"Expecting is my crime and dissapointment is always my punishment"
~~~~~~~x
1.Expectation-mahirap talagang mag-expect.Narinig ko lang ito sa isang tao dati pero sinong magaakaala na makaka-relate pala ako sa sabi-sabi ng isang tao? Na hindi ko naman sinasadyang marinig? At kung sino man ang nagsabi nun.. thanks for him or her.. because I am hurt, now. Ikanga nila, never expect. Ako yung malawak ang pananaw sa buhay pero ako 'tong hindi maintindihan ang sarili. Bakit lahat ng sinasabi--or ina-advice ko sa ibang tao, hindi ko man lang magawa sa sarili ko? Hindi ko man lang ma-apply? Ganun na ba ako ka-tanga?Madaming tanong at madaming konklusyon ang nabubuo sa isipan ko. Na.. kanina ko pa tinatanong sa sarili ko pero.. hindi ko masagot. Talaga bang ang matatalino sa school ay pagdating sa buhay, tatanga-tanga? Talaga bang 'yung mga mahilig mag-advice sa isang taong namomroblema ay hindi marunong pagdating sa sarili nila?Sa tingin ko, mas madaling mag-solve sa math kaysa sa pag-iisip ng solusyon sa tunay na buhay. Sa tingin ko, madaling mag-aral kaysa sa pino-problema ko ngayon. Sa tingin ko, mas madaling gumawa ng gamot sa Ebola-virus kaysa iniisip ko.
2. Love. Pain. Life - Pinaka-mahirap na problema sa buong mundo. Walang excempted. Kahit ang pinakamasamang tao at ang pinaka-mabuting tao ay mararanasan 'to. Kahit ang mga mangmang at maging ang matatalino na kayang dumiskarte sa buhay ay madaanan 'to. Totoo ba talagang may 'true love'? Totoo ba 'yung ipinalaganap ng Disney na 'happily ever after'? Talaga bang ang makakabawi ng isang sumpa ay ang true love's kiss? Eh paano kung sabihin ko sa'yo na... pinabubulaanan ko lahat nang iyon? Na wala naman talagang true love? Na hindi naman uso ang happily ever after? Dahil imposible ang happily ever after. Kapag ba nagpakasal na kayo, masaya na kayo habangbuhay? Syempre hindi! May mga pagsubok pa din na dadating sa inyo. Wala naman talagang ending sa isang storya. Magpapatuloy pa din sila sa pamumuhay, sa pagsubok, sa mga problema. Kasi ang totoo, dito lang pinutol ang storya. Dahil wala naman talagang nobela na magtutuloy habangbuhay, hindi ba? Atsaka, umaasa pa ba kayo sa mga nobelang nahulog ang isang gwapo sa panget? Isang mayaman sa mahirap? Isang unrequited love na naging requited love? At higit sa lahat, ang first love na naging last love mo na din, na nagpakasal kayo. Huh! Imposible naman! Kalokohan! Bakit ba nila pinaasa ang mga readers or yung mga manonood pero in the real life, hindi naman talaga mangyayari sa kanila 'yun. Dahil in the first place, FICTION lang naman 'yun. Sabi nga sa wikipedia, 'In broader, everyday usage, fiction refers to any appearance, impression, or understanding that is imaginary or otherwise not strictly true.' Not true! Imaginary lang!
Bakit hindi na lang nila gawing kwento 'yung mga nangyayari sa totoong buhay na sa huli, masasaktan lang ang mga tao.3. Hope - One more thing, bakit ba paasa tayong mga tao? Bakit ba ginagawa nilang komplikado ang buhay nila when in fact, life is simple? Simpleng sagot lang naman pero bakit maraming nagkakamali sa buhay? Unang sagot, may ibang taong masasaktan. Ikalawa, takot sila na baka ma-reject sila kaya hindi na lang sila umaamin, there's no wrong in trying! Pangatlo, may mga tututol. Madami pa naman ang sagot pero hindi ko na sila ino-numerate pa. Bakit may taong pinaglalaruan ang damdamin ng tao? Hihiwalayin din naman ito. Katulad na lang sa ibang mga bagay, bakit mo pa bibilhin kung hindi mo naman gagamitin? Ganun din sa totoong buhay, bakit paiibigin mo kung hihiwalayan mo din? Bakit mo bubuntisin kung tatakbuhan mo lang? Bakit ka pa mangangako kung hindi mo din tutuparin? Kung hindi mo kayang tuparin ang pangako mo, huwag ka na lang magsalita. Kung wala kang paninidigan, huwag mong gawin. Hindi mo din pala maipaglaban.
4. Confession and Rejection - Katulad ng sinabi ko kanina, isa sa dahilan kung bakit nagiging komplikado ang buhay ng tao ay takot silang mag-confess at takot ma-reject. Confession, admitting, dito madaming natatakot. Natatakot silang mag-confess ng nararamdaman dahil dalawa lang naman ang pwedeng kahinatnan ng confession; ang layuan sila at ang mapalapit pa lalo sa kanila. Pero sa ibang kaso, madami ang nilalayuan. Kawawa ang mga tao. Tayong mga tao. Iisa lang din naman ang hinihingi nating mga tao, ang pagmamahal. Pagmamahal na nagpaparamdam na special ka, na hindi ka niya kayang mawala. Pero wala. Siguro nga, 'yung matatanda lang ang nakakaranas nun. Kasi naman, namuhay sila sa dati. 'Yung dating hindi pa uso 'yung adultery, 'yung affair at 'yung mga temptation.
BINABASA MO ANG
Blissful, Devestating Memory of Yesterday
Romance"Puppy Love." Naranasan niyo na ba 'yun? Ako, oo. Hanggang ngayon, siya pa din. Kelan nga ba ako makakahanap ng mapapansin ako? Napakahirap isipin na kapag tumitingin ka sakanya, tumitingin naman siya sa iba. At ngayon na nandito na siya. What will...