-*-
LovEnemy 1
"Nakakabwiset na araw na naman!" Nakakainis.. Akala ko pa naman magiging 'normal' na araw to para sakin.
Hindi pala..
Ang ganda ganda ng mood ko pagkagising ko kaninang umaga eh..
Ang sarap sarap ng breakfast ko kanina..
Okay na okay yung pag-lalakad ko papuntang school kanina.
Akala ko walang susulpot na asungot sa buhay ko.
Yun pala, Pisteh sya to the 3523756938741392802 power! +___________+
"Bwiset ka talaga!" sigaw ko.
Pagkatapos kong ibalibag yung pinto ng classroom namin.
Lumabas na lang agad ako ng room para hindi ko makita yung asungot na yun =_____=
Ang aga-aga bwiset na agad eh. Tatanda ako agad sa konsumisyon ko kay asungot +_____+
Vivi! Tawag sakin ng bestfriend ko.
Tumigil ako sa paglalakad ng mabilis para maabutan nya ako.
"Oh? Good morning Ella..." bati ko sa kanya habang ang pakla ng mukha ko.
Hayaan mo na sya best.. Dadami lang puting buhok mo sa kaka-isip mo sa mokong na yun -Ella
"Bwiset kasi talaga best eh. Sa inaaraw-araw na lang na ginawa ng Diyos! Ako na lang palagi nyang nakikita!"
Eh baka naman may gusto din sa'yo yung tao kaya ka laging inaasar? -Ella
"Magugunaw na ang mundo kapag nangyari yan!"
The more you hate the more you love ^___^Y -Ella
Hindi ko na sya nasamaan ng tingin kasi kumaripas na sya ng takbo papuntang canteen +___+
Hayyyyyy.... Kelan ba mawawala 'yung asungot na yun sa buhay ko -______-
(the next day)
"Good Morning!" sigaw ko. Nasa may terrace ako sa labas ng kwarto ko. Nasa 2nd floor kasi 'to ng bahay namin.
Good morning din! sigaw ng pamilyar na nakakairitang boses na nanggagaling sa kabilang bahay.
Unfortunately, magkapit-bahay lang kami ng kinaiinisan 'kong asungot sa mundo -________-
Pumasok na ako ng kwarto ko bago ko pa maibato yung upuang nasa kanan ko.
Maya-maya bumaba na ako para makapag-almusal dahil may pasok na naman mamaya.
Napasimangot ako nang makita kong nakaupo sa lamesa si asungot.
Bwiset! Bakit ba kasi feel at home tong asungot na to samen? +____+
Palibhasa kasi magkumare yung mga magulang namin. tsk!
Hayyyy kapag minamalas ka nga naman >___<
Hindi ko na pinansin ang pagbati nya sakin.
Iba kasi dating eh, NANG-AASAR -____-
"Ma pasok na po ako, may flag ceremony po kasi ngayon"
Eh patapos na din 'tong si Jonathan, sabay na kayo - mom
Hihirit pa sana ako, kaso tumayo na sya at nagpasalamat sa pagkain.
Hmp! PG talaga to! May bahay sila, hindi pa doon kumakain >__<
BINABASA MO ANG
☆ L o v E n e m y ☆
Teen FictionAso't pusa silang dalawa sa inaaraw-araw na lang. That's why inis na inis si Vivi sa alaskador nyang kapit-bahay-slash-classmate-kababatang si Nathan. Bwiset na bwiset sya dito hindi lang dahil madalas syang alaskahin nito, kundi dahil hindi man lan...