Chase POV
May gusto talaga akong sabihin sa kanya, pero iniwan niya ako sa classroom, wala na akong magawa kundi sundan siya, nakita naman ata niya ako na sumusunod sa kanya kaya binilisan niya paglakad niya, binilisan ko kaya naabutan ko siya sabay hawak ng mahigpit sa braso niya.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sabi niya. I won't, dadalhin kita kung saan ka nababagay at maiwan din. Gumaganti lang ako sayo Eunice Kim Salvador.
Dinala ko siya sa Garden ng school balita ko kasi, ayaw niya pumunta duon eh, kasi masyado daw maganda para sa kanya. Psh! Weird naman nun. "Teka! Bakit mo ba ako dinala dito?" Sabi niya. Para gumanti ng konti lang.
Binitawan ko siya, nakita ko mukha niya ng sobrang takot na takot kaya iniwas ko mukha ko sa kanya. Ganun ba talaga siya takot sa mga garden? Bakit ayaw niya ba dito? Magso-sorry nalang ako sa kanya....pero di ko kaya.
"Chase Aiden Hernandes" ayan nalang nasabi ko imbis na sorry, bakit tuwing magso-sorry ako laging nasasabi ko yung pangalan ko. "Huh? Ano sabi mo?" Sabi niya saakin. Wala na akong magawa kundi bangitin ulit yun at hindi sorry. "I said, Chase Aiden Hernandes......bingi nito" sabi ko at iniwan ko nalang siya duon sa garden malapit sa pinakamalaki na puno duon.
----------------
Pumasok na ako sa loob ng canteen, may umagaw ng attention ko, yung isang babae na mukhang sikat sa school. Nilapitan ko siya at pinaharap ko siya sa direksyon ko kasi nakatalikod siya kanina.
"Hi...." sabi ko mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko, ngumiti siya saakin tapos naghiyawan yung tatlong babae na kasama niya. "H-hi" sabi niya, halata naman na nagblush siya eh, sa sobrang puti niya mahahalata talaga yun.
"You look familiar, pero nakalimutan ko na kung sino siya" sabi ko sa kanya, tumingin siya sa mga kaibigan niya, lagi nilang sinasabi na go girl, fighting! Psh! Girls talk.
"A-ah...baka ako yung hinahanap mo" sabi niya....tsk! Hindi ikaw yun, magkamukha lang kayong dalawa. "Never mind, hindi ikaw yun" sabi ko sa kanya, wala kasi siyang nunal sa left side sa ibaba ng mata niya. Pero bakit si Eunice meron? Tsk! Hindi siya yun, hinding-hindi mangyayari na si Eunice ang hinahanap ko.
Eunice POV
Argh! Bakit niya ba ako iniwan dito sa garden? Alam naman niya na pinakaayaw ko na lugar ay garden.....tsk! Gaganti talaga ako sa lalaki na yun. Humanda ka saakin Chase Aiden Hernandes
Agad naman ako na umalis sa garden, kahit kailan, pinakaayaw ko ang garden.
[Throwback]
"Oreo, tignan mo oh" tinawag ako ni cookie papunta sa garden, favorite niya ata yung garden eh, lagi kaming bumibisita sa garden na malapit sa subdivision namin at isa pa, kay cookie din yun. Masyado talagang babae si cookie
"Bakit cookie?" Pinuntahan ko naman kung nasaan siya. "See this? Bagay na bagay sayo ito oreo" binigay niya saakin yung kulay green na bulaklak, sa lahat ng garden walang tumutubo na ganitong bulaklak, sadyang dito lang siya tumutubo.
"Weh? Tsaka, ngayon lang ako nakakita ng bulaklak na ganito eh" sabi ko sa kanya sabay na ngumiti siya. Alam niya na kulay green ang favorite ko. "Diba, sabi mo paborito mo yung kulay green? When we first met sa garden na ito, sabi mo gusto mo yung green ang kulay, but I can't find it, pero nung araw na nagbakasyon ka nakita ko siya...tumubo siya sa isang place na walang bulaklak na tumutubo dito sa garden" sabi niya saakin, aaminin ko naantok ako sa pinagsasabi niya, pero I'm sure I will have many memories na meron dito sa garden.
BINABASA MO ANG
Check Yes Juliet
FanfictionThis Story is gawa-gawa lamang kung may kaparehas man ako, di ko na kasalanan yun. ----------------------- A Girl who Lives with what she wants Deserves everything But she deserves love?