CHAPTER 2

344 25 40
                                    

Dariel Davis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dariel Davis

NARITO na ako ngayon sa harapan ng gate ng aking eskwelahan. Kanina pa ako nakatayo dito dahil napupuno ako ng kaba, pero kailangan ko lakasan ang loob ko na harapin siya.

Bago pa man ako makahakbang papasok ng gate ay may lumapit sa aking estudyante, babae siya, pero kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa may katungkulan sa student council.

Ngunit kita ko sa kaniyang mga mata ang pagod at takot papalapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay yumuko siya upang magbigay galang sa akin, saka nagsalita.

"S-sir D-dariel." tila naiiyak na pag-uumpisa niya, napakunot ang noo ko.

"Dariel nalang po parehas lang naman po tayong estudyante, may problema po ba?" tugon ko sa kaniya, napaangat ang tingin niya sa akin. Kita ko ang pangingilid ng kaniyang mga luha.

"T-tulungan niyo po k-kami alam k-ko po na i-ikaw n-nalang po a-ang pag-asa n-namin." garalgal na sambit niya at may ilang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mga mata. Naawa ako sa kaniya.

"Ano po ba ang nangyayari hindi ko po maintindihan?" tanong ko ulit sa kaniya dahil nagtataka ako kung bakit ganito siya.

"Halika ka po, doon po tayo sa may upuan, halata po ang pagod mo." pahabol ko pang sabi saka siya inaya na maupo, tumalima naman siya.

Pagka-upo namin ay nanatili siyang nakayuko at kita ko ang mga luha niyang nagbabagsakan sa kaniyang kandungan. Binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang panyo ko tapos inabot ko sa kaniya tumingin siya sa akin, sa una ay nag-aalinlangan siya pero binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Salamat po Si-- Dariel, sobrang bait mo po." pagpapasalamat niya habang pinupunasan ang kanoyang mga luha.

"Ano po ba ang maitutulong ko sa iyo?" tanong ko sa kaniya.

"Huwag kana po sana ulit mawawala ng matagal Dariel." tugon ng babae sa akin kaya nagunot ang noo ko sa pagtataka.

"Simula po noong di ka po pumasok, ang dami po nangyari dito sa loob ng Unversity." pagpapatuloy niya kaya nakinig lamang ako.

"Lagi po mainit ang ulo ni Mr. Constance at galit na galit po siya, unting mali lang po namin ay pinaparusahan niya po kami." nagulat ako sa kaniyang mga sinabi, alam ko na hindi biro magparusa si Connor.

"Ang dami pong estudyante ang binubugbog niya ng walang dahilan, tapos kaming student council ay di niya po pinapauwi halos 24/7 niya po kaming pinagtratrabaho ng kung ano-ano po." paliwanag niya, dumadaloy ang masaganang luha mula sa kaniyang mata.

"Isang linggo na po kaming hindi nakakauwi sa sari-sarili po naming mga bahay dahil paparusahan po kami kapag umuwi at lumabag po kami kay Mr. Constance." umiiyak na pagpapatuloy niya kaya naawa ako sa kalagayan niya.

"Kaya nung nakita po kita kanina ay nilapitan po kita kaagad upang makahingi po sana ng tulong, alam ko po ikaw lang po ang makakatulong sa amin." makahulugang sabi niya sa akin.

"Sige po gagawin ko po ang makakaya ko para po matulungan kayo, kakausapin ko po si Connor." sambit ko sa kaniya, kita ko ang galak sa kaniyang mga mata.

"Maraming salamat po talaga Dariel, alam ko po labis-labis po ang hinihingi ko sayo pero wala na po akong choice kundi ang humingi po ng tulong sayo." lintaya niya.

"Wala po iyon, sana nga po makinig si Connor sa akin." usal ko sa huling sinabi ko pero sapat na upang madinig niya.

"Opo al---" hindi niya pa natatapos ang kaniyang sasabihin ng biglang may humatak sa akin patayo kaya napasubsob ako sa dibdib ng taong may hawak sa akin.

"Ano ba bi--" di ko pa natatapos ang aking sasabitin nang marinig ko ang baritonong boses na isang linggo ko din hindi naririnig.

"Bakit naman kita bibitawan ha." usal niya sa akin, napatingala ako sa kaniya at kita ko ang seryuso niyang mukha.

"Connor." usal ko kaya nginisihan niya lamang ako.

"Yes it's me, the one and only Connor Constance, little kitten." bulong niya sa aking tenga, kinilabutan ako sa pagdampi ng kaniyang hininga.

"Kunin niyo ang babae na iyan, alam niyo na gagawin sa kaniya." utos ni Connor sa kaniyang mga kasamang tauhan niya.

Hinatak na din ako ni Connor papa-alis sa kinauupuan ko kanina. Na-alarma ako dahil hawak ng dalawang lalaki yung babae na kausap ko.

"Connor pakawalan mo yung babae, wala naman siyang ginawang masama." sabi ko kaya Connor sabay pigil sa kaniyang mga braso.

"Hindi ko naman siya binigyan ng permission para kausapin ka, lumabag siya kaya tanggapin niya ang parusa niya." galit na tugon niya sa akin, papano ito kaya nakaisip ako ng paraan.

"Hindi siya ang lumapit sa akin, ako mismo ang nakipag-usap, ako nalang parusahan mo, please Connor wala siyang kasalanan." pagmamakaawa ko sa kaniya, tumingin ako ng diretso sa kaniyang mata. Nangingilid na ang aking mga luha.

Tinignan niya akong mabuti parang kinikilatis niya kung totoo ba ang sinasabi ko. Mukhang di siya kumbinsido kaya tinawag niya ang mga tauhan niya para ilapit yung babae sa amin.

"Totoo ba ang sinabi ni Dariel na siya ang lumapit sayo para kausapin ka ha?" tanong ni Connor sa babae, kita ko ang takot sa kaniyang mata. Sinenyasan ko ang babae na sabihin niyang oo, pero ayaw niya sana kaso tinignan ko siya ng may pagmamakaawa.

"A-ah O-opo M-mr. C-constance t-totoo p-po." garalgal at utal na sambit ng babae, nginitian ko siya pero ang mga mata niya ay awa at takot ang aking nakikita.

Tumahimik si Connor na parang tinitimbang niya kung totoo nga ba ang aming sinasabi sa kaniya. Maya-maya pa ay nagsalita na si Connor.

"Sige pakawalan niyo siya, ayaw ko nang makikita pang muli ang pagmumukha mo sa paaralan ko." sabi ni Connor sa babae, pipigilan ko sana si Connor nang makita kung umiling-iling ang babae sa may gawi ko.

"O-opo Mr. Constance." tugon ng babae, hinila na ako ni Connor papunta sa penthouse niya o kung saan man niya ako gustong dalhin.

Nagpaubaya na lamang ako dahil wala din akong laban. Saka nais ko din siyang makausap pero hindi ko alam kung makakausap ko ba siya ng maayos ngayon dahil ramdam ko ang mabigat na aura niya.

______________________________________
What's up po mga kaungol😊 Narito nanaman po si author palipat-lipat po. Sinusulat ko po kasi agad kapag may pumapasok na scene sa isip ko po, masiyado po kasi akong makakalimutin😅Sana po magustuhan niyo. Maraming salamat po. Enjoy reading po mga kaungol.

📍Plagiarism is a crime
Please vote and follow💕
@Jayjaymoan😻

La Bestia [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon