Liham para sa Kaibigan

38 7 2
                                    

《The Jar of Untold Story #2》

Habang nag-aantay ng masasakyang tricycle sa paradahan, ay may nakita akong grupo ng mga high school students na nagkakatuwaan.

Tuwing tinititigan ko sila ay bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan, natutuwa ako kapag nakakakita ako ng mga magkakaibigan na nagkakasiyahan. Parang naaalala ko lahat, na parang ako at ang mga kaibigan ko ang mga 'yon.

Lahat ng mga batang naroroon ay unti-unti naglaho at napalitan ng mga alaalang hindi ko kailanman malilimutan.

▪︎●▪︎●▪︎

Naaalala niyo ba lahat ng mga masasayang kwentuhan at mga alaala natin?

Sana hindi nalang nagbago lahat yun, sana doon nalang tayong lahat nanatili sa mga panahon at oras na iyon. Masaya, walang problema, tanging kulitan at tawanan lang.

Pero dahil sa hindi alam na kadahilanan tila nagbago lahat ng iyon. Parang nagkahiwalay tayong lahat. Tuwing nagkakasalubungan parang hindi na magkakakilala. Bakit?

"The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained." —Anonymous

Para ba tayong may mga malulubhang sakit na nakakahawa para ganoon nalang ang pag-iwas sa isa't-isa?

Mga mahahalagang okasyon na tila nakalimutan na, nakalimutan nga ba talaga? O sadyang kinalimutan lang.

Minsan naiisip ko, hangin ba tayo? tila hindi nakikita ang isa't-isa.

Sana masaya kayong ngayon sa mga bago ninyong kaibigan, hiling ko lang na hindi niyo sana malimutan lahat ng mga pinagsamahan nating lahat. Kahit na kaniya-kaniya na tayong lahat, nandito ako nag-aantay at umaasa na sana isang araw bumalik na ang lahat sa dati, na mabuong muli ang pagkakaibigang nawasak ng panahon.

Ngayon, naniniwala na ako sa sinasabi nilang "The People you were once so close to becomes a stranger."

Kaya sa mga nakakabasa nito gusto ko lamang sabihin na pahalagahan ninyo ang inyong mga kaibigan. Dahil isa sila sa mga dahilan upang bigyang kulay ang buhay natin. Sa panahon ng kasiyahan, kalungkutan, at lahat ng pagsubok sa buhay ay nakakasama natin sila.

Salamat sa anim na taong puno ng aral, mga alaalang itatago nalang sa malalim na hukay, hindi malilimutan, dadalhin habambuhay.

Paalam.

-KNPP

▪︎●▪︎●▪︎

Date Started: July 31, 2021
Date Finished: July 31, 2021

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Jar of Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon