Kabanata 2: Ang Nakaraan (2)

5K 133 1
                                        

Ang kaharian ng Thelanisus ang pinaghaharian ng ama ni Hermia na si Liam. Naalala ni Hermia noong bata pa lamang siya at hanggang ngayon, lagi niyang nasasaksihan kung paano mainis at sumakit ang ulo ng ama habang naka-upo sa trono.

Gusto niyang lapitan ang ama nang mga panahon na 'yon pero binulungan siya ng nanaynanayan na si Grace, "Huwag kang lumapit sa papa mo. Magagalit lamang siya sayo, mahal na prinsesa. Gusto mo bang magalit din siya sa akin?"

Akala ni Hermia ginawa lamang 'yon ni Grace para sa ikabubuti niya pero nagkamali siya. Natatawa na lang si Hermia sa sarili nang mapagtanto na ginamit at kinontrol siya ng babaeng tinuring niyang ina.

"Ha..."

Napatingin si Hermia sa ina dahil bumuntong hininga ito.

Sumunod si Hermia kay Heroine hanggang bahay. Kanina, nalilito pa si Hermia kung sino sa ama at ina ang susundan niya ngunit sa huli kay Heroine siya sumunod.

Lumapit si Hermia kay Heroine para malaman kung ano ang hawak na papel na naging sanhi ng pagbuntong hininga niya.

< Binabati kita!

Ikaw ay isa sa mga kandidatong magiging ina ng Kaharian ng Thelanisus! >

Pagkabasa agad ni Hermia at bumalik ang tingin niya sa mukha ni Heroine. Puno ng kalungkutan ang ekspresyon ni Heroine.

Isang paligsahan para sa mga dalagang babae na magiging reyna ng Thelanisus at asawa ng magiging hari. Galing sa marangal na pamilya si Heroine kaya malinaw na kasama siya sa paligsahan. Kahit na ayaw o gusto niya, kailangan niya pa rin maki-isa sa paligsahan na 'yon.

"Hik!"

Nagsimula nang mapahikbi si Heroine at sinubsob niya ang mukha niya sa unan.

"Waaaah! Ano ng gagawin kooo?..."

Naawang tinignan ni Hermia ang ina. Hinawakan niya ang likod nito para patahanin pero nanlaki ang mga mata ni Hermia sa gulat. Lumiwanag na naman ang lahat at nang iminulat na niya ang mga mata, nasa loob siya ng kwarto, kasama ang sampung babae.

Tumingin siya sa magkabilang kamay.

'Kapag humawak ako ng tao dito mag-iiba ang senaryo o kaya ay bigla na lang akong mapupunta sa ibang lugar, araw at oras.'

Tumingin siya sa mga babae para hanapin si Heroine at agad naman niyang nahanap ang ina. Naglakad siya palapit kay Heroine pero napahinto siya dahil may isang taong naunahan siyang makalapit.

"Binibining Heroine! Nagagalak akong makilala ka!"

Nabigla si Heroine nang hinawakan pa ang dalawa niyang kamay ng babaeng may matamis na ngiti.

"Matagal na kitang gustong makita Binibining Heroine!"

Nabigla muli si Heroine nang hinawakan naman ng babae ang mala rosas niya na buhok.

"Woah... totoo nga ang sabi nila! Kulay rosas ang buhok mo. Sobrany ganda."

Napansin ni Hermia sa mga mata ni Heroine na hindi siya komportable sa kung ano ang nangyayari ngayon. Tumingin si Hermia sa babaeng nakadikit kay Heroine.

Grace Villin. Ang nanaynanayan niya sa hinaharap.

May isang babae na sumulpot sa tabi nilang dalawa at nagsalita, "Dahon at rosas?" may mangha sa tono nito at tumawa, muli itong nagsalita, "Mm! Ngayon magka-tabi kayo ni Binibining Heroine pakiramdam ko nakatingin ako sa rosas! 'Yon nga lang..." Napa singkit ang mga mata ng babaeng habang nakatingin kina Heroine at Grace.

"Rosas ang laging napapansin kaysa sa dahon dahil mas kapansin-pansin ang rosas, Hindi ba? At maraming may mas gusto ang rosas kaysa sa dahon sa tuwing pumupunta ako sa hardin," tuloy na mga salita ng babae habang may ngiti sa labi niya.

The Rewrites of the VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon