Chapter 2

4 1 0
                                    

If there are any grammatical errors, pls correct me. (Or any wrong spellings.)

-----------

"Huy Kayla, bakit ka late?" Pabulong na tanong sakin ni Jake pagkaupo ko sa pwesto kong upuan.

"Late ako nagising eh." Sabi ko habang hinahanap A.P notebook ko at ballpen. Iyon kasi ang subject namin ngayon.

Tiningnan ko si Ray. Magka-row kasi kami diba? Pero nasa unahan sya nakapwesto at ako ay sa likod. Matangkad ako eh.

Actually, sa tingin ko ay hindi naman sya masungit. Pero may part na mukha syang masungit. Ay basta! Siguro ay dahil sa makapal nyang kilay kaya sya mukhang masungit.

MALAPIT na ang recess namin kaya todo na ang bilis ko sa pag kulay dito sa drawing ko. Pinapadrawing kasi kami ng T.L.E teacher namin ng mga kitchen tools. Pwede na raw lumabas kapag tapos na.

Nakita kong nagpasa si Ray kaya malaya na sya huhu. Sana all. Lumapit sya don kay maputi na pogi at tumabi. May pinaguusapan sila at tumingin si maputing pogi kay Shi. Parang pinaguusapan nila si Shi dahil tumingin din si Ray kay Shi. Sakin ka lang dapat tumingin.

Ay grabe! Sa tingin ko ay may crush ako kay Ray ng slight! Panay na kasi ang tingin ko sa kanya. Hindi ko mapigilan. Parang auto tingin at sulyap ako sa kanya every hour, minsan ay every minute pa!

Should I approach him? Sigi na nga hehe. Tutal ay recess na din namin at tapos na ako sa pagkukulay. Syempre ay kausapin ko kunyari si Luis. Kasi close sila diba.

"Uy Luis! Di ka pa tapos? Tulungan kita gusto mo?" Sabi ko kay Luis at tumabi sa kanya. Tiningnan ko ang drawing nya, patapos na naman pala sya. Hindi na kailangan ng help ko.

"Wag na. Manghihingi ka lang sakin ng pagkain eh." Sabi ni Luis na natawa ng kaunti, natawa rin tuloy ako kasi baka nga manghingi ako.

"Luis, di ka pa tapos? Ang bagal mo naman." Sabi ni Ray at binatukan si Luis. "Oo nga ang bagal! Ako nga tapos na ako." Sabi nung maputi na pogi at binatukan rin si Luis.

"Aray ah! Manahimik ka nga Zain! Ang pangit nga ng gawa mo eh, halatang minadali." Sabi ni Luis doon sa maputing pogi at nagpatuloy sa pagkukulay.

"Atleast tapos na, diba?" Sagot ni Zain at sumulyap sa likod namin. Nakita nyang nakatingin ako sa kanya kaya umiwas sya ng tingin.

"Hi, Ray!" Bati ko kay Ray nang mapansin na nakatingin sya sakin. Napaiwas naman sya agad ng tingin sakin. Huh? Tinitigan ko sya at nakita kong sumulyap sya sa akin. Napangiti tuloy ako.

"Crush mo, Ray?" Tanong ni Zain na may tonong pang-aasar. Nag 'uy' at 'ayie' pa sya at sinundot sundot ang tagiliran ni Ray. Siniko naman sya ni Ray at nagsabing "Ano ba!" At tumalikod samin at naglakad palabas ng room. Sinundan naman sya ni Zain.

"Ganon ba talaga yon?" Tanong ko kay Luis na nagkukulay pa rin. Ang bagal naman nito.

"Sino? Si Ray? Oo, ganun yun. Nahihiya lang sayo yun." Sabi ni Luis at tumayo. "Tapos na ako! Yes!" Sabi nya habang nakangiti na parang nakatingin sa masterpiece artwork. Ipinasa na nya iyon.

"Ano kayla? Hindi ka pa magre-recess?" Tanong ni Luis na inaayos ang mga gamit nya.  "Sabay ako sayo. Absent si ate Jaden eh." Sabi ko at niyaya na syang pumunta sa canteen.

"Oh, ba't kasama mo yan?" Tanong ni Ray kay Luis at tinuro ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko na parang na-hurt ako. "Grabe ah." Pabirong sabi ko.

Napansin kong sa iba na naman nakatingin si Zain kaya sinundan ko ulit kung saan sya nakatingin. Kay Shi?

"Crush mo?" Tanong ko at parang nagulat naman sya at napatingin sakin ng saglit at nagpatuloy kumain. Hindi nya ako sinagot.

Bakit ba ang su-sungit nitong mga maliit na 'to? Parang si Luis lang ata ang friendly. Pero okay lang, type ko parin si Ray. Cute nya kasi.

"Pahingi nga ako nyan!" Sabi ni Zain kay Luis at kumurot ng medyo malaki sa ulam ni Luis na tortang talong. Grabe makakuha parang walang balak tirhan si Luis ng ulam.

"Ang buraot mo." Sabi ni Luis at wala nang nagawa dahil sinubo na ni Zain ang kinuhang ulam. Nakangiting umiling naman si Ray sa kanilang dalawa. Feeling ko ay si Ray lang talaga ang matino sa kanila.

Kasi si Luis, titingnan mo palang sa malayo matatawa ka na kahit wala syang ginagawa. Si Zain naman ay mukhang inosente pero parang ang sungit nya pala? Ang bait nga ng tono ni Zain kahit na nagsasabi sya ng mga bad words. Si Ray naman ay gentle yung paraan ng salita nya na medyo harsh? Basta parang ganun.

"Uy si Shi." Sabi ko sa sarili ko. "Shi!" Tawag ko sa kanya at napalingon naman sya sa gawi ko. Kumaway ako at sinenyasan na pumunta sya dito. Nandito nga pala kami sa gilid ng court sa may bench.

Lumapit sya sa amin at narinig ko na napaubo ng kaunti si Ray at hinampas naman si Ray ni Zain. "Bakit?" Tanong ni Shi nang makalapit.

"Wala lang. Sabay ka na samin mag recess. Upo ka rito." Sabi ko at tinapik yung space sa tabi ko. Dalawang magkatabi ang bench dito sa amin. Si Zain ang katabi ko sa bench sa may right side sya naka-upo malaki yung space gap namin na para bang may sakit ako na nakakahawa.

Si Ray at Luis naman sa katabing bench. Sa pinaka dulo ng upuan si Ray at magkalapit naman si Zain at Luis. Malaki kasi ang sakop ni Luis kasi may baon syang kanin. So bench ang ginawa nyang mesa.

Nag "ahem." naman si Ray nang umupo sa gitna namin ni Zain si Shi at sinamaan naman ni Zain ng tingin si Ray. Parang naguluhan naman si Luis sa kanilang dalawa pero nagpatuloy parin ito sa paglamon.

"Gusto nyo?" Alok ni Shi sa aming apat ng pagkain nyang cheezy. Malaki kasi iyong binili nya kaya siguro nag-alok. Syempre, hindi ako tatanggi sa blessings. Kumuha ako at si Luis sa pagkain ni Shi. Mahilig pala to sa maanghang. Yung other snacks nya din kasi ay puro spicy flavor.

"Ayaw nyo?" Tanong ni Shi kay Ray at Zain. Tinapat pa nga ni Shi ang pagkain nya para makakuha ng maayos sa kanila. Tumanggi naman si Ray at si Zain naman ay kumuha ng isa. Nag "ahem. Ahem." na naman si Ray kaya tiningnan sya ni Luis na parang nagtatanong kung 'bakit?' Sya nag 'ahem'. Sinamaan naman ni Zain ng tingin si Ray.

Parang nage-gets ko na. Ang cute pala ngumiti ni Ray, hehe. Napansin ko naman na gulat na nakatingin sakin si Shi. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. May teacher ba sa likod ko? Tumingin ako sa likod pero wala naman kaya naguluhan ako.

"Crush mo si Ray? Sino si Ray sa tatlong 'to?" Bulong sakin ni Shi. Nagulat naman ako sa binulong nya. "Huh?" Yan lang ang nasabi ko dahil speechless ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Ide-deny ko ba?

"Sabi mo cute ngumiti si Ray?" HUH???? SINABI KO YUN? NASABI KO BA YUN NANG HINDI KO NALALAMAN? PANO KUNG NARINIG NILA?

Tiningnan ko silang tatlo pero parang hindi naman nila narinig kasi nagaasaran sila at nagtatawanan. Kaya parang nawala yung taranta ko kanina. Napangiti naman sakin si Shi ng nakakaloko. May ganito palang side si Shi? Ang akala ko ay hindi sya marunong mangasar. Mukha kasing mabait eh.

"Shh!! Wag ka maingay mamaya na tayo magusap tungkol dyan." Mahinang sabi ko at napatawa naman ng kaunti si Shi at napatingin naman si Luis at Zain samin.

"Anong pinaguusapan nyo? Sali naman kami." Sabi ni Luis na natatawa pa. Ang happy naman nito. Si Zain ay nakatitig lang kay Shi. Si Ray ay nakatingin sakin pero umiwas din ng tingin.

"W-wala!" Puta.

---------

Tnx.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Be With You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon