Kabanata 1

16 1 0
                                    

"Agos Bethania! Asikasuhin mo na ang mga kwarto at linisin. Maraming customer ang darating ngayon dahil bakasyon na!" sigaw ni tita Melen.

Nagmamadali akong tumayo, at sinimulang linisin ang mga notebook at papel na nagkalat sa lapag.

"Hoy, Agos! Ano ba? Bilisan mo, baka ako pa mautausan ni Mommy niyan!" si Marivic, pinsan ko habang na ka pameywang at umirap.

"O-oo sandali," nagmamadali kong sabi.

Nang makalabas, ginawa ko na ang mga dapat gawin. Simula pagtilaok ng manok sa umaga, hindi ito ang unang beses na nilinis ko ang bawat sulok ng bahay. Nagluluto rin ako at inaasikaso ang pag-aaral ko pag may pagkakataon.

Pero dahil bakasyon na, mas maraming dadaan mga turista ngayon dito sa Baler, at maraming pagkakataon para makapag turo sa mga turista.

Nasisiyahan akong naglilinis, sa isiping makakapag turo ako sa mga ito. Part-timer ako bilang surf mentor sa Danilo surf Camp. Pag-aari ito ni Mang Danny na naging kaibigan ni Papa simula pagkabata ko.

"Oh, ito dalhin mo sa kwarto sa itaas. Ayusin mo at baka malaglag ha." si ate Mia, nakakatandang ate ni Marivic na pinsan ko rin.

Sa kanilang magkapatid, si ate Mia ang pinaka ka sundo ko. Ewan ko kung bakit ayaw sa akin ni Marivic. Hinahayaan ko na lang siya kapag sinusungitan ako. Ayaw ko kasi ng gulo.

Isa pa, kaedaran ko rin siya. Kaya siguro ganoon na talaga pakikitungo niya.

"Ate Mia, ano po--" nahihiya akong tumungo.

Marahang tumawa ito. "Sus! Nahiya ka pa, sige na. Ako na magbabantay sa front desk dito sa apartment ni Mommy. Basta, pahingi ng shell ha," bulong niya sa akin at kumindat.

Tuwang tuwa akong nagpasalamat sa kanya, at inakyat ang mga kumot na hinabilin niya sa akin, para ilagay sa bawat kwarto sa itaas. Ito ang business nila tita Melen, nagtayo sila ng apartment dito sa Baler, malapit sa dagat para mas makita ng mga tao.

Kaunting lakad lang naman at mapapansin na ito. Hindi naman ito magara pero sapat na para makatuloy ang mga tao na gustong mag bakasyon dito pansamantala.

Nang malagay ko ang mga kumot sa bawat kwarto. Tuwang tuwa akong bumalik sa kwarto ko kung saan nakalagay ang Surf board na si Papa mismo ang gumawa.

Simple lang ito pero masasabi kong malaking pakinabang sa akin. Mapait akong napangiti nang haplusin ko ito.

Ang bawat pyesa nito, at ala-ala na sa tingin ko binuo ni papa para ibigay sa isang katulad ko na iyakin noong bata pa. Mapait akong ngumiti.

Naka ukit ang pangalan ko sa taas at may logo sa ibabaw na shell. Hinaplos ko rin ito at hindi napigilan yakapin.

Pakiramdam ko ito ang sandigan ko sa lahat ng bagay na sa tingin ko handang nandiyan sa oras na kailangan ko ng tulong.

Pero kung papapiliin ako, mas gugustuhin ko pang mawala ang surf board na ito, kapalit ng buhay ng papa ko. Pero, kapag nawala na ang isang tao. Tapos na ang lahat, kung ano ang wakas ito na ang wakas.

Naramdaman kong may tumulong luha sa pisngi ko. Natawa ako ng bahagya. Ano ba naman, ang iyakin ko pa rin pala.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at lumabas na ng bahay dala ang surf board. Dahan-dahan pa ang bawat hakbang ko para hindi makita ni tita Melen. Dahil kapag nakita 'ko nito siguradong uutusan niya ako, hanggang matapos ang araw.

Tinakbo ko ang labas, hanggang makarating ako sa dagat. Hindi na ako nag abalang mag tsinelas pa, kasi mas gusto ko ang pakiramdam ng tumatama sa balat ko ang magaspang at nakakakiliting buhangin sa paa ko.

Strike of the wild waves ( Province #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon