Kabanata 4: Nakaraan (4)

2.6K 87 1
                                    

   Nasa piging(feast) ako?!

   Ayoko sa maraming tao! Anong gagawin ko?! Bakit nga pala ako nandito?

   Napatulala na lang ako sa harapan ng maraming tao.

   Ah, hindi naman yata nila ako nakikita at naririnig. Tsk.

   Naglakad-lakad ako. Pinagmasdan ko ang mga madadaanan ko.

   Pilit kong iniintindi ang sitwasyon ko pero parang hindi pa nagproproseso ang lahat sa akin.

   Una, nagalit ako kay papa. Pangalawa, tumakbo ako. Pangatlo, nahulog ako sa hagdan. At... ang tumulak sa akin ay si... Mama grace?

   Bakit niya kaya ako tinulak?

   “Narinig ko ang usapan niyo ng Hari.”

   Ah... iyong sinabi niya.

   Naalala ko rin kung anong sinabi rin ni Papa. Mukha ngang tama siya.

   “Nakakaawa ka, hindi mo man alam ang totoong ugali ng babaeng iyon. Hindi mo namamalayan na puro kasinungalingan lang ang buong buhay mo.”

   Simula noong nakilala ko siya, tinuring ko na siya na para kong tunay na ina. Kasinungalingan nga siguro ang lahat.

   Pakiramdam ko may mga bagay na hindi ko pa alam.

   Huminto ako at pumikit ako.

   Hindi ko alam ang pakiramdam ng pinagtaksilan ka ng isang taong pinagtitiwalaan mo. Ganito ba ang pakiramdam na iyon?

   Nang dahan-dahan ko ng minulat ang mata ko ay nahagip ng mata ko ang isang magandang babaeng nakatayo lamang sa isang sulok.

   Pinag-mamasdan niya lang ang lahat ng taong magka-sayahan.

   Kulay rosas ang buhok niya at may maamong mukha.

   Hindi ako nagkakamali.

   Si mama. Ang tunay kong ina.

   Napa tingin ako sa tiyan niya na hindi na malaki. Hindi ba buntis siya at dinadala niya kaming dalawa ni Hero?

   Nang tinitigan ko siya ng mabuti ay may napag-tanto ako. Noong malaki ang tiyan niya na naka-upo at kumakanta siya sa harapan ng bintana ay mukhang pagod ang mukha niya. Pero rito ay wala iyon sa mukha niya ang pagod.

   Bakit hindi siya sumasali sa kasiyahan?

   Dahan-dahan siyang lumabas sa piging kaya sumunod ako sa kanya.

   Saan siya pupunta?

   Sinundan ko siya.

   Sobrang ganda niya kahit na likod lang ang nakikita ko sa kaniya.

   Huminto siya kaya huminto ako.

   May malakas akong narinig kaya napatalon ako sa gulat at ganoon din si mama.

   “Huh? Ano ang bagay na iyon?”

   Hawak niya ang dibdib niya ng tinanong niya iyon. Mabilis din ang paghinga niya gawa nga sa pagkagulat.

   Kahit na nagulat siya ay malambing, maamo at matamis pa rin ang boses niya.

   Nagsimula ulit siyang maglakad kaya sumunod ako.

   “Hindi mo ba narinig ang mga komento nila sa iyo?! Marami ka pang hindi nakukuha sa mga taong iyon! Kaunti pa lang ang pumapabor sa iyo! Paano ko sa iyo ibibigay ang maganda kung upuan kung hindi ka nakikipagka-salamuha sa mga tao! Kailangan mo silang pakiusapan!”

   Sabay kaming napatigil at napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling iyon.

   Sa hardin.

   Tumungo siya doon at tumambad sa amin ang isang lalaking naka-upo. Ang daming dumi, dugo sa damit at mukha niya.

   May nakatayo sa harapan ng lalaki. Isang matanda.

   “Walang kuwenta.”

   “Paumanhin, hindi na mauulit,” hingi nito ng paumanhin sa matanda.

   Umalis na ang matanda kaya nagtago si mama sa isang sulok habang ako ay nilagpasan lang ako ng matanda.

   Hindi naman nila ako nakikita at naririnig.

   Muli kong binalik ang atensyon ko sa lalaki na tinutulungan na ngayon ni mama. Umupo sa tabi niya si mama.

   “Kaya mo pa ba?” malumay na tanong ni mama sa lalaki.

   Tumango ang lalaki habang umuubo, sa bawat pag-ubo niya ay may tumatalsik na dugo.

   Nataranta si mama at mabilis na hinawakan niya ang laylayan ng palda niya at pinunas iyon sa bibig ng lalaki.

   Nagulat sa kaniya ang lalaki pero hindi rin ito makaka tanggi dahil sobrang dami na talagang dugo.

   Habang mabuti kong tinitignan ang lalaki ay bigla ko lang napagtanto na siya si papa!

   Sobrang dumi at ang dami kasing dugo sa kaniya kaya hindi ko siya namukaan.

   “Maraming salamat— klugh!”

   Sumuka na si Papa ng dugo.

   “Bakit iyon ginagawa sa iyo ng kamahalan?”

   Kamahalan? Iyong matandang iyon? Kung ganoon ay prinsipe pa lang si Papa rito?

   Hmm... kung iisipin ko ay nakita ko na ang mukha ng matandang iyon.

   Ah! Siya ang lolo ko, nakita ko siya sa libro. Hindi ko na siya naabutan dahil namatay na siya.

   Nang umayos na ang kalagayan ni papa ay nagsalita na siya, “Kapangyarihan, suporta, pabor, at pakiusap sa mga tao.”

   Ngumiwi si papa.

   “Mahal na prinsipe, gusto mo ba talagang maging isang hari?” mausisang tanong ni mama kay papa.

   Umupo rin ako sa tabi, lapag. Katabi nila.

   “Ewan,” simpleng sagot ni papa.

   “Kung ganoon, sana makuha mo na ang sagot sa sasabihin ko,”

   Pumikit ako para pakinggan ng mabuti ang sasabihin ni mama.

   “Hindi mo naman kailangang mabuhay para sa iba, mabuhay ka dahil buhay ka, dahil ikaw ka. Hindi ka nabuhay para pakiusapan ang ibang nabubuhay. Kaya kung gusto mong magkaroon ng kulay ang buhay mo, kumuha ka ng isang kulay na gusto mo.”

   Naintindihan ko. Ang ipinaparating ni mama ay,

   <“Kailangan mong magpakatotoo sa sarili, hindi ka nabuhay para sa iba kung hindi ay para sa sarili mo dahil ikaw ka. Kaya kung gusto mong sumaya at makulay, humanap ka ng mga bagay na maghuhubog ng interesado, saya at kakaiba.”>

   Ngayon ko lang sasabihin, gusto ko pang malaman ang mga bagay tungkol kina mama at papa.

   Mukha ngang nasa nakaraan ako at nanonood lang. Sobrang binata at dalaga pa talaga nina mama at papa. Hmm, mukha pa rin namang bata si papa at mama sa hinaharap o kasalukuyan.

Marami pa akong gustong malaman.

Gusto ko pang malaman.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon