Synopsis

1 0 0
                                    

Nandito ako, nakaupo sa dati naming tagpuan.
Hindi ko na alam kung pang ilang beses na niya akong iniwan, hindi ko na mabilang kung pang ilan ngayon. All I'm thinking is that, everytime he goes, he always comes back. Minsan natatanong ko, "Why does he need to always leave me?" pero naisip ko, baka hindi pa namin oras; you know just like what they say –right love at the wrong time?

I chuckled in my thoughts, was that it or am I just giving him the benefit of the doubt? Na ang totoo palagi niya akong iniiwan kasi hindi niya ako mahal, palagi niya akong binabalikan kasi alam niya, na andito ako laging nakaabang sa kanya.

I wiped my tears, minsan napapagod ako. Kadalasan naghahanap ako ng dahilan para hindi mapagod, para hindi bumitaw. It led me here, in this cold place, in our once warm place.

Napatingin ako sa relos ko. It says 9:45pm, I smiled. I waited, kanina pa ako dito magtatatlong oras na, kahit alam ko kung anong oras siyang dumadating pag nag HaHAUL siya tinry ko pading agahan. Siguro sa excitement? After a year magkikita na ulit kami.

"Darating ka diba babe?" I whispered to myself. Darating naman siya diba? Napatingin ako sa buwan.

"Buti ka pa, malayo ka nga pero nasisinagan mo parin siya. Ako heto, malayo pero kahit amoy niya hindi ko manlang masinghot."

I sighed 9:55pm —5 minutes nalang babe, darating ka ba?

I fixed myself, dapat hindi niya ako makitang miserable, kahit miserable naman talaga ang buhay ko. I wiped my tears, fixed my jacket and huged myself, ang lamig lamig na 'Ber' months na naman kasi.

9:59pm —I closed my eyes and waited for his return...

10:00pm

11:15pm

12:00am

But this time, he didn't came back. For the first time, hindi niya ako binalikan. I shook my head and smiled to the moon.

"I guess he's gone now huh?"

"Just like the Blue Moon." I closed my eyes as a lone tear made its way down to my face.

Blue MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon