This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential.
________
"Okay! Let's start, shall we?"
Hindi masyadong malinaw ang kuha sa video ngunit sapat na iyon para makita ang dalawang pigura ng mga babae.
Sa isang luma at kulob na kwartong napalilibutan ng pader na gawa sa bakal ay tanging tunog lamang ng ceiling fan ang maririnig kasabay ng paghinga nila.
Ang isa ay may katangkaran, nakaipit ang mahabang kulay pulang buhok, at nakadamit ng itim na turtleneck at slacks. Walang kahit katiting na emosyong nakapinta sa mukha ng pormadong babae.
Isang buntong-hininga ang lumabas sa bibig ng katapat nitong kauupo lang. May karumihan ang suot nitong lilang uniporme at paldang pang-eskwela, at medyo basa pa ang maikling nakalugay na buhok.
"Sure, go on," boses iyon ng mas nakababata. Ang paraan niya ng pagsasalita ay may kaunting panginginig ngunit nagawa pa ring sabihin nang tuwid.
"Uhm... pwede bang humarap ka sa akin?" nag-aalangang tanong ng babae, si Ley.
"I don't think that's necessary, miss." tumango na lang si Ley sa tugon ng dalaga. Hindi na nga naman kailangan, hindi na dapat pinalalaki.
She cleared her throat. "So... you just confessed that you witnessed it?" kalmado ang boses nito pero sa kabila no'n ay ang kaniyang desperasyon.
Tumawa nang mahina ang dalaga at ipinatong ang isang palad sa lamesang nasa pagitan ng dalawa.
Ley diverted her gaze on that, confused. Seconds later, the teenager tapped her four fingers on the table, not following a certain rhythm.
"Familiar, isn't it?" biglang tanong ng dalaga. Umangat muli ang tingin ni Ley sa bata. Hindi siya nilingunan nito, abala sa walang buhay na pagtitug sa mga daliri.
"You heard it, too. Sa banyo, kung saan mo siya nakita." The tapping continued as Ley felt her heartbeats increase.
"8 years ago, back in your highschool days." she said meaningfully, obtaining soft gasp that was supposed to be silent.
Palihim na tumingin si Ley sa camera bago muling tumingin sa kaharap. "Continue speaking." inilabas nito ang maliit na notebook mula sa loob ng blazer niya bago tinanggal ang takip ng ballpen para magsulat, pinipilit na kalmahin ang sarili.
"No need to write it down, Attorney." napahinto sa akmang pagsusulat ang abogada bago muling tumingin sa babae. Ang camera sa malayong tabi ay malabong maaninaw ang buong mukha ng bata dahil natatakpan ng maikli nitong buhok ang side view niya.
"Oh, okay. I'll just memorize what you'll sa—"
"You will remember it soon," putol nito. Nakakunot ang noong tumingin nang matiim si Ley sa kausap bago isinandal ang likod sa sandalan ng upuan niya.
"Anong gusto mong sabihin?"
"Hindi ko lang basta na-witness ang nangyari sa kaniya... I killed her, Attorney." the way she said that, it's like she's used in saying it. Walang bahid ng alinlangan.
"W-what? Ikaw..." napatayo ito kaya nasagad sa dulo ng frame ng recording ang pigura niya. "I-ikaw ang pumatay sa kaibigan ko?" Bahagyang tumaas ang nanginginig na boses nito.
"Ask yourself. You saw it, right?" kalmanteng balik naman ng babae. Nawala sa gitna ng lamesa ang kamay niya at napunta sa may gilid no'n, inaalalayan ang sarili sa gagawing pagtayo.
"What did I see?"
The girl finally stood up, with his eyes leveled on attorney's neck. Ang nakaharang na buhok ay nanatili pa ron sa gilid ng mukha.
"The party in the 19th of April. The storage room. The box. The thing producing that ticking sound. You can't remember it but it was engraved on your mind, your soul. And it still is."
Sandaling katahimikan bago ang pagpapatuloy ng rebelasyon nito. "You witnessed how Aureliana, your friend, died from falling from the rooftop of that building after nearly dying inside the comfort room."
Dahan-dahan ang pagharap nito sa abogadang ngayon ay nanlalaki na muli ang mga mata.
"Ley, do you need help?" may ibang boses na narinig sa recording, boses iyon ng lalaki. Hindi iyon pinagtuunan ng pansin ng babae at nakipagtitigan pa lalo sa estudyante.
"You killed her?" takot ang maririnig sa boses ni Ley.
"Try harder to remember what happened, Attorney," lumapit ito nang kaunti sa abogada at tumingkayad para itapat ang mukha sa kausap. "Remember how you killed her through me..." may kinuha ito sa bulsa niya, isang ID. Habang ipinapakita iyon sa gulantang at halos lumuluha nang kausap ay ang pag-ipit ng buhok nito sa kaniyang kaliwang tainga, sapat na para makuhanan ng camera ang isang parte ng mukha.
Maya-maya ay lumingon siya sa recorder, dahan-dahang lumapit dito, at iniharap doon ang ID niya. Naroon ang litrato niya, halos walang pinagbago sa hitsura niya ngayon. Bumalik muli ito sa harapan ng abogada pagkatapos ipakita ang ID. Sunod naman nitong tiningnan ang nakasabit na ID sa leeg ni Ley habang nakangiti. Itinabi niya ang sa kaniya sa ID ng abogada, marahil tinitingnan ang pagkakaiba ng mukha nila.
"You did it... 8 years ago. When you're still short-haired as me, small as me, wearing the same uniform as me. It's you..." Dahan-dahan at maingat ang pagkakasambit niya noon, hindi pa rin natatanggal ang matamis na ngiti sa labi. "...who woke up lying on the floor with bloodstains on your skirt and hands. With your friend lying on the same floor, with blood covering her, too. You will remember it, soon."
Then, the recorded video went black.
YOU ARE READING
The Ticking Unknown
Mystery / ThrillerPicking one of two choices will either bring you fortune or misery. But where will picking none of those lead you? Elvi found her answer to that after eight years. Eight years of running, yet it led her back to where all should have ended before. ...