my angel of a devil

3.1K 8 9
                                    

Chapter 1: My Great Loathsome Life

Lumapit naman siya sa akin. Yung bulaklak nun eh nasa bibig pa niya at nagulat na lang ako nung lumuhod siya sa harapan ko. Ako naman eh nakatingin sa kanya pababa. Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan na niya.

Anak ng tipaklong! This is the moment!

"Candice, my love, pwede ba kitang maging girlfriend?"

Bigla nalang akong umalis mula sa pagkakaupo ko. Lumuhod din ako sa harapan niya at humawak ako sa pisngi niya.

"Alam mo gagawin ko ang lahat para sa iyo Fafa James."

Inilapit ni Fafa James yung mukha niya sa akin. My God, ang tagal kong naghintay! Hahalikan na niya ako....kitang-kita ko na yung mukha niya...ayan na...

"Aray ko naman!" sabi ko nung natauhan ako dahil binatukan ako ng malakas. Nakasandal pa yung kamay ko doon sa desk at bigla na lang nahulog nung binatukan ako ni Chat. "Bakit mo ko binatukan?"

"Mukha ka na namang tanga diyan!" sagot ni Chat sa akin tapos naupo doon sa upuan sa harapan ko, "Ano nag-daydream ka na naman? Mahiya ka nga may laway ka pa diyan sa bibig mo."

Napahawak ako bigla doon sa pisngi ko. Aba meron nga! Akala ko niloloko lang ako ni Chat, tumulo pala talaga yung laway ko. Mabuti na lang siya lang yung nakakita.

"Nakakainis ka naman eh," sabi ko sa kanya matapos kong punasan yung pisngi ko, "Ayun na eh. Nasa magandang part na ko. Hahalikan na ko! Wrong timing ka talaga eh."

"Hay naku kahit maka-isang milyon ka na daydream hindi ka papansinin nun. Nakita mo nga na dinadaanan ka lang niya?"

"Eh ganun talaga. Hindi pa kasi siya nasisilaw sa kagandahan ko." nag-lean naman ako palapit sa kanya, "Hoy Chat, samahan mo ko sa garden mamaya. Titignan ko yung room niya."

"Addict ka eh!" nakakunot na yung noo niya, "Obssession na yan. Sakit sa utak. Magpacheck up kaya!"

Tinaas ko pa yung kamay ko nun na parang napre-present ako. Iniisip ko yung mukha ni James nun.

"Siya at ako..match talaga eh." nginitian ko naman siya, "James Heinley. 'Di ba pangalan pa lang ulam na!"

"Oo nga bagay kayo. Pangalan mo pa lang eh.. Candicia Villareal."

Tinignan ko siya ng masama nun. Kahit kailan talaga hindi alam ni Chat itong tinatawag na confidence rooster.. teka rooster nga ba? Basta parang ganun.

Si Izzy May close friend ko. Also known as IM. Alias Chat.

Ako kasi nag-isip ng nickname niya. Sabi nila ang layo daw sa pangalan niya.

IM equals chat. Ang galing ko no? Genius! Thank you very much.

"Oh bakit nagbabow ka mag-isa diyan?" singit na naman ni Chat sa akin, "Alam mo Candice, may sakit ka na yata talaga. Minsan para kang siraulo mag-isa na may body movements. Kung hindi siguro kita kilala na madalas mag-daydream, malamang ni-report na kita sa mental."

"Eh kasalanan ko ba yun?!" nag-snap naman ako sa kanya, "Writer nga eh. Malawak ang imagination!"

Writer ako. Closet writer sa katunayan. Mga sinusulat ko, hindi nakakalabas ng bahay. O ng bag ko. Ni-walang nakakabasa. Kung anu-ano kasi pinaglalalagay ko sa mga sinusulat ko. Usually kasi pinagsama-samang iniisip ko at daydreams ko. Kaya nakakahiya talaga na may nakabasa.

Two months na akong nagsusulat ng kwento. Wala pang title eh. Well long story,short, ang bida ang pinakamamahal ko na si James at siyempre sino pa ba ang karapat-dapat na kalove team niya..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2009 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my angel of a devilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon