[HTBHG] Chapter 3

204 11 2
                                    

Walang time po si author mag-edit so pagpasensyahan niyo neleng okay? XD

~*~

Reinne's POV

Nakarating ako sa room at iniisip parin kung anong gagawin ko para ma-aproach si... Ano nga bang pangalan nun? Ang natandaan ko lang ay yung apelyido niya, Olivarez. Pano bang diskarte gagawin ko para maitanong 'tong mga questions na 'to. Wait ano bang mga questions yung nakasulat dito?

Questions:

1. Sino ang unang iyong unang naging girlfriend?

2. Nakailang girlfriend kana?

3. Sino ang pinaka maganda sakanilang lahat?

4. Ano ang katangian na hinahanap mo sa isang babae?

5. May nagpaibig na ba sayo ng grabe?

6. Ano ang ayaw mo sa isang babae?

7. Ano ang bagay na nakakapagpa-turn off sayo sa isang babae?

8. Ang isang simple, di kagandahan at hindi mayamang babae ba ay may pag-asang ibigin mo?

9. Paano nga ba maging girlfriend mo?

10. Maaari mo bang sabihin kung sino ang babaeng tinitibok ng puso mo?

Deput*ng mga tanong na yan.. -.- Mukhang di ko maitatanong yan!!!! Lalo na dun sa tipo ng tao na katulad ni Mr.Olivarez, Ay nako! Malabo yan...

"Huuy!" 

"Ay anak ng tokwa!" Sigaw ko nung bigla akong gulatin ni Camille.

"Tulala ka jan?" Tanong niya habang nilalapag yung notebook niya sa desk at akmang uupo sa tabi ko. "Umalis na kaya yung teacher. Breaktime na girl! Ano? Walang balak mag tanghalian?"

"Breaktime na ba? Sorry naman. May iniisip kasi ako eh. Psssh!" Sigaw ko. Okay lang wala namang teacher eh. Akalain mo yun ang tagal ko palang nag-iisip tungkol dun sa project HTBHG na yan -.- Breaktime na agad?

"Sus. Sino ba yang iniisip mo? Si papa Neo? Yiie! Kaw ha?" Sabi niya sabay kiliti sakin.

"Hindi ah. Hindi siya. Ah tara na mag breaktime gutom na din ako eh

At dumiretso na nga kami sa canteen. At ang dami ngang tao. -.- Uyyy... Naaamoy ko yung beef. Sht. Nakakagutom. T_T

"Ano bibilin natin?" Tanong ni Camille.

"Kahit ano, basta mura." Sagot ko. Ang mahal kasi nung tapsilog nila eh -____- 100 pesos per plate. Seriously? 

"Sige ako na oorder. Hanap ka na ng upuan natin."

At agad akong humanap ng upuan... Putspa, parang wala na. 

"Ayun!" Sabi ko nung makahanap ako ng upuan na medyo tago, sa likod ng pinto eh. At umupo na agad ako.

At dumating na si Camille, May dalang... What the? Tapsilog? Seriously? 

"Ohh! Bakit tapsilog yung binili mo? Magkano lang yung pera na binigay ko sayo eh." Gulat na sabi ko.

"Yeah yeah. Dinagdagan ko nalang. Alam kong favorite mo 'tong tapsilog noh!" Nakangiting sabi niya. Iba talaga pag rich kid eh. :> Grabe talaga.. 

At kumain na kami... At maya-maya sa paglingon ko ay nahagip ng mata ko si Neo... O_O 

"Jusmeyo marimarrr!!! Camille! Si Neo!~" Kinikilig na sabi ko.

"Asan-asan?" Tanong niya. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit nasa sulok siya nakaupo at kumakain magisa, Kaharap na table lang namin siya.

"Bakit mag-isa lang siya?" Tanong ko.

"Edi samahan mo! Saka nagtataka ka pa! Wala namang mga kaibigan yan. Super tahimik at hindi sociable niyan." Sabi ni Camille habang nakatinggin kami sakanya.

"Kaibiganin kaya natin? Saka ang gwapo-gwapo niya tapos loner lang siya? Iba talaga siya sa mga gwapong lalaki dito sa school. Kaya naman patay na patay ako sakanya eh.. Hihi!" Sabi ko at ngumiti. Since elementary crush na crush ko yan. Lagi ko siyang nakikita na tahimik lang.

"Asus! Ang mga tahimik nasa loob ang kulo niyan. -.- Pustahan tayo may tinatagong sama ng ugali yan sa katawan noh!"

"Ikaw talaga. Naku ka!" Sabi ko sabay dinuro siya gamit ang tinidor ko.

"Hi! Pwedeng makiupo?" Tanong nung babae na huminto sa harap namin.

At tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Putspa, ang ganda! *O* Jusmeyo! Ang kinis naman nito. Mukhang barbie eh.

"A-ah sige!" Sagot namin ni Camille.

"Sorry ha! Baka naistorbo ko pa yung pag-uusap niyo. Wala na kasi akong mahanap na upuan eh. Eh mukha naman kayong mabait na dalawa kaya dito nalang ako nakiupo. And ako nga pala si Stephanie Lim. Pero pwede niyo naman akong tawaging Steph. Eh kayo?" Grabe, ang daldal niya :3 Magand na sana eh.

"Ah.. Eh ako nga pala si Reinne Laurice Barredo." Sabi ko at ngumiti sakanya na medyo may pagkaawkward.

"And I'm Camille Mallari." Sabi naman ni Camille.

"So bago ka lang dito sa school?" Tanong ko.

"Ah yeah. And wait pwede ko bang matanong kung sino si Andriel Olivarez?" Tanong niya. Sino nga ba yun? Yung Olivarez narinig ko na eh. 'Di kaya yun yung lalaking iinterview-hin ko?

"Ah... Sorry di namin kilala eh. Bakit mo natanong?" Sabi ni Camille.

"Kasi nakukwento siya ng cousin ko na dito nag-aaral. And he's cute daw and so cool. So nagtransfer ako dito to see him. Sana totoo nga na gwapo siya." Sabi niya at ngumiti.

"Ah ganun ba? Okay sige kailangan na namin umalis. Bye!" Sabi ko.

"Oh... Okay! See you!" Sabi niya.

At nag-usap kami ni Camille habang nasa daan pabalik sa classroom.

"Medyo weirdo yung babaeng yun grabe. Nagtransfer siya dito para lang makita yung kung sino mang nilalang yung gusto niyang makita?" 

"Kaya nga eh. Pero maganda siya ha!" Sabi ni Camille. "Oh wait punta muna tayo ng c.r.

At pumunta na nga kami ni Camille sa c.r. Ay siya lang pala. At nagpaiwan ako sa labas... 

"Pano kayang gagawin ko? Pano ko kaya itatanong dun kay Mr. Olivarez yung mga wierd na tanong na yun?" Sabi ko sa sarili ko.

"Uhm.. Ehem... Mr. Olivarez, Can i ask some questions? Yuuk! Ampanget eh.. Wait ganito. Uhm Mr. Olivarez pwede po ba akong magtanong sayo ng ilang mga katanungan? Ay buset ang panget parin. >__< Wait ganito. Hoy! Mr. Olivarez na mayabang! May itatanong lang ako na say--" Biglang naputol yung sasabihin ko nung may magsalita sa bandang likod ko.

"What did you just say? Ako mayabang?" Nakakunot noong sabi ni...

Buseeeet! Patay! Nako mas lalo pa akong mahihirapan nito! *facepalm*

----

A/N: Hello there! Hope you like it! XD Sorry sa typos.! Sareh Empenget! So ayun... Comment naman kayo at isuggest niyo din sa iba niyong kaibigan ang works ko please? And dont forget to vote,comment and add to your library! :) 

How To Be His Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon