Euri's Pov.
"Oppa, Unnie, Saan kayo galing?"
"Kumuha lang ng ilang gamit ni Mokz sa bahay nila. Ang aga ata ng uwi mo ngayon?"
"Uhm..may meeting yung teacher ko sa A.p eh " Napatango nalang ako.
"Nagmerienda kana ba?"
"Hindi pa." Anya. "Oppa okay kana ba?" Baling nito kay Mokz tsaka siya tumingkayad para salatin ang noo ni Mokz. "Ang init mo pa din"
"Okay na ako hyungsu.. Lagnat laki lang naman to eh." Nakangiting sabi ni Mokz..haisst monggoloid talaga!
Napangiti tuloy ako."bogosipeosseo oppa!" I missed you. Nag-alala kami ng sobra sayo ng hindi ka nagparamdam sa amin ng ilang araw akala ko kung napaano kana."
"I know. I'm sorry hyungso."
"OK lang, ang importante ay nandito kana tsaka basta pagaling kana oppa. Alam mo bang ilang gabi ng napupuyat si unnie ng dahil sayo?" Napairap ako.
Tss! kahit kailan talaga tong si Eula ang daldal. Nilingon ako ni Mokz at halos matunaw ako sa paraan ng pagtitig niya.
"arayo" I know. Anya, habang nakatingin sa akin.
"Sorry ulit Mine."
"Tss! Stop saying sorry. Just don't do it again.. Ara?"
"yaksokhabnida" I promise. Aniyang itinaas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"Good. Wait lang ah, prepare lang ako ng merienda naten"
"Ako nalang unnie" Sabi ni Eula sabay tayo. "Tatawagin ko nalang kayo pag ready na" sabi pa niya bago kami iniwan.
"Sumasakit na naman ba ang ulo mo?" Baling ko kay Mokz ng maramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa balikat ko. He sighed.
"Hindi.."
"Mabuti naman.'' Nasabi ko nalang. Wala kasi akong maisip na sabihin sa kanya, parang pakiramdam ko nasabi ko na lahat sa kanya.
Ang tigas naman kasi ng ulo nitong mongoloid na 'to ayaw padala sa hospital.
"Amh..Mokz, can I ask you something?" Tumango siya.
"Uhm..mwoeyo?" What is it?
"Bakit ayaw mong pumunta ng hospital?"
"I just hate that place."
"Why?" He looked and stare at me for a while before talking again. "Because that place ruined my family." He said without emotion.
"Huh?" Muli niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"When I was a kid.. sobrang sakitin ko and that place served as my 2nd home. Pero dahil sa tagal kong nanatili sa lugar na 'yun—my Dad had an affair with my personal nurse. Since then, gumulo na ang pamilya ko" Dama ko ang bigat sa dibdib at lungkot sa boses niya.
"I'm sorry to hear that, pero Mokz wala naman kasalanan yung hospital d'un eh. Hindi naman yun— yung hospital na pupuntahan naten. Sa ibang hospital tayo."
"I know but still I hate that place. Kahit saang hospital pa yan, basta hospital ayaw ko. " Seryoso niyang sabi. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Mine, believe me. Hindi ko kailangan pumunta sa lugar na 'yun—" Gulat at natitigilan siyang napatitig sa akin. Pinitik ko kasi yung ilong niya. Hahah! ang cute lang namula kasi agad yung tungki ng ilong niya.
YOU ARE READING
My Instant Boyfriend
RomanceWhat will you do if someone you don't even know, ask you to be 'his mine' on your first meeting? Will you accept him or ignore him? What if he chased after you? #enjoyREADING @UniqueToh826 #MIB STARTED 082517(20/09/01)