Simula

23 2 6
                                    

"Ladies and gentleman, we have just landed. Philippine Airlines, welcomes you to Manila. The time now for your convenience is exactly 8 in the morning, please remain seated as you securely fastened your seatbelts. On behalf of your flight crew headed by captain Marquez—"

"Mom, who's talking? I can't see anyone?" Crist said my child as we about to landed on Airport.

Nginitian ko ito ng matamis. "Baby, it's the flight attendant," at pisil sa mapula niyang pisngi.

"Mom, I'm not a baby anymore," nakanguso niyang sabi at umasim ang mukha.

"Fine, but at least let me call you baby. Please..." nakapalumbaba kong sabi dito. Nagpapaawa.

Nakanguso na ang labi niya dahil sa pinipigil na tawa. Pero hindi tumagal bumigay rin ito at hinalikan ako sa labi. "Okay, mom."

Nang makababa sa airport, nagmamadali kong tinakpan ang sarili ng isang panyo. "Crist baby, don't let go of my hand okay?"

Tumango lang ito ng bahagya at nakatingin sa paligid. I won't blame him. Ngayon lang ito naka punta ng pilipinas. Marami itong hindi alam at bago pa lang sa nakikita. Masyado ko ata siyang nakulong sa mundo ko.

Hinaplos ko ang maliit niyang mukha at ngumiti. I'm so sorry baby. Bulong ko sa sarili.

"Mom, where's your wig?" kunot noong tanong niya sa akin.

"Oh, here." turo ko sa shoulder bag. "Let's go baby," at marahang hatak sa kanya.

Nang makarating sa tapat ng banyo, ipapasok ko na sana siya loob nang binitiwan niya ang kamay ko.

"Mom, I'm a man. It's inappropriate coming in there." pag papaalala at tutol niya sa akin.

Mahina akong natawa. Talagang pinanindigan na nito na isa na siyang binata. Napailing ako at hinalikan ang pisngi niya. "Okay, be a good boy hmm, don't go anywhere, make sure that---"

"I have your number, and my phone is with me. And ask the guard for information when I get lost," pag putol niya sa maliit na boses. "See mom, I already know," nakanguso niyang sabi.

Hinatak ko ang nguso nito. Dahilan para sumimangot siya. Walang pinagka iba sa ama. Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin ko sa akin niya lahat nakuha ang lahat.

Napaka unfair. Ako ang nagdala ng siyam na buwan, ako ang nagka roon ng morning sickness at naglihi. Tapos ni isa walang nakuha sa akin? Ibalik ko na lang kaya sa tiyan ang anak ko.

"Mom?" pag tawag niya sa akin.

"Yeah?" nakangiti ko pa ring sabi.

"You're smiling like an idiot," kamot niya sa ulo.

"Don't say bad words," mahina kong palo sa bibig niya.

Hinawakan naman niya ang bibig at tinapik din.

"Okay, but we're late. Tita Mavi is waiting for us." at tinulak ako papasok ng banyo.

Natatawa naman akong nagpatulak sa kanya. Inilabas ko ang short blonde wig sa bag ko at sinumulang suotin. Hindi naman ito ang una at huling nag suot ako ng wig. Kailangan ko ito lalo na para sa privacy ko.

And besides, my baby Crist might get harm, especially on the Internet. Ayoko na pati siya madamay sa mga social media sites na puro pangalan ko ang lumalabas. Tama na yung dinala at pumasok siya sa mundo ko bilang isang anak at ina niya.

Habang tinitignan ko ang sarili sa salamin, malayo na ang batang iyakin kung para sa noon. I was just sixteen back then. Marami akong bagay na hindi alam. Hindi ako masyadong mulat sa tunay na mundo.

Strike of the wild waves ( Province #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon