Kabanata 6: Nakaraan (6)

2K 62 0
                                    

   Ang Kaharian ng Thelanisus ay ang pinaghaharian ni papa. Noong bata ako hanggang ngayon ay nasaksihan ko kung paano mainis at sumakit ang ulo ni papa habang naka-upo sa trono.

   Gusto ko siyang lapitan nang mga panahon na iyon pero binulungan ako ni Mama—ni Binibining Grace.

   Ang binulong niya, “Huwag kang lumapit sa papa mo. Magagalit lamang siya sa iyo mahal na prinsesa. Gusto mo bang magalit din siya sa akin?”

   Akala ko noong bata ako ay para rin sa akin iyon. Para hindi magalit sa akin si papa pero, nagkamali ako. Para lamang pala iyon kay Binibining Grace. Para sa sarili niya.

   Gusto kong tumawa dahil sobrang dami pa lang pangyayari na kinokontrol ako at manipulahin ako ng babaeng iyon.

   Ah... nandito rin kaya si Binibining Grace?

   “Ha...”

   Napatingin ako kay mama dahil bumuntong hininga siya.

   Sumunod ako kay mama hanggang sa bahay at kuwarto niya. Kanina, litong-lito ako kung kanino ako susunod. Kay mama ba o kay papa. Sa huli kay mama ako sumunod.

   Nakapangtulog na suot siya, bestida na puti. Halatang sobrang komportable niya.

   Lumapit ako sa kama. Para malaman kung ano ang hawak-hawak niya na ikina-buntong hininga niya.

   < Binabati kita!

Ikaw ay isa sa mga kandidatong magiging ina ng Kaharian ng Thelanisus! >

   Huh...

   Bumalik ang tingin ko sa mukha ni mama na namomoblema na at sa papel na hawak-hawak niya.

   Isang paligsahan para sa mga dalagang babae na magiging Reyna ng Thelanisus at asawa ng magiging Hari.

   Galing sa marangal na pamilya si mama kaya hindi malabong hindi siya makakatanggap nito.

   Kahit na ayaw o gusto niya ay kailangan niya pa ring maki-isa sa paligsahan na iyon.

   “Hik!”

   Umiiyak na si mama.

   Sinubsob niya ang mukha niya sa higaan.

   “Waaaah! Ano ng gagawin kooo?...”

   Sobrang lungkot niya. Nakakaawa siya. Ngayon ko lang makikita o makikilala si Mama ng lubusan.

   Hinawakan ko ang likod niya para patahanin.

   Pero, nanlaki ang mata ko at nagulat.

   Lumiwanag na naman ang lahat at nang iminulat ko ang mata ko ay nasa loob ako ng kuwarto, kasama ang sampung babae.

   Tumingin ako sa dalawa kong kamay.

   Kapag humawak ako ng tao rito ay mag-iiba ang senaryo o kaya ay bigla na lang akong mapupunta sa ibang lugar, araw at oras.

   Ha... ang galing. Bakit ito nangyayari?

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon