Magkaiba kami ng row. Sya ay row 1 at ako ay row 2. Pero parehas kami nasa likod. Nakaupo sya sa may left side at ako naman ay sa right side so parang magkatabi lang kami but there's a big gap nga lang.
"Hello!" Nakangiting bati ko kay ateng ponytail. Napatingin sya sakin ng medyo matagal. Siguro mga 5 seconds?
"Hi..." Bati nya rin at awkward na ngumiti. Nag wave pa sya ng kaunti at nag avoid ng eye-contact sakin. Nahihiya siguro. Mukha talaga syang loner.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko. Tumingin ulit sya sakin. Parang pinagiisipan nya kung sasabihin ba nya o hindi e.
"...Shi.. ikaw si Kayla." Sagot nya at nag sulat sa makapal na notebook. Hindi na ako nagulat na alam nga pangalan ko kasi halos lahat ng classmate namin ay friend ako.
"Ano yang sinusulat mo?" Tanong ko para naman may topic kami, hehe. Ang tahimik nya naman kasi. Nahihiya pa siguro. Ganyan talaga sa una.
"Kwento. Gawa gawa ko lang yan." She chuckled. Na-curious naman ako bigla sa kwentong sinusulat nya. Sinilip ko ng unti yung sinusulat nya. Ang dami na nyang nasulat!
"Pwede ko basahin?" Mukha kasing maganda ang kwento nya. Napatingin sya sakin. Pinagiisipan kung ipapabasa ba o hindi.
"Sige... 'Wag mo ipapabasa sa iba. Paki-intindi nalang yung sulat ko, medyo pangit kasi." Tiningnan ko yung sulat nya at mukhang totoo nga. Pero nababasa ko naman kahit papaano.
Fan-fic ang story nya. Nakalagay kasi na fanfic daw ng EXO. Alam ko yung group na yun pero hindi ako fan. Si Baekhyun ang leading man dito. Sa tingin ko ay sya ang partner ni Baekhyun.
Natawa naman ako ng kaunti. Maganda pero medyo bitin kasi 2 chapters lang. Binalik ko na sa kanya yung notebook nya. "Ang ganda. Ipagpatuloy mo ah? Sabihin mo sakin pag completed na."
"Sige." Sabi nya at nag sulat ulit.
Nakita ko naman yung lalaking nasa unahan na kanina pa tingin nang tingin sa likod. Isa sya don sa kaninang tatlong maliit na tinuro ni ate Jaden. Ayung maputi na pogi? Ka-row ko naman yung mukhang masungit sa tatlo at yung moreno na si Luis, yung maputi na pogi naman ay sa row 1, ka-row ni Shi.
UWIAN na namin at napansin ko na walang kasabay umuwi si Shi. Lalapit na sana ako sa kanya nang biglang hinawakan ni ate Jaden ang braso ko.
"Tara Kayla bili tayo mangga. Libre mo, hehe." Hinila ako ni ate Jaden papunta doon sa bilihan ng mangga at syempre bumili sya.
Nakita ko naman na magkasama na naman yung tatlong lalaki kanina. Ang kukukit nila. Nakakatuwang tingnan. Nagbabatukan pa sila, haha. Actually type ko yung nasa gitna. 'Yung masungit tingnan?
Nasa harap ko lang sila. Nag-aasaran sila at nagtatakbuhan. Pauwi na kasi kami, nasa labas na kami ng school. Mukhang masungit yung nasa gitna pero nakikisabay naman sya sa trip ng dalawa. Nagtutulakan pa sila at ayun nabangga ako ng mukhang masungit.
Napatingin si Luis sakin at yung masungit tingnan. "Uy Kayla, sorry. Hahaha, peace tayo." Sabi sakin ni Luis. 'Yung moreno? Sya kasi ang nagtulak dito sa mukhang masungit. Yung isa naman nilang kasama sa iba nakatingin kaya sinundan ko tingin nya. Parang... kay Shi sya nakatingin...?
"Gusto mo sapak?" Pagbibiro ko at umambang sasapakin ko si Luis at tinaas naman sya yung dalawa nyang kamay para iprotect ang sarili nya.
"Joke lang! Hahaha." Sabi ko. Ni hindi nga ako napaatras eh! Haha. Sa liit ba naman nitong nakabangga sakin. Hanggang leeg ko lang.
"Uy tara na, Ray!" Sigaw ng maputing pogi doon sa nakabangga sakin. Tumakbo naman si Ray papunta sa kanina at binatukan silang dalawa. So Ray ang name ng masungit looking na yun?
---------
Tnx.
BINABASA MO ANG
To Be With You
Teen FictionWhen a not-so-famous and a little 'snob?' guy fell inlove with a friendly and popular girl. What do you think will happen? Sounds like a cliche story but trust me it's not. Let's find out their cute highschool lovestory. HighschoolSeries #1 language...