LovEnemy three

24 1 0
                                    

LovEnemy 3

Pagpasok ko sa bahay i-aakyat ko na sana yung mga bitbit ni Jonathan pero ayaw nyang bitawan.

"Ano na naman ba?"

Sya ba bumili ng lahat ng to? -Jonathan

"Eh ano bang pake mo? Usisero ka na ngayon?"

Tss. Nagtatanong lang eh.. -Jonathan sabay pout ng lips

"Ang cuteeeeeeee." naisatinig ko. Patay =_____=

Ko? -Jonathan

"Ni Ark, wag kang feeling! Sige akyat na ako. Sa kwarto ka na ni Victor matulog" pero pinigilan pa din ako ni asungot.

Hindi mo man lang ba ako papakainin ng dinner? Hinintay pa naman kita sa malamok nyong garden -Jonathan.

"Eh sino ba kasing may sabing sa labas ka maghantay? Psh!"

Syempre! Gusto kong makita yung naka-date mo... at isa pa baka kung san-san ka dalhin nun -Jonathan

"Hoy nakakapanibago ka ha! Mas okay na inaasar mo ako kesa naman pinapakealaman mo yung private life ko"

Psh! Kinikilig ka naman sa Ark na 'yun? -Jonathan

"Oo! Masaya ka na? Nakaka star struck yung ka-charmingan nya! Ano bang gusto mong pagkain? Ipagluluto na kita.."

Ako na lang.. Umakyat ka na.. -Jonathan

"Ano ba talagang trip mo? Hindi kita ma-gets!" frustrated kong sabi sa kanya

Ikaw -Jonathan

Pagkasabi nya nun biglang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Damang dama ko ang pamumula ng pisngi ko.

Pati na din ang malakas na kabog ng dibdib ko.. Tama ba ang rinig ko? >///<

Panaginip lang ba to? Waaaa. Ayoko nang magising >___<

Pero oo nga, panaginip lang lahat kasi inasar na naman nya ako -___-

Naniwala ka naman? Pft! Hahahaha -Jonathan

"Bwisetttttttttttttttttttttttttttttt!" sabay pinag-sisipa ko sya. Asar +____+

Hahaha! At 'yang istura mo, kala mo naman ang ganda ganda mo na? -Jonathan

"Argh!!!!!!! Magluto ka mag-isa mo! Bye!"

Pabalibag kong inilapag yung mga pinamili namin kanina ni Ella. Pabagsag naman akong humiga sa kama.

Haaaaaaaaaaaaaa! Sabi ko na nga ba eh.. Hindi man lang nya maapreciate yung make over ko..

Para sa kanya 'to eh </3 Bat ba ganoon sya sakin <//3 Wala naman akong matandaang ginawang bad sa kanya <///3

Hayyyy. Tumayo na ako at naglinis ng katawan.

Humiga ulit ako sa kama at inabot ang cellphone ko..

Nagpatugtog ng mga heartbreak songs. Ang emo ko na naman. (///_-)

Ilang oras akong nagpagulong-gulong sa kama pero hindi pa din ako makatulog.

Pagtingin ko sa orasan 12 am na.

"Makababa nga sa kusina." Hindi ako takot sa multo, alam ko namang walang ganoon sa bahay namin.

At isa pa, mas takot ako kay Jonathan. At sa mga masasakit na salitang pwedeng lumabas galing mismo sa bibig nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

☆ L o v E n e m y ☆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon