Page 4

21 1 0
                                    

Wala namang pasok ngayon eh, kaya maglalakad muna ako sa park malapit sa subdivision. Naghilamos na ako at nagsuot ng jacket, 6:00 palang kaya masarap yung hangin sa labas.

Dinala ko yung phone pati yung earphone, maganda kasi maglakad kapag may sounds, music is my life nga naman. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba, nakita ko si kuya na umiinom ng kape sa sofa habang nanunuod ng tv. Nilagpasan ko nalang siya.

"Good morning Eunice" sabi niya. Nakita niya ako? I rolled my eyes at bumati sa kanya. "Good morning" sabi ko nalang sa kanya, lalabas na sana ako ng pinto ng bigla siyang nagsalita.

"Taking for a walk?" Sabi niya at tumingin saakin. Ang laki ng eyebags ni kuya. "Yes....aalis na ako kuya" sabi ko sa kanya at ngumiti siya saakin sabay tingin ulit duon sa pinapanuod niya.

Pagkalabas ko palang ng bahay amoy na amoy ko na yung weather, sa tingin ko maganda ang araw ngayon. Naglakad na ako, marami din palang mga tao dito sa labas. Nakita ko si Mrs.Fei na nagwawalis sa labas ng bahay nila.

"Good morning po Mrs.Fei" sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya. "Good Morning din hija" sabi niya saakin at ngumiti siya, sabay balik ulit sa ginagawa niya. Si Mrs.Fei 67 years old na siya, matanda narin siya, kasama niya lang duon yung asawa at anak niya. Pero minsan lang umuwi sa bahay nila yung naka nila.

-----------

Nakarating na ako sa park, maganda yung daloy ng hangin, lumapit ako sa puno duon at umupo sa bench. Kinuha ko yung phone ko at nagpatugtog ng 'Check Yes Juliet' bakit ko kaya gusto yung kanta na to? Dahil ba sa past?

[Throwback]

"Check Yes Juliet are you with me? Rain is falling down on the side walk, I won't go until you come outside" naglalaro kami ni Cookie pero narinig ko siya na kinakanta niya yung 'Check Yes Juliet' ng We The Kings. Tumawa ako at nagpalakpak ng sobrang lakas, tumingin siya saakin.

"Bakit ka nagpalakpak oreo?" Tanong niya saakin. Lumapit ako sa kanya. "Kasi maganda yung kanta.....kahit umpisa palang" sabi ko at tumawa nalang kaming dalawa.

Lagi namin kinakanta yung 'Check Yes Juliet' kasi ang ganda, tsaka sa kanya ko rin nalaman at naririnig yung kanta eh. Marami kaming version nun kapag naglalakad kaming dalawa sa garden nila, may acoustic, rock, slow motion, kahit ano pa, nakakatuwa nga eh. Nakakatuwa dahil may kalaro ako, kahit wala na ang dad.

"Oh? Bakit ka malungkot oreo? Panget ba yung kinakanta ko? I'll change it" sabi niya saakin. "No..." sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya saakin at tinuloy niya yung kanta niya.

"Don't sell your heart, don't say we're not meant to be" pagka-kanta niya yun, tumigil siya at humarap saakin. "Forever we'll be....You and Me" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Ngumiti nalang ako sa kanya at humawak sa braso niya.

"Ang ganda talaga ng kanta na yun Cookie" sabi ko sa kanya at um-oo nalang siya saakin. Lagi kami naabot ng hapon sa garden, kasi malaki ito at malawak, lagi kami naglalaro paghapon dito, kaya gabi na kami nakakauwi.

Cookie.......sana were friends forever.

[End]

Hay~ it's been 5 years when cookie leaved me.....tsk! Nakakainis lang kasi hindi ko alam pangalan niya, call sign lang namin para secret -,- lupet talaga.

Tumayo na ako sa pagkaupo ko, nakakapagod dahil masakit sa pwet. Naglakad-lakad nalang ako para mas maganda na yun, ma exercise pa yung katawan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Check Yes JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon