Chapter 1. Can I call you 'mine'?

420 135 92
                                    

Euri Mendez
Just now...

" Life is full of choices. It's your choice if you want to be happy or sad. It's your choice to do what's right or wrong. It's your choice to be loved by someone and to love.

Question is?

In which team you belong?

The one who, always choose or the one who always go with the flow no matter what it takes?"


"Hello everyone! My name is Euri Pelaez Mendez,  19 years old, living with my younger sister Eula. I'm tall, white, mediyo chinkee eyes, adik sa color blue but not that much super lang! Haha! lahat ng may kulay blue lalagyan ko na ng Mark ko. "Property of Ms. Euri Mendez" see.. kaya nga feel na feel ko ang Facebook eh, may blue kasi.


Anyways, simple lang naman ang pamilya ko hindi kami mayaman at hindi rin naman mahirap, sakto lang. Some of my friends said I look like korean, well, maybe because of my appearance.


"Annyeong haseyo!" feel na feel ko naman but honestly pure filipino ako sa isip, salita at gawa. Mendez nga di ba, though I think my surname originates in   spain.


"Eula, Gumising kana at baka malate ka pa" naka-pikit ang isang mata na sinulyapan niya ako.


"Unnie naman inaantok pa ako e" nagrereklamo niyang ani. Napangiti ako. My lil' sister looks cute.


"Gusto mo bang hilahin pa kita papuntang kusina? O mas maganda siguro kong hindi ko na bilhin yung bag na gustong-gusto mo" Mas lumpad pa ang ngiti ko ng bigla nalang siyang bumangon at naglakad palabas ng kwarto niya.



"Sabi ko nga tatayo na ako eh " ani niya na nagtuloy sa kusina.
Napa-iling nalang ko. She's already 2nd year college student but always acting like in grade school.


"Ate may pasok ka ba ngayon sa shop?" aniya na ang tinutukoy ay ang Coffee-cake shop kung saan ako nagta-trabaho.



"Oo, wae?" Why?


" Wala lang, natanong ko lang " balewala niyang sagot tsaka nagsimula ng kumain. Napa-iling nalang ako.


"Ah Unnie!"


"Waeyo?"


"Kailan naten bibilhin yung bag?"



"Basta, just wait, finish your food at ng makaligo kana."



"Unnie naman!" Nakasimangot niyang sabi. Nginitian ko lang siya.
"Baka maubusan tayo ng stock. " Nakanguso pa niyang sabi,
if I know nagpapa-awa lang siya.
Well, nabili ko na naman yung gusto niyang bag, nag-eenjoy lang talaga ako sa pangungulit niya.



"Hindi mauubos yun, I'll go ahead na at baka malate pa ako magreklamo na naman si Jade.  Wag kang magpapa-late okay." Tumango lang siya. I kissed her head tsaka ko siya iniwan sa kusina para pumasok sa trabaho. 30 minuto din ang itinatagal ng byahe mula sa shop papunta ng shop at umaabot yun ng 45minutes to 1 hour depende sa traffic.



Napahigit ako ng hangin ng makababa ako sa jeep na sinakyan ko at maramdaman ang lamig ng hangin tanda na malapit na ang pasko.



"Goodmorning Euri!" Jade greeted me as I enter the shop.



"Goodmorning din!"



"Grabe lamig ngayon noh, para nga akong naninigas kanina eh, buti nalang gwapo at mabango yung katabi ko sa jeep, ayun pasimple akong sumasandal!" kinikilig niyang sabi. Napailing nalang ako. pazaway talaga.


My Instant BoyfriendWhere stories live. Discover now